Tattoo

1.8K 78 16
                                    

"Ano bang ginagawa natin dito?" Kunot noo kong tanong sa katrabaho kong si Celine, Ced kung tawagin namin sa opisina

"Gagawin na natin ang isa sa mga wish list mo"

"Wait lang!!! Ngayon na talaga? Ayoko baka masakit!" Medyo nagpanic na saad ko

"Saka bawal yan sa trabaho natin diba?" Dagdag ko pa

"Basta hindi makikita ok lang yun!"

"Saan naman yung parteng hindi makikita?"

Ngumisi sya at tumingin sa pagitan ng mga hita ko

"No way!!! CEDDY!!!" malakas na saad ko

"Naku naman, Jemalyn akala ko ba gusto mo tong gawin? Nasa wish list mo yan diba?"

"Gusto kong magpatattoo pero hindi naman sa parte na yun, kaloka ka!" Sabay irap dito

"Hahaha masyado mo namang sineryoso girl! Pwede naman sa balakang o sa pigi. Pero kung gusto mo talagang tago, sa singit talaga ang pinaka magandang parte hahaha" bruha talaga

"Ewan ko sayo!!!" Nagigigil talaga ako sayong babae ka

"Wag ka ng mag-inarte dyan Jema, ito na yung isa sa wish list mo! Magagawa na natin, Aarte ka pa ba?"

"Oo na nga!" Inis na usal ko

Kinakabahan talaga ako sa isiping magpapatattoo ako

Samantalang takot na takot nga ako sa tusok ng karayum

Umiiyak ako kapag iniinjectionan

Tapos eto oh? Pinangarap kong magpatatto!

Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko at yun ang unang sinulat ko sa wish list ko....

Medyo ang awkward ng pakiramdam ko pagtapak palang ng mga paa ko sa loob ng isang maliit na gusali

Nababalutan ito ng makakapal na usok galing sa vape na binubuga ng mga taong nasa loob ng building na ito

Hindi ako sigurado kung ang mga lalaking ito ang tattoo artist

Kung titignan mo sila ay para silang mga adik sa dami ng tattoo sa kanilang katawan at mga hikaw naman sa iba't ibang parte ng kanilang mukha

Napahigpit ang kapit ko kay Ced dahil kakaiba ang mga sulyap nila sa amin

Pinapasadahan ng kanilang mga tingin ang aming buong katawan

"Umalis na tayo Ced, nakakatakot ang mga lalaking yan oh!!!" Kinakabahang saad ko

"Huwang kang mag-alala babae yung tattoo artist dito" kalmadong saad naman nya

"Sure ka? Nakapunta ka na dito?" Ngumisi lang ang gaga

Nagpalinga-linga ako at hinahawi ang mga usok na tumutungo sa gawi namin

Bahagya narin akong napapa-ubo sa paglanghap ko sa mga usok na iyon

"Mukhang nasarapan si Miss Beautiful" katyaw ng isa sa mga lalaking nakatambay sa loob ng gusali na ito

"At nagsama pa ng mas maganda" sabi naman ng isa pa

Lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa babaeng kaakla ko

"Ibig sabihin nakapunta ka na nga dito?"

"Oo nagpatattoo na rin ako dito nung nakaraan buwan magaling yung tattoo artist nila saka cute pa"

Nangiwi naman ako "Tomboy ka na ngayon?" Sa pagkakatanda ko eh sabi nya babae yung artist dito

"Bakit ikaw ba hindi?"

RealismoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon