18. first day

4.7K 152 5
                                    

Eve POV

        

        Very normal lang naman ang araw, na ito kahit na no touch, no kiss at no sleeping together kami ni Aster.

         Okay lang naman ako, kung pwede lang i-fastforward ang lahat ng mga araw  gagawin ko e,

         Ano kayang nararamdaman niya ngayon?

         Gagawin na din ba namin yung nasa movie na five feet apart ba yun?

         Nakakapanghina men,

         " Oh, Eve ineng tulala ka ata?" Puna sa akin ni aling Suli .
 
         " Nako hindi po, baka natatae lang po ako?" Palusot ko sakanya.

          " Nga pala neng, pinapatawag ka ni Aster sa itaas, may ipapagawa daw siya sa iyo" saad ni aling Suli

           Hindi ko maitatanggi ang kabog sa aking dibdib habang binabaybay ang daan paitaas, sa kanyang kuwarto. Namimiss ko na siya, bakit kase masyado akong nasanay sa landian portion namin, kainis.

          Ano kayang ipapagawa niya? Wag naman sana siyang lumabag sa rules, hindi ko kase siya matatanggihan, hihihi(landi)


          Hindi pa ako nakakakatok ay agaran nang bumukas ang kaniyang pintuan,

          " Hi love, I miss you" malambing at nagsusumamong saad ni Aster, gustong-gusto ko na tuloy na yakapin siya ngayon. Pero buset,day 1 palang ganito na kahirap!

          Ang hirap magpigil,

          " Ano bang ipapagawa mo, love?" Malambing na tanong ko sa kanya, habang pinipilit ko na hindi maapektuhan sa pagpapacute niya.

          " Can you please help me to clean this ?" She said after, pointing to the bunch of books and files, in her room. O ayan napapa-englesh na ako, ganito pala kapag may namimiss.

           " Ay syemper, ikaw pa malakas ka sakin" agaran ko namang sagot sakanya, sabay kindat. Wala na hanggang titig, salitaan at kindatan nalang muna ang landian nowadays. Huhuhuhu

           " Then lets start!" Masiglang saad naman ni Aster, takte! Bakit ang sexy ng suot niya ? Kitang-kita ko kase ang maputi at makinis niyang legs, naka sando pa siya, kaya naman kumakaway si cleavage.


          Torture!

           " Saan naman ba nanggaling lahat ng ito? Bakit ang dami? Ipapakilo mo ba to? Bakas tayo ha?" Ang dami ko nang tinanong sa kanya, baka kase mapuna niya ang pagtingin-tingin ko sa kanya at para na rin hindi maakit sa tukso kong kasama.

           " Those files, that's from our school and those books, kinolekta ko yan " agaran niyang sagot, without looking at me, halatang busy na busy siya sa kanyang ginagawa.

            Ay naku, akala ko kaya ako tinawag dito kase baka lang naman, gusto niya akong makasama. Na baka lang naman, sasabihin niyang hindi niya keribels yung rules. Aynaku, hirap mag-expect!

           Bigla namang nag-ring ang cellphone ko
     "May nag-text!" 
  

        Agad ko namang, tiningnan kung sinong pontcho pilato itong nag-text na ito. Wala namang ibang may alam ng number ko kundi si Aster lang at si Asley.

         " Hi, Im Anthony!"
        With smiley emoji pa, eto yung makulit e, buset saan naman niya nakuha ang number ko?!

          " Who's that love?" Agad na usyoso ni Aster.

          " Give me your phone" matalim ang tingin niya sa akin, hala galit ba siya?

          " Eto na love " agad ko namang lapag nito malapit sa kanya, mahirap na pagnagalboruto ito,

           Agad na kumunot naman ang noo niya, sa kanyang nabasang text, at agad ay may kung ano siyang kinalikot sa cellphone ko.


         " Don't you dare na makipag landian sa iba Escalano, tatamaan ka sa akin" banta niya habang kunot-kunot parin ang noo.

          Kung pwede ko lang siyang hawakan, siguro ngayon ay hinahawan ko na ang kanyang  noo at hinalikan iyon.

         Nginitian ko na lamang siya, gusto ko mang hawakan ang kaniyang kamay ay hindi maari, nakakainis naman, di talaga kumpleto ang landian. Swear!

        Mabilis naming tinapos ang imisin sa kaniyang kuwarto, nakakahiya naman kung aabutin ako nang maghapon sa loob ng kuwarto niya,

        " Sige na love, may gagawin pa ako sa baba" pagpapa-alam ko sa kaniya, ket ayaw ko pang umalis

        " No!, Hindi ka pa pwedeng lumabas ng pintuan na yan!" Pasigaw na niyang sabi, nang akma ko nang pipihitin ang door knob.

         " May ipapagawa ka pa ba?" Muli ay nilingon ko siya, na aking pinagsisisihan sapagkat, mas lalong ayaw ko nang umalis. Naka-simagot na siya habang nakaupo sa kaniyang kama.

          Kung pwede lang, baka sinugod na kita ng yakap.


          " Yes, may ipapagawa pa ako sayo" nakapout na sabi niya. Habang ako ay nagaantay lamang ng sunod niyang sasabihin.

           "Lapit ka"

           At sinunod ko naman,

           " Lapit pa, layo mo naman e" parang bata naman niyang maktol. Cute

           "Gaano ba kalapit, ganito?" Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya, ahahah, teasing time muna, pang substitute sa landi?

           "HULI KA BALBONNN!"


          

         

         

       

        

The President Is MINE (Completed )Where stories live. Discover now