36. Home

4K 148 12
                                    

Eve POV

Kasalukuyang binabaybay namin ni Aster ang daan papunta sa aming bahay. Kahit saan man ako mapadpad ay hinding hindi ko malilimutan ang daan sa aking tunay na tahanan. Naghahalo ang sabik at kaba sa aking dibdib. Sabik dahil sa wakas ay makikita ko na silang muli at kaba sapagkat ngayon lamang ako maguuwi ng girlfriend.




" Love, naano ka ba? bakit hindi ka mapakali dyan?" Napatigil naman ako sa pag-iisip kung paano ko ba ipapakilala si Aster bilang girlfriend ko.



" Ha? Exited lang ako kaya " sagot ko habang dahan dahan nang natatanaw ang aming bahay na siyang nagpa-doble ng kaba sa aking dibdib.



Agad ay nasa harapan na kami ng bahay. Akmang aalis na si Aster sa kaniyang pagkakaupo nang hawakan ko ang braso niya. Napatulala ako nang tumitig lamang ito sa akin. Bakit ko nga ba siya pinigilan gayong hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko?

Ang totoo ay natatakot akong sabihin kay Dad na may girlfriend ako. Kilala ko siya baka imbis na tanggapin nila ako ngayon ulit ay itakwil na niya hindi lang pala niya kundi nilang lahat. Kaya natatakot ako.


Ang tingin niya ay napalitan ng pagtataka. Magsasalita na sana ako nang naramdaman ko ang paghalik niya sa aking labi na wari'y pinapalakas ang aking loob.


" Magiging okay lang ang lahat love, kasama mo naman ako " sabi niya sabay ngiti. Tumango lamang ako at pinagmasdan siya sa kaniyang pagbaba sa kotse maging sa pagbubukas niya ng pintuan.



Paano kapag sumama ang loob ni Dad? ayaw kong masaktan si Aster, hindi niya deserve ang ganoong bagay. Sa lalim at tagal na ng pinagsamahan namin ni Aster sa bawat araw na iyon ay napaka saya ko. Malayo naman kase sa aking hinagap na may ibang mga taong kayang tumanggap kung sino ka.




Magkaiba pati kami ng pamilya. Hindi naman sa ginugusto ko na maging kapatid siya na siyang ayaw ko dahil jowa ko nga siya. Magkaiba ang pamilya namin sa parte ng pananaw at pagtingin sa mundo. Gustuhin ko man na maging kasing init ang pagtanggap ng pamilya namin sa ganitong relasyon ay mukhang imposible.



Hawak-hawak ni Aster ang aking kamay. Pinipisil-pisil niya ito na waring alam niya na may malalim akong iniisip.


Wala paring pinagbago ang bahay. Makikita parin ang mga korte ng halaman sa harapan na gaya noong dito pa ako tumitira. Ang kulay ng bahay ay hindi parin nagiiba. Maayos parin ang lahat



"A-ay peste!" napadaing nalamang ako sapagkat natapilok ang aking kanang paa.


" You okay, love?" Tanong sa akin ng aking giliw na ngayon ay nasa harapan ko na at nakatingin sa aking kanang paa.



" Ayos lang ako love" Sabi ko sa kaniya, habang itinatago ang pagkapahiya.




" Love, normal lang matapilok kahit walang takong " sabi niya na parang nagpipigil ng tawa.


" Wag mo ako pagtawanan Aster. Sasamain ka tamo " pananakot ko sa kaniya ngunit binalewala lamang niya ako.



" Pfft " narinig ko siyang nagpipigil ng tawa. Nakakainis ha



" Ikaw talaga-"

" WELKAM BAK BUNSOOO!" naputol ang aking pag-sasalita dahil sa sigaw mula sa pintuan.

Napatigil ako at napatitig sa kanilang lahat kumpleto sila andyan si Mom and Dad, yung mga pinsan ko pati narin si Ate.

Kasabay ng aking pag-ngiti ay umagos ang aking luha sa labis na tuwa. Naramdaman ko na alamang ang mahigpit na yakap nila sa akin at pagtapik sa aking likuran na wari'y pinapatahan ako ngunit lalo lamang nagpaagos ng luha sa aking mga mata.



Hahagul-hol na sana ako ngunit naalala kong kasama ko nga pala si Aster, baka sobrang maturn-off na iyon.



" Bunso, tahan na ampanget mo " napa-angat naman ako ng aking ulo mula sa bisig ni Dad, kilala ko ang boses na iyon. Si ate



" Mas maganda ako sayo " bawi ko sa kaniya, narinig ko naman ang hagikhikan sa aking paligid. Gaano na ba katagal simula noong huli ko silang makita at marinig tumawa ng ganyan?



" Siya yung girlfriend mo hindi ba, anak?" Agad ay napatingin naman ako Kay Dad. Paano niya nalamang may girlfriend ako?
Napunta naman ang tingin ko sa aking kapatid na ngayon ay nakangisi. Sumbongera parin talaga.




" Hindi ka galit Dad?" Takang tanong ko dito.


" Mana ka talaga sa akin AHAHAHA " tumawa si Dad na parang proud na proud pa. Ang pagkaka-tanda ko noong huli ko siyang makita na tumawa ng ganito ay noong nag-top 1 ako ng first grading nung elementary.




" WELKAM TO THE PAMILE!" sabay-sabay na sigaw nila at kay Aster naman lumapit. Iniwan ako dito






" Anak hindi ba kayna Aster ka nagtatrabaho? So nasa iisang bubong pala kayo, Hindi ba?" Napa-tango naman ako Kay Dad. May nagbago pala noong umalis ako, si Dad nagiba ang awra niya hindi siya ganito dati. Marinig ko lang ang yabag nito dati ay napapatuwid na agad ako ng upo.


" Edi, nagli-live in kayo? "












The President Is MINE (Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon