21. Eh?!

4K 136 18
                                    

Eve  POV


          Hanggang sa pag-uwi ng bahay ay masama parin ang loob ko.  Taena! may pa i love you pa!

          Hindi ako sumabay sa pag-uwi sa kaniya kahit tinext niya ako. Pake? Bakit? Porket di na niya kasama yung blandinang iyon, ako naman pang substitute!? Nagdahilan na lang ako na meron pa akong bibilihin sa labas.

          Ni hindi manlang niya ako binati nung break time, di manlang lumapit sa akin. Tsk

     
          Habang nag-aabang ako ng jeep ay may pumaradang green na sasakyan sa harapan ko. Meron itong mga nakasulat na parang pang-ano ba, yung sa mga siga? bakit ganito  toh? Ang jeje!

          " Hey want some ride?" Papreskong tanong sa akin ng pamilyar na lalaki, pagkababa ng salamin ng kotse niyang jeje

          " Hindi na Anthon-"

          " Lets go!" Akma na siyang bababa ng sasakyan, naku baka hilahin ako papasok dun sa jeje niyang kotse!

          " Si-sige na Natatae na ako bye" wala na akong paki alam kung ano man ang naging palusot ko sakanya! Ahaha basta nalang ako tumakbo at nakipagsik-sikan sa mga estudyanteng sasakay rin sa jeep.

            Ayaw ko ngang sumakay sa tukmol na yun, baka hindi ako ihatid at dalhin ako kung saan. Mahirap nang magtiwala sa panahon ngayon. Yung puso ko nga ibinigay ko na sa akala kong tamang tao, nawasak pa. Wahhhh!

             Nang-gigigil ako! Swear!

            Mabilis akong nakarating sa tapat ng subdivision nila, hay!

            Pagpasok ko ng main door nila ay lalong sumama ang loob ko, akala ko ba hanggang school lang itong dalawang to? Pati ba naman dito?

             Dire-diretso akong tumuloy sa aking silid upang magpalit, marami pa akong gagawin.

             
             Pero kahit na marami akong ginagawa, hindi parin mawala ang bigat sa dibdib ko. Tae! Ngayon lang ako naging ganito ka broken harteddd!

             Dinner time na nila, hindi  ako nagpakita kay maam at sir. Karaniwan kaseng sinasabay nila ako sa pagkain nila tuwing dinner. Family Dinner daw, pero ngayon mukhang hindi na ako dun kasama. Wahh! Pwede ba mag-laklak?(joke)

            Sumabay nalang ako kayna manang suli kumain ng hapunan, buti hindi sila nagtaka at hinayaan nalang nila akong sumabay sa kanila.

            Hindi naman porket broken ako ngayon ay magpapaka-gutom na ako! Ang dami walang makain tas, magiinarte pa ako. No way, ikakain ko nalang sila


            Hayst

            " Ineng, paki-dala naman nitong juice dun kayna maam Aster" paki-suyo ni Manang Suli. Ay! Bakit ako paa?


            Kung maari lang tumanggi ay ginawa ko na, pero wala akong karapatan. Huhu

            " Sige po" matamlay kong tugon sa kanya at dinala na ang juice sa mga nilalang na masakit sa mata.

            Baka hindi naman talaga  kame pwede?

            Baka pang substitute lang talaga ako?

             Pampalipas oras?

            Labasan lang ng kalandian? Bakit parang anglaswa naman ?

            Hutek.

            Parang ang sarap sumuko?

             Pilit ang ngiti sa aking labi nang papalapit ako sa kanila, dapat pala nilagyan ko ito ng pampa-pait, malasahan manlang nila yung nararamdaman ko ngayon.

            Mabilis lang ito self, lagay mo lang tas kakaripas kana ng takbo paalis.

             Pag-alo ko sa sarili ko, parang kapag lumapit kase ako sa kanila parang mas masakit?

            " Hey--" naputol ang pagsasalita nang boses ng babaeng nagpapasakit ng puso ko nang-magsalita ang blandina

            " Whats your name?" Magiliw niyang tanong sa akin,

             Nakokonsensya naman ako sa masasamang inisip ko sa kaniya  kanina, dahil sa ambait ng pagtatanong niya.

             " Ako si Ether" magalang kong saad,

             " Oh,  my name is Veronica, Veronica Smith" mabait niyang bati habang inaabot ang kaniyang kamay.

            Agad ko naman itong tinanggap.

            Nginitian ko siya,

           " You know what nung makita kita kanina sa school, during break time, I already have this feeling na Gusto kita"

           Diretsa niyang saad habang hawak parin ang aking kamay , nakatingin siya sa aking mga mata. TAE ! ANO TO?

           ano yung i love niya kanina dito kay Aster?! Ano yun? Keme lang?

           Ano daw? Gusto niya ako?

            Agad-agad?

          Kung sa Facebook kaka-accept palang mahal na daw, eh sa kanya kakakita palang niya gusto na niya agad?

           " HEY! COUS ! STOP FLIRTING AROUND!" malakas na sabi ni Aster, sabay kuha ng kamay ko sa kamay ng blandina.

           Ano daw cous? Cousin? As in? Hindi cousintahan?!

           " Eh? Why cous she's---" wala na akong naintindihan sa pinaguusapan nila naramdaman ko nalang ang mahigpit na paghawak ni Aster sa kamay ko at ang pagsisisi ko sa ginawa kong pagdadrama kanina.


           Taena ! Pinagselosan ko yung PINSAN!

           




           

       

    

            

         
           

            

             

The President Is MINE (Completed )Where stories live. Discover now