10. Walang Tayo

6.6K 213 30
                                    

Eve Pov.

   
      "Oy Eva! Ano na! Buhay pa?" hindi ko alam kung saan ba pinaglihi itong babaeng ito kung sa microphone ba o speaker, kung hindi ko lang alam na laking mayaman ito, aakalain ko talaga na may racket siya sa palengke

  

       " Hindi ko na kaya, mamamatay na yata ako, " nakakapanglata talaga yung si Maam Paminta!
   isa pa yun, hindi ko maintindihan kung bakit mainit lagi ang ulo, ganun ba kapag matandang dalaga?

      " Hindi ka nagiisa pri " tsk, sakit talaga sa tenga ng boses niya

   
      "Tara na umuwi na tayo, hindi ka ba exited umuwi?" hinihila na ako ng gaga,

      Di makaintay?

      Taeng-tae na umuwi?

   
      "Oo naaa!"

      "Kulit mo rin eh, no?" Pagpapatuloy ko,  buti nalang labasan na,

      " Saan ba ang bahay ninyo ha? Eva?" 

      Ay, hindi ko nga pala dapat sabihin sa isang ito na kayna Aster (bebe) ako nakatira.

      "Diyan lang sa tabi-tabi" plain na sabi ko habang nakatingin sa unahan, naglalakad na na kami ngayon sa hallway. Diretso na siya sa gate, tapos ako sa parking lot pa.

       " Teka Eva, ano ga yang nasa mukha mo?" Takang tanong niya at lumapit sa akin,

        Anong ginagawa ng babaeng ito? Lumalapit na kase yung mukha niya

        "Ay, powtek ! Ano ga Asley ! Bakit mo hinipan yung mata ko ! Ulol mo rin, ano?" Gaga talaga nare

        " Akala ko may dumi e, madumi na pala talaga" tinutukoy niya yung gilid lang mata ko, yung taling

        " Gagi, taling iyan! Duling ka ba?" Sabi ko habang tinuturo  ko yung aking taling sa kanya

       Nasa tapat na pala kami ng hallway papunta sa parking lot, mauuna kase ito bago sapitin yung main gate

       " O sige na!, Babush!" Pinal na paalam ko sa kanya. Sawakas

      " Bye bye, Eva!" Kaway siya ng kaway habang patalikod na humahakbang patungo sa gate, madapa sana itong babaeng to

       Mauwi na rin sawakas!

      " Kuya, magandang hapon po!" Bati ko kay kuya, yung driver ni Madam Aster

      " Magandang hapon rin! Eve, mukhang masaya ka ah" nakangiting bati ni kuya

      " No kuya, hindi po ako masaya, I'm dead inside you know?" Pabiro kong sabi, habang inaalala yung mga, linya ng mga kaklase kong akala mo ay buhat buhat ang mundo dahil  sa ewan, yung iba parang wala lang masabi.

       " Maam Aster, magandang hapon!" medyo, pacute kong sabi sa kanya. Medyo pacute lang kase pag nag-pacute ako dyan e mainlove na siya 

       " Good afternoon" pilit at labas sa ilong na bati niya

       Bad mood ang madam ko. Tsk, kaya pa naman ako sumigla ngayong hapon kase dahil makikita ko na siya, tapos ganyan?

      Tsk

  

     Ang bilis lumipas ng oras dito sa mansyon, at hanggang ngayon ay hindi niya ako pinapansin.

Wala naman akong ginagawang mali

Hindi naman kami

Hala, nagkipag-churvahan ako kay Aster ng wala kaming label!

The President Is MINE (Completed )Where stories live. Discover now