Ukit

1.7K 89 82
                                    

Ang ganda parin ng tanawin sa gawi ng barangay namin na ito

Makikita mo parin ang mga kabahayan sa mga matatarik na bundok

Masarap parin lasapin ang sariwang hangin na dumadampi sa bawat balat ko

Umupo ako sa damuhan katabi ng isang punong mangga

Napangiti ako nandito parin pala yong pangalan inukit namin

Kalakip nito ang pangakong magmamahalan kami habang panahon

Pero nasira lang yon dahil lang sa dahilang wala akong pangarap

Dahil ang tanging pangarap ko lang ay maging masaya araw-araw kasama ito

Masama ba ang pangarap ko na yon? Na maging maligaya lang sa piling nito?


---

"Ilang araw nalang graduate na tayo, anong kukunin mong course sa college baby?"

Napatingin ako dito habang nakatingin sa nagkikinangang kabahayan at nakasandal sa malangking puno ng mangga

"Ok na sakin makagraduate ng High School, tapos magtatatrabaho na ko agad para makatulong kela Mama at Papa"

Kunot noo itong tumingin sakin "wala ka bang talagang pangarap?"

"Meron ah? Pangarap kong maging masaya kasama ka habang buhay" proud na saad ko

"Pwes, ibahin mo ang pangarap mo! Mangarap ka ng mas mataas Deans, sa tingin mo ba mabubuhay lang tayo ng pagiging masaya mo?"

Napa-nganga ako at hindi nakapag-salita

"Paano tayo gagawa ng pamilya? Ano ipapakaen mo samin? Paano tayo magkaka-anak kung wala kang pangarap........"

"Teka ang dami mo ng gusto mangyari! Anak? Pamilya? Jema, 16 years old palang tayo yan agad iniisip mo?"

"Bakit hindi mo ba gusto magkaroon tayo ng pamilya? Sarili nating anak?"

Ngumiti ako "syempre gusto, pero masyado pang maaga para pag-usapan ang bagay na yan"

"Hindi Deans, tamang tama lang na ngayon na natin pag-usapan yan! Dahil ngayon palang sinasabi mo sakin na wala kang pangarap at wala kang gustong marating!!!"

"Hindi tayo normal na couples Deans, parehas tayong babae kaya paano tayo magkaka-anak ng galing satin kung hanggang dyan ka lang!!!"

Naguguluhan ako kung ano ba nais nyang iparating sakin

"Jema, may pangarap ako, ikaw. Ikaw yong pangarap ko, masama ba yon? Masama ba yong mangarap akong maging masaya araw-araw kasama mo?"

"Oo masama, kaya please mangarap ka ng iba kung gusto mo pang ituloy tong relasyon natin"

"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko

"Sa maynila na ako mag-aaral, kukunin na ako ni Papa. Siya na ang magpapa-aral sakin"

Napatayo ako "kelan ang alis mo?" Matamlay na saad ko

"Bukas!" Ngumisi ako at napasigaw

"Tangina!!!!" Napitlag ito sa paglakas ng boses ko

"Kaya pala inaaway mo ko? Para may dahilan ka ng iwan ako?"

Tumayo sya at niyakap ako "hindi yon ganun Deans, gusto ko sumama ka sakin, gusto ko sabay nating abutin ang mga pangarap natin" humihigbi nitong usal

RealismoWhere stories live. Discover now