37. Home II

4K 133 8
                                    

Eve POV

                    "  Edi, nagli-live in kayo? "  natahimik ang lahat sa biglaang tanong ni Dad, napatingin silang lahat sa akin. Agad naman akong napatingin kay Aster na ngayon ay nakatingin rin sa akin.

                     " Ay malamang Dad " biglaan namang sabat ni ate.

                     " Ah, edi ibig sabihin may nangyari na?" Hindi talaga ako sanay sa awra ni Dad ngayon, halatang inaasar niya kase ako. Magbibigay siya ng kakaibang tingin at itinataas baba pa niya ang kilay niya.

                    Rinig ko ang hagik-hikan nila. Ramdam ko din ang pag-init ng aking pisngi, pinipigilan kong mapangiti.

                    Naramdaman ko naman ang magaang pag-akap sa akin ni Mom.

                    " Wag nyo na ulitin si bunso, ngayon nga lang nag-uwi ng girlfriend oh " ang akala ko ay meron na akong kakampi dito pero wala pala.  Walang nagbago kay Mom Mula noong umalis ako, ang sarap parin talagang umuwi.

                     " Isa ka pa pala Mom " pabebeng Saad ko kay Mom, noon pa man hilig ko na talagang magpabebe kay Mom kase feel na feel ko ang pagiging bunso.

                      " Ewws, matanda ka na " Narinig ko naman si ate.

                       " nyenyenye" balik ko sa kaniya.

                       " Aster tara na sa loob " sabi ko habang lumalapit sa kaniya. Agad ko namang kinuha ang kaniyang kamay.

                         Nakapanood lamang sila ngayon.

                     " Okay love " mahinang sabi niya ngunit sapat na upang marinig naming lahat dito sa harapan ng bahay.



                     Agad ay nakarinig ako ng pagtikhim, may narinig pa akong humagikhik. Parang mga ewan

                     " love pala tawagan nila " bulong ni ate ngunit sapat na para marinig ko. Ngunit Hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy lamang ako sa paghila kay Aster.

                      " love ang tawagan "

                      " Ang corny "

                       " Pfft "

                       Parang bubuyog sila sa aming likuran, pansin ko ang pagpipigil ng tawa nitong si Aster.


                       Hahawakan ko na sana ang doorknob nang bigla itong bumukas. Mabuti at hindi ako sobrang magugulatin.


                          Gaya ng dati walang pinagbago ang loob, medyo lumiwanag lamang. Kumpleto parin ang aming mga larawan.

                          

                            Ang buong maghapon ay napuno ng tawanan, hindi talaga sila mahilig sa mga kung ano-anong drama at iyakan. Sangkatutak na pang-aasar ang aking natanggap sa kanila.


                              Gabi na ngayon, kakatapos lamang namin maghapunan. Inaya ng aking mga pinsan si Aster sa living room maglalaro daw sila. 


                    Kasalukuyang nasa labas ko ng bahay sa may pool area, kitang kita mula rito ang ganda ng buwan at hindi rin nagpapatalo ang mga bituin.

The President Is MINE (Completed )Where stories live. Discover now