22. tampo

4.7K 153 18
                                    

Eve POV

Bangag akong nakatingin sa dalawang kanina pa nagtatalo sa aking harapan.

" Why cous, is it bad not to like her?" Malditang saad ni blandina habang nakatingin kay Aster na hindi parin binibitawan ang aking kamay.


" YES!" nanggagalaiti naman si Aster,kanina pa siya sigaw ng sigaw

" Ano ba,huwag na nga kayong magsigawan, ke gaganda ninyong babae, parang tambay naman kayo sa kanto kung magsigawan!"
hindi na ako nakapagpigil na hindi awatin ang dalawa.

" Sorry na babe" pabebeng saad naman ni blandina.

" Wag kana magalit babe, want me to court you?" Malanding saad ni blandina habang agad na dinampot ang aking kamay.

Halos mawalan na ako ng ulirat sa mga pinagsasabi niya. Anong klaseng matres kaya ang pinang-galingan netong blandinang ito?

" STOP CALLING HER BABE!, SHE'S NOT EVEN YOURS" sigaw naman ni Aster, sabay agaw ng kamay ko sa blandina.

" Why are you acting like her girlfriend?" Tumigil siya at tinitigan si Aster na parang nang hahamon " huh, cous?" Bakit parang nararamdaman ko na may magsasabunutan?

Sarap naman magpa-party neto, feeling ang ganda ganda ko .

Tumayo si Aster, at hinawakan niya ako sa bewang.

Ano namang trip neto? Hindi pa naman kami bati, hindi manlang sinabi na pinsan niya pala to. Nakapagdrama pa tuloy ako ng bongga.

" Want me to tell you the truth?" Nanghahamon naman niyang tingin sa blandina. Palaban talaga itong isang ito.


Hindi naman nagsalita si blandina, pero parehong matalim ang tingin nila sa isa't-isa.

Pwede naman silang magsabunutan e, ako magiging referee.


" Then watch this" hinsi ko naman ma gets, kung anong sinasabi ng katabi ko ngayon. Ghaddd, namiss ko ng sobra itong isang to.

" Tama na nga--" hindi na ako nakatapos magsalita nang bigla nalang akong halikan ni Aster, ay hutek hindi ako handa!

Ang lambot talaga ng labi ni Aster, ghadd! Pwede i-torrid? Hihihi (harot)

Pero isang smack lang yun. (Bitin ako ayt)


" She's mine, so back off" sabi niya sabay yakap sa akin, napa-subsob naman ako sa boobs niya. Heaven.

Naka-suot pala siya ng heels ngayon, teka gabi na ah?

" T-teka bakit naka heels ka ha?" Sabi ko pagka-angat ng aking ulo,

" hindi pa ako nakakapgpalit. Ihahatid ko pa si cous sa condo niya love" biglang lambing ng boses ni Aster, ohmay! Nawala lahat ng tampo ko sa kanya ngayong maghapon. Dun sa kiss palang! Wah! Bakit ang rupok ko ?


" Okay uwi agad" yun lang ang nasabi ko habang namumula, hinawakan niya kase ang mukha ko habang tinitingnan niya ako ng pagka-inam

" I'm still here" basag ng kung sinong epalogs, ay andito pa pala si blandina.

" Ghad? Bakit halos lahat nalang ng nagu-gustuhan ko taken na?" Maarteng pagda-drama ni blandina.

" Panget ka kase cous, aagawan mo pa ako" pabebeng saad ni Aster, sabay tingin sa akin.


" Gabi na ihatid mo na siya" utos ko kay Aster, para makauwi na rin siya ng maaga pagkahatid niya kay Veronica.

" Bye bye Eve, call me if ever maghiwalay kayo ni Aster ha! " Sabi niya sabay yakap naman sa akin ni Veronica. Mag-rereact pa sana si Aster ng senyasan ko siyang okay lang. Masyadong praning si love ha.

" Bye bye, cous" pagpapa-alam ko sa kanya.

Dali-dali naman siyang hinila papa-alis ni Aster.


Hindi ko alam kung matatae o kung ma-aano ako ngayon. Hindi ko parin kase malimutan ang katangahan ko. Nag-kungklusyon agad ako na ipinagpalit na ako nung isa e, pinsan naman pala niya yun.

Si Aster naman kasi, hindi manlang ako binati kanina, nung umaga, nung break time. Ni 'ha' ni 'ho' wala manlang akong natanggap sa kanya kaninang umaga tas, sobra naman makapangbakod kani-kanina lang.

Pero kinikilig ako, hihihi.


" Hey love, are you waiting for me?" Wika niya sabay yakap mula sa aking likuran.
Hindi ko namalayan na nandito na pala agad siya.

" nagtatampo ako sayo kaninang umaga, did you know that?" Malungkot sa saad niya habang nakapatong ang kaniyang baba sa aking balikat. Hindi naman ako nagsalita at nagiintay lang ako ng sunod niyang sasabihin.

" You didn't wake me up this morning like you always did. Hindi mo rin ako pinapansin kanina-" nagitla naman ako sa sinasabi niya

" Ako nga ang nagtatampo sayo e" Maktol ko sa kanya sabay putol ng sinasabi niya. Aba! Sinong manunuyo sa aming dalawa kung pareho kaming may tampo?

" What? Did I do something wrong?" Aba, nagtaka pa ang babaita.

" Ay oo!" Humarap ako sa kanya.

" Sinong matutuwa kapag umagang-umaga ay makikita mo agad ang girlfriend mong may katawanang hindi pamilyar na babae? Tapos parang hindi mo pa ako nakikita, sinong matutuwa nun? At talagang hindi mo manlang sinabi na pinsan mo pala yun?" tumataas ang blood pressure ko dito sa babaeng to, kung hindi lang talaga ano, ay naku



" Love diba may tampo nga ako sayo kanina? Kaya nga hindi kita pinansin e, akala ko naman susuyuin mo ako" nakatungong sabi ni Aster, ang cute niya!

" Sorry love" masuyong sabi niya sa akin, " hindi na maiuulit. Promise love" hindi ko na kaya! Ang cute niya sobra!

" Kung may tampo man ako sayo next time, text kita ha? " Sarkastiko naman niyang pagpapatuloy.

" Nagtatampo ka parin ba?" Masuyong sabi ko sa kanya, sabay hawak sa kaniyang mukha, napapikit ang gaga.

" Yes, love" agad naman niyang saad.


Akmang ilalapit ko na ang mukha ko sa kanya nang agad siyang pumikit.

It's my time to shine baby, ahahah

"Tampo ka parin pala e, tas tampo rin ako sayo. Huwag nalang tayong magpansinan" bitaw ko sa pagkakahawak ko sa kaniyang mukha.

Hindi makapaniwala ang gaga.

" Love?!," Sigaw niya. Sana ay hindi magising ang ibang tao dito sa mansyon.

"You can't run away from me" sigaw parin niya, sabay karipas ng takbo papunta sa akin.

" Oh my god!, Parang kakainin niya ako ng buhay!"





The President Is MINE (Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon