Mukha

1.6K 71 11
                                    

"Doc, gising na sya" rinig kong sabi ng isang babae

Pilit ko naman minulat ang aking mga mata ngunit sobrang hapdi nito

"Wag mo muna pwersahin ang sarili mo" sabi naman ng isang babaeng malaki ang boses

Hindi ko sya nakikita pero alam kong nasa gilid sya ng kamang kinahihigaan ko

Hindi ko rin alam kung ilan sila pero base sa ingay na naririnig ko

Mukhang tatlong babae sila

"Ano pong nangyari sakin?" Nanginginig ang boses na saad ko

"Natagpuan ka namin sa labas ng kagubatan, masyadong nadamage ang mukha mo sa palagay namin ay nasunog sa chemical. Binuhusan ka ng asido sa mukha at kinailangan namin itong operahan upang hindi na mayasdong lumala pa" tugon ng babaeng malaki ang boses

"Pinalitan nyo ang mukha ko na di nyo manlang pina-alam sakin?" Nagpapanic kong saad

"Halos linggo ka ng walang malay, kung papatagalin pa namin baka mainfection na ang sugat mo kaya wala na kaming choice kundi operahan ito at palitan ang mukha mo kahit hindi naman namin alam ang eksaktong itsura mo" mahinahong niyang paliwanag sakin

Hindi ko alam ang isasagot ko dahil wala naman akong alam sa mga medical thingy na yan

Napabuntong hininga nalang ako

"Mag-pahinga ka muna, sa mga susunod na araw ay makikita na natin ang resulta ng bago mong mukha" saad nitong muli

Narinig ko pa syang nag-bilin ng kung ano-ano sa dalawa pang babae ngunit hindi ko naman maintindihan

Napa-isip nalang ako kung ano nga ba ang nangyari sakin at umabot ako sa sitwasyon na ito

Na-alala ko nalang na hinahabol ako ng isang babaeng asawa ng dati kong kasintahan

Tumakbo ako papalayo sakanya mula sa pag-kakasabunot niya sa buhok ko

Inaaway niya ako sapagkat niloko sya ng walang hiya kong ex-boyfriend sa pamamagitan ko

Hindi ko naman alam na may asawa na pala ang hayop na yon

Parehas kaming ginago ng asawa nya kaya wala akong kasalanan

Ngunit ako parin ang sinisisi nya sa pag-iwan sakanya ng asawa nya

Dahil ako ang pinili nito ngunit hindi ko naman sya tinanggap pabalik

Hello? Hinding hindi ako magpapa-utong muli sa mga gagong tulad nya

Pero yon na nga ako parin ang binalikan ng bruhang asawa nya

Umabot ako sa isang kakahuyan sa pagtakas sa babaeng iyon

Ngunit na-abutan niya ako at sinabuyan ng tubig sa mukha ko

Pero tila isa itong umaalab na likido na sumusunog at lumulusaw sa kalamnan ko

Wala akong magawa kundi mag-sisigaw sa hapdi na nararamdaman ko

Umiyak kasabay ng pagpunit ng mga balat ko sa aking mukha

Para akong sinusunog ng buhay ganun ang pakiramdam ko

Tanging hiyaw lang ang namumutawi sa aking bibig ng mga oras na iyon

Hanggang mawalan ako ng ulirat dahil sa pagdurusang dinanas ko

Siguro nga tama narin itong napalitan ang mukha ko

Baka sakaling makalimutan ko ang bangungot na aking kinasadlakan

Mabilis lumipas ang mga araw at oras na para makita ang resulta ng aking bagong mukha

"Ready?" Rinig kong tanong ng babaeng nagpalit ng itsura ko

RealismoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon