Carousel

2.5K 112 47
                                    

"Hoy Deanna! Saan ka na naman pupunta?" Tanong ni Joseph ka crew ko

"Naku pupunta na naman yan dun sa cabaret hahaha" sabi naman ni Edward

Hindi ko sila pinansin at nagmamadaling lumabas sa fast food na pinag-tatrabahuan ko

"Deanna!!!" Napahinto at napalingon ako sakanya

"May huddle pa tayo tatakas ka na naman!" Nginitian ko sya

"Carly baby, ikaw na muna bahala sabihin mo sumama pakiramdam ko kaya nauna na ako please?" Sabay pacute ko dito

"Ayan jan ka magaling! Lalambingin mo lang ako kapag may kailangan ka sakin!" Sabay irap nito sakin

"Alam ko kasing malakas ako sayo! Hindi mo ako matitiis, mahal kong manager!" At kinindatan ko sya

"Sige na mauna ka na! Sasabihin ko nalang kay ma'am Jia na masama nga pakiramdam mo" co-manager nya yon na naka-duty rin ngayong pang-gabi

"Thank you! Ang cute cute mo talaga" at pinisil ang mga pisngi nito

"Oo na umalis ka na! Kung hindi lang kita love" binulong nya lang yong huling sinabi nya

Napangiti ako, sa daming cute na lalaking crew dito ako pa talaga trip nya

Pero napapa-kinabangan ko naman ang pagka-crush nya sakin

Dahil nakakatakas ako kapag gusto ko, tulad ngayon

Kailangan ko ng magmadali baka hindi ko na sya maabutan

Mag 2 am narin, actually out ko narin naman na may huddle lang na tinatawag para sa mga crew kung saan tatanungin ka sa update sa buong araw

Ayon yong lagi kong iniiwas para lang maabutan ko pa sya

Kaso kapag si Carly lang ang nakaduty ng night shift na manager saka lang ako nakakatakas at dun ko lang din sya nakikita

Agad akong bumaba ng jeep nung tumapat ito isang maliit na building na may maliliit na ilaw

Nag-papatay sindi ito sa labas at sa loob

"Oh saan ka pupunta? Bawal teen-ager dito kapag walang kasamang matanda" pigil sakin ng bouncer nung papasok na ako sa entrance

"Hindi na ako teen-aget 21 na ako" giit ko pero ayaw parin akong papasukin

Kumamot nalang ako ng ulo at umupo sa gilid ng club

Tinignan ko ang orasan ko 3 am na, halos isang oras na akong naghihintay sakanya dito

Napatayo ako nang nag-sisilabasan na ang mga lalaking customer

Yong iba kasama yong mga babaeng nagtatrabaho rito

Maiikli ang suot nila halos kita na ang buong kaluluwa

Napangiti na ako ng makita ko na syang palabas

Ang sexy talaga nya, maputi makinis ang balat at sobrang ganda talaga

Katulad ng ibang babae maikli rin ang suot nya

Naka-short short sya at spaghetti strap

"Jema!!" Tawag ko sakanyang nakangiti

"Ano na naman ginagawa mo dito?" Iritado nyang tanong at lumapit sakin

"Jema! Nandyan na naman yong tomboy mong manliligaw hahaha! Mauuna na kami sayo" tinanguan nya lang yong katrabaho nya

"Ikaw! Di ba sabi ko sayo, magbayad ka kung gusto mo ako makita at maka-usap? Hindi ka ba talaga nakaka-intindi?" Baling nya sakin

RealismoWhere stories live. Discover now