35. Folder II

3.6K 139 22
                                    

Eve POV

             

                   VICTIM:  Maria Villamor Consulado

   

       
                  Iyan ang pinaka-unang nabasa ko matapos makita ang litrato ng isang babaeng nasa mid-30s ang edad. Maputi siya, sa litratong ito ay mukhang napaka-saya niya.

  Agad akong binalot ng konsensya.

Sana hindi ko nalang ginawa Yun.

Nakakapang-hina ngunit wala na akong magagawa. Nakalipas na


           Patuloy lamang ang pagbubuklat ni Aster hanggang sa ang mga litrato ay nagpapakita ng actual na pangyayari nang makita ang biktima.

Nakakapanindig balahibo.

Ang isang litrato ay nakaupo siya malapit sa bintana. Nakasandal ang likod niya sa bangko at nakalawit ang kaniyang ulo sa likuran. Nakanga-nga siya. Duguan. Halatang wala nang buhay.

Kaaagad ay nanlamig ako, nakakapanigas. Nararamdaman ko nanaman ang nangyari noong una kong mapagtantatong nakapatay ako.

Ang sumunod na mga larawan ay ibang angulo ng bangkay.

Nakaka-awa

Merong mga papel sa harapan niya. Makikita ring magulo ang paligid.

Nakabukas ang kaniyang mata, sa sintido siya tinamaan.

         Hinawakan ko ang kamay ni Aster, pinipigilan ko siyang ilipat Ito upang makita ang susunod. Hindi ko kayang makakita pa ng ganyan.

           " Love, we should finish viewing this. Hindi ka ba nagtataka kung bakit magulo ang paligid sa picture? Look " sabi niya habang binabalikan ang mga naunang picture,

            " And look at this window, walang tama ng bala or any crack, and I think it's impossible na matamaan siya directly ng bala kung galing Ito sa labas because  wala namang crack yung window" mahabang paliwanag niya.

          Oo nga,

            " Maybe someone did that to her" sabi niya, sabay tingin sa akin.

            Sa kasalukuyan ay nakaupo kami sa aking kama at ang aking dalawang kamay ay nakahawak sa kaniyang kaliwang braso.

        Kapagkunway ngumiti siya sa akin, wari'y sinasabing magiging ayos lang ang lahat.

          Pailang-libo o milyong ulit ko na bang sinabi sa aking isipan na napaka-ganda niya?

          Hindi naman dahil sa ganda niya ako nahulog kundi sa pag-bibigay niya sa akin ng kakaibang pakiramdam araw-araw.

       

             " Pa-kiss nga "  imbis na sa isip ko lamang iyon, ay nasabi ko pala. Anak ng teteng naman.

                 Seryoso ang usapan, tapos kung ano-ano pang pinagsasa-sabi ko. Mabigat dapat Ang pakiramdam ko dahil sa konsensya, ganun yata talaga kapag  mahal mo yung taong kasama mo. Iba kase yung feeling. Panatag lagi ang loob ko sa tuwing kasama ko siya, parang lumiliwanag yung paligid, gumagaan ang mundo at nagkikita ako ng rainbow. May sa adik na yata ako

                  " No, not until we finish this  and know the truth " sabi niya sabay buklat ulit ng mga picture.

                      Hmp, hindi lumusot. Sayang

                      Nabigla ako sa sumunod na lumabas na picture. Kuha Ito ng cctv footage, may babaeng naka-cap na nasa elevator bandang 5:30 pm. Iyan yung oras bago mangyare yung insidente.


                       Yung sumunod na picture naman ay kuha parin ng cctv footage sa hallway ng tinitirhang apartment nung biktima sa oras na 5:32 pm.


                       Sa pagkaka-tanda ko ay bandang 6 pm nangyari yung  pag-papaputok ko.  Sino kaya sila?

                        Ang sumunod na litrato naman ay may may dalawang lalaking naglalakad sa hallway na dinaanan nung babae kanina. Ang oras na nakasulat ay 6:30 pm.


                       Hala, ay bakit may panibagong epalogs? Sino nanaman yung mga iyon?



                      Kunot ang noo ni aster.

                      May isa pang litrato, sa palagay ko ay Ito na ang huli. Makikita dito na papalabas na yung dalawang lalaki. May itinutulak na yung isang lalaki na parang malaking cooler.

                      Iyon na lamang ang ipinakitang litrato. Walang kuha ng paglabas noong babaeng naka-cap kanina, nakakapag-taka.

                    

                     Sa pagkuha niya ng papel ay unang nabasa ko ang salitang " SUBJECT: Murder..........."  isa pala itong report ng PNP tapos sa ibaba ay  " unknown "  ang nakalagay sa killer.




                     Nakasulat rin sa ibaba yung ibang details, sila yung mga suspect. At walang ligaw na balang tumama sa apartment niya.


                     Nakahinga ako ng maluwag. Dapat pala noon ko pa binuksan yung folder. Mamaya ay susunugin ko na rin iyang folder. Ayaw ko magkeep ng ganyang bagay. Naalala ko ang pagiging-O.A ko at pagiging ekstraherada.




                        Ngayon ay parang lumulutang na ako sa ere,  all this time dahil sa kaduwagan kong maging open. Ako lang rin ang tumakot sa sarili ko.



                         " Finally, ayos kana ba love?" Malambing na tanong sa akin ni Aster, I'am really thankful na nakilala ko siya. She never leave my side simula noon.



                         " Kiss ko?" Tanong ko sa kaniya, upang hindi na kami umabot sa drama.

















                       

                      

                 
                      

The President Is MINE (Completed )Where stories live. Discover now