17. Rules

4.6K 156 23
                                    

Eve POV

     Seryoso ang tingin sa amin ng dalawa habang dahan-dahang bumababa ang tingin nila sa aming magkasaklob na kamay. Paktay

       " Aster" malalim na tinig ni sir

       " May relasyon ba kayo?" Pirmi at seryosong tanong ni sir. Nagaantay ito ng sasabihin ni Aster, nakakakaba parang isang maling sagot at maling galaw lang namin ay may parusa

    
       Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Aster, hindi ko siya iiwan sa ganitong pagkakataon because she deserves everything.
Medyo corny man sa pandinig pero basta! Mahal ko siya

        " Yes Dad, She's my girlfriend" seryosong sagot ni Aster.

         Nagitla na lamang ako nang sa akin naman bumaling ng tingin ang mag-asawa.

          Takte, ako naman ang lilitisin. Baka paalisin na nila ako dito.
          Baka paghiwalayin na kami. Huhuhu i cannot!

           Iniisip ko palang naiiyak na ako

          " Eve --"

          "Sir! Maam!, okay lang po kung paalisin niyo na ako rito, basta wag po kayong magagalit kay Aster, pasensya na po talaga"pagputol ko sa sasabihin sana ni sir, mahirap na bago ako mapalayas dito kailangang masigurado ko munang okay lang si Aster sa magulang niya

            " H-hindi po ako humihingi ng pasensya sa pagiging girlfriend ni Aster, humihingi po ako ng pasensya dahil hindi po ako nakapag-paalam sainyo" nakatungo at humihingi ng tawad kong pagsasalita sa kanila. Nah, bakit naman ako mahingi ng pasensya sa pagiging girlfriend niya, e yun na nga yung pinakamagandang nangyari sa buhay ko ngayon.

           " Eve, nak" mahinahong boses ni sir,

           " Matagal na naman naming alam eh" parang natatawang sabi ni maam.

            " Ahahaha Baby, para kayong matatae na ewan kanina, ahahaha" nagtawanan ang mag-asawa.
Takte! Pinagpawisan ako dun ah.

            "Nak, wala kaming balak paalisin ka, we want to help you" mabait na wika ni sir, ay tae parang maiiyak naman ako sa tuwa

           "Pero ngayong konpirmado na "kayo" na talaga meron akong mga rules na ipapatupad para sa inyong dalawa" pormal na sabi ni Sir habang may inilalabas na mga papeles.

          Ay bongga! Ano to contrata?

          " Dad, para saan pa ba yan?" Naiinip na tanong ni Aster, habang hindi parin binibitawan ang aking kamay.

         " Okay, eto na mamadaliin na, taeng-tae nak?" Pabirong sabi ni Maam, hindi ko inaasahan na may pagka-ewan pala siya

         " Opo Nay, taeng-tae na rin po ako" sinabayan ko na ang pagbibiro ni maam

         " Tibi ba?"

          " Feeling ko po" sagot ko naman. Tumawa nanaman ni maam, sana ol ganito ang magulang yung open sa lahat ng bagay, kase kung iba lalo na sa mga napapanuod ko. Pinapalayas at pinaghihiwalay yung magshota sa tv e.

           " Okay, okay, ladies this is our rules. You need to follow this until matupad niyo na ang goal na ibibigay namin sa inyo"

       Ay, kakaintriga ano kayang goal ang ibibigay nila?

   
       " first lets discuss the rules" pormal na sabi ni sir habang nakatigin sa papel na hawak niya

       " Rule number one, no kissing"

         Ayy, naku hindi kumpleto ang landian.

         Naramdaman ko naman ang biglang paghigpit ng hawak sa akin ni Aster,

         "But Dad--"

          " No more buts, hija" agaran namang putol ni sir sakanya

         " Rule number two, no sleeping together"

          " Why? We can't make a baby anyway?" Pagiinarte nitong katabi ko. Ngunit ng rumihistro sa aking isipan ang nasa isip niya, hindi ko mapigilan ang pamumula ng aking mga pisngi, tae, pano kaya pag-nangyari yun

           Nagsawalang bahala lang si sir

           " Rule number three, no touch"

           " Dad!, That's torture!" Exaggerated na sabi ni Aster.

           " Why? Does your love, need physical contact?" Deretsahang tanong si Sir.

           " No" agarang sagot naman ni Aster, bakit ang bilis niya laging sumagot, may quiz bee ba?

           "  anak, kaya lang naman namin ginawa itong rules na ito, is to make sure na hindi lang physical contact ang habol ninyo sa isa't-isa, because true love comes normally, without even touching, naalala ko nga nung pinaghiwalay kami ng tatay ng mom mo, wala kaming araw na hindi nagsusulatan---" nakatingin si sir sa malayo habang nakangiti halatang kinikilig parin siya sa landian nila noon.

          " Dad, lets go back to the rules. Saulo ko na po ang sasabihin nyo e" agad na pagputol ni Aster sa kaniyang ama

          " That's only three hija" pinal sa sabi ni sir

           " Tay ano naman po yung goal?" Agaran kong tanong kay sir, para magawa na agad-agad.

            Tatlong rules lang pero torture!

            " Mga anak, your only goal is to follow the rules in 100 days"

         100 DAYS!!!!!

     

       

The President Is MINE (Completed )Where stories live. Discover now