28. Runaway heir

4.3K 151 22
                                    

Eve POV

             Ang lambot ng naman ang init sa pakiramdam nitong hinihigaan ko ngayon. Pwede bang huwag nalang bumangon?

             Nasaan ba ako?

             Ang lambot hehehe,

              " Lov- Escalano! Ano ba?" maarteng saad ng katabi ko.

               Ay tae!

                Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga, kinurit kase ako ni Aster sa tagiliran.

                  "Aray"  Nahulog ako sa kama, shit Ang sakit ng likod ko.

     
                Teka bakit may kama? Walang kama sa veranda ah?

                " Love! You okay? " Tarantang saad ni Aster. Bigla siyang napabangon at diretsong lumapit sa akin upang alalayan akong makabalik sa kama.

                " Asan ang masakit? I'll call the doctor!" Taranta parin siya. Likod Lang naman mawawala rin ito mamaya.

                " Love huwag na please, Ang O.A mo talaga" pag-alo ko sa kaniya.

                 " Nagaalala ako nang sobra " katuwiran naman niya habang sinisipat Ang aking katawan.

                 " Paano tayo napunta sa kama?" Takang tanong ko sa kaniya. Narito pala kami sa kaniyang silid. Ngayon ko Lang napansin.

                  "  Edi binuhat Kita, last night when I woke up nakasubsob ka sa boobs ko" deretsahan niyang saad, grave pwede namang i-lower down yung boses.

                   Nakakahiya. Buseyt.

                      " Ah ganun pala, hehe" awkward kong sagot sa kaniya. Bumalik nanaman sa ala-ala ko na may tampo nga pala Ito kagabi. It's suyuan time !!

                       She's glaring at me. I can feel it. Nakatungo lamang ako. Tae, paano manuyo? Hindi ko naman ito Gawain e!

                    " Sorry na love, hindi pa kase ako handa e" paiyak na pagpapaumanhin ko sa kaniya. Hindi ko Kaya na e. Parang papatayin niya ako kapag hindi ako nagsorry sa kaniya ngayon mismo. huhuhu.

                      Hawak ko Ang kamay niya habang siya ay pirming nakatingin sa akin. Mababatid mo ang pagkainis sa kaniyang mga Mata. Iniisip niya siguro Kung bakit Hindi ko masabi na parang wala akong tiwala sa kaniya.

                      Sasabihin ko na ba?

                      Agang-aga Naman oh, may trabaho pa ako dito sa mansyon e.

                      " Love tara tooth brush muna tayo tsaka maghilamos narin tayo at mag-umagahan" pinasigla ko Ang aking boses. Baka sakaling magiba ang awra niya.

                        Pero mukhang kabaliktaran Ito ng inaasahan ko. Lalong sumama Ang tingin niya sa akin. Nangunot Ang maganda niyang noo at nagsalubong pa ang perpekto niyang kilay.

                        Napapalunok ako mag-isa ng sariling laway ko. Ito na yata Ang magsisilbi Kong kape Ngayong umaga ang sarili kong laway. Eww

                        " L-love" pabulong na lamang ang boses ko at parang Hindi niya narinig ang pagtawag ko.

                       Dumiretso siya sa banyo ni Hindi manlang ako kinibo. Aray sakit sa heart ha.

The President Is MINE (Completed )Where stories live. Discover now