8. Your Name

6.5K 216 21
                                    

Eve's POV

     Nakaka-tense naman yung si madam,
     Magiisang liggo nang hindi niya ako pinapansin, magiisang linggo na ring lagi siyang late na umuuwi, halatang umiiwas

     Tapos kapag mapapalapit ako sa kanya tuwing umaga agad na siyang umaalis, panay pa ang irap niya, maatitude din yung si crush e, 

     Ang tanga ko rin kasi e, hindi ko alam pangalan ng crush ko nakakaloka, nakipag-churvahan ako nang hindi ko alam yung pangalan! Hindi rin talaga halata na medyo, slightly harot ako sa kanya ano?

      Ewan ko ba hindi naman ako ganito sa mga dati kong naging crush, yung iba nga nung high school nanligaw pa sila, pero binasted ko kase, ewan, nawalan na ako ng gana sa kanila mula nung sila yung magbigay ng atensyon sakin.

     Sabi naman nung mga kaibigan ko nun, kaya raw ako walang boyfriend , kase pihikan raw masyado.

     Lakas talaga ng alindog ng babaeng yon,


     3:00 pm

    
     Kakatapos lang ng huling klase ko ngayong hapon, nakakapanglata 2 hours na nagturo si Maam Paminta, susko! kung hindi lang ako takot dun siguro naitulog ko nalang ang klase niya,

      kakabagot kasi nakakaantok magturo  kapag kase siya yung nagtuturo parang may mga demonyong naghehele sa amin para matulog, ang ending kapag makatulog ka papaalisin ka at ipapahiya. Tsssss

      "Huy Eve, pwede bang sabay na tayong umuwi?, May kukunin lang ako sa library, tara samahan mo ko"

      "Ano ba Asley, wag ka nga manghila, Hindi ako masabay sayo pauwi may pupuntahan pa ako!" ano ba naman tong babaeng to, makahila , mukha ba akong bagahe?!

      "Edi samahan mo nalang ako sa library" pinal na sabi niya

      "Nakakasura ka alam mo?"

     Si Asley, kaklase ko siya mula second subject to the last. Nakakasawa na rin ang mukha niya

     Ang dami niyang dada habang hila-hila niya ako, hanggang sa makasalubong namin ang taong isang linggo nang ginugulo ang isip ko.

     "Miss Pres. Good Afternoon!" Bumati ang katabi ko, ako nganga lang.
    
     Nakatingin siya sa akin ngayon ng matalim, at bumaba ang tingin niya sa kamay ni asley na nasa braso ko

     MISS. PRES?
    
     Si madam? Tinawag ni asley na Pres? Hanla anong meron?

     "Huy Eve, natulala ka?" Kumakampas na ang kamay niya sa mukha ko

      "Hala, Natulala ka sa ganda ni miss pres. Ano? Sabag-"
    

      "Bakit mo siya tinawag na Miss Pres?" Nagtataka kong tanong

      "Seriously?! Hindi mo siya kilala? "

       "Well siya lang naman ang pinakapopular na President dito sa ating School, bukod sa pagiging dyosa niya matalino pa siya" mahaba at may kumpas pang pangpapaliwanag ni asley at dahil nagtanong na rin ako sasamantalahin ko na

         "Anong pangalan niya?" Naman oh, magiisang linggo na hindi niya ako pinapansin ngayon ko lang maitatanong yung pangalan niya

       Kahit naman kase tanungin ko si manang Suli, ayaw niya sabihin. Bawal daw e. Hanluh anong bawal dun?

       " Aster Quinñones" habang tila, isinusulat niya ang pangalan ni madam sa ere, lukaluka talaga

       "Aster"

      
       Sawakas alam ko na rin

       "Tara na sa library Eva, para kang sinasapian, nangiti ka mag-isa" and again hila hila nanaman niya ako

        "Anong EVA ? EVE dapat" baguhin ba naman pangalan ko

        "Sige, Adan itatawag ko sayo" nagbanta pa,

        Tssssss

        Matapos ang ilang dekadang paghiram ni Asley ng libro, ay sa wakas malayaaa na ako,

       Pupuntahan ko si Madam Aster sa office niya

       Ang sarap talaga dumaan dito, tahimik tsaka presko dahil sa mga puno.

    
       "PRESIDENT'S OFFICE"

      nakasulat sa kanang bahagi nang pinto yung sign, magandang gusali ito na may modernong design
Parang dalawang palapag ito.

      Kakatok ba ako? O Hinde

      Nakaka-kaba naman

      Parang Natatae na ako

      Susko ebak, not now

     
      "What are you doing here?"

      Nagitla ako dun ah, sheyt, guys kilala ko yung boses na yun

      Yan yung boses nung lalaking nabangga ko nung nagmamadali ako, yung may flowers

       "H-ha? Nagpapahangin lang. Ganda dito e" sana lumusot

       " Oh, akala ko kase stalker kita" ang yabang grave, sarap isuka ng tae

       Mukha siyang aso ngayon

       " Ayaw ko mangstalk ng aso sorry" nakakawala siya ng ganang kausap

        Sayang saliva

         " Wag kanang tumang--" eto nanaman papresko di naman masarap, feeling presto siya yung tinapay feeling yummy e

         " Stop! Your so loud!" Mataas yung boses, ghaaad kilala ko kung kanino yung boses na yun

        Heart wag maladi, narinig lang yung boses kailangan kumabog ng malakas? Tas ikaw bulate kailangan magrambulan?

        Nakatalikod ako ngayon sa pinto ,. Ayaw kong humarap sa kanya.   Kahit praktisado na yung sasabihin ko,hindi ko kayaa. penge lakas ng loob guys

        " Oh, hi Aster ! " Pacute ang aso nakakasuka siya

        " hi " tipid nya sa words

        "Im lester, im here kase i want to give you flower-"

        "No thanks" ay taray, buti nga kay presko

        "You, lets talk" seryoso niyang utos sa akin

      
     
     
   

The President Is MINE (Completed )Where stories live. Discover now