Hindi tayo pwede

1.9K 86 61
                                    

"Jema!" Tawag ni Deanna sa dalagang kanina pa naghihintay sa kanyang nobya

Nilingon naman nya ang paparating na si Deanna

Agad naman nya ito binigyan ng matamis na ngiti paglapit pa lamang sakanya ng dalaga

"Kanina ka pa?" Tanong ni Deanna kay Jema

"Medjo sanay naman ako pinag-hihintay" natatawang wika ni Jema kay Deanna

"Sorry ah? Medjo last minute na nagsabi si fhen na hindi sya pwede. Kaya heto nalate ako naghintay ka na naman tuloy" umiling lang si Jema sa tinuran ng dalaga

"Ako nga dapat magsorry sayo, lagi ka nalang inaabala ng bestfriend mo! Sya dapat ang kasama ko pero, heto? Inistorbo ka naman nya, dahil sa mga commitments nya na hindi nya kayang iwan para sakin" malungkot na wika ni Jema

Hinawakan ni Deanna ang magkabilang balikat nito

"Ok lang Jema, hindi ka nakaka-istorbo sakin. Wala din naman akong ginagawa eh, kaya available ako para sayo" sabay ngiti nito kay Jema

At masaya rin naman ako makasama ka kahit nakaw na sandali lamang sabi ni Deanna sakanyang isip

"Loko! Mamaya maniwala ako sayo! Naku naku hahaha" natawa na silang dalawa sa tinuran ni Jema

"So tara na?" Aya ni Deanna kay Jema

Tumango naman ang dalaga at inabot ang kamay ni Deanna sabay hila papasok sa loob ng theme park

Nakatingin lang si Deanna sa kamay nila ni Jema

Napangiti sya. Hindi parin nya mapigilan kiligin kapag ginagawa ito ni Jema sakanya

Hindi parin sanay ang katawan nya sa presensya ng dalaga

Hindi rin maiwasan ni Jema mapangiti ngayon magkasakop na naman ang kanilang mga palad ng matalik na kaibigan ng kanyang nobya

Napawi agad ang kanyang ngiti ng maalalang kaibigan nga pala ito ng kanyang kasintahan

Ganun din ang namayani sa utak ni Deanna kaya dali rin naglaho ang pagkakangiti nito

Maling isipin maging masaya sya kasama ang nobya ng kanyang kaibigan

Kusa nilang binitawan ang kamay ng isa't isa

"Ano gusto mong sakyan?" Tanong ni Deanna

"Parang gusto ko muna sa booth" sabay nguso ni Jema sa horror house

Awtomatiko naman umiling si Deanna kaya napangiti sakanya si Jema

"Don't tell me! Takot ka sa mga multo? Hahaha" pang-aasar nito sa dalaga

"Hindi ah?" Natawa si Jema kay Deanna kitang kita kasi sa mukha nito ang takot ngunit tinatanggi pa

"Don't worry hindi naman kita papabayaan" sabi ni Jema, hinawakan muli ang kamay ni Deanna

"Sabay natin harapin ang takot mo" tila kumalma si Deanna at tumango na lamang sa dalaga

Nakayakap agad si Deanna kay Jema pagpasok pa lamang nila sa entrada ng Horror House

"Jema, promise me! Wag mo ko iwan" sabi ni Deanna, nanginginig pa ang boses nito

Hinawakan naman ni Jema ang mga brasong nakapulot sakanya

"Promise! Hinding hindi kita iiwan Deanna"

Napapasigaw si Deanna kapag lumabas na ang mga pekeng multo at kapag nakakarinig na sobrang kakaibang tunog

Lalo tuloy humihigpit ang yakap nito kay Jema, na lihim lamang na napapangiti at minsan hindi maiwasang tumawa ng malakas

"Jema, naman takot na takot na nga yong tao tinawanan mo pa" sita sakanya ni Deanna

RealismoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon