39. END

6.6K 177 153
                                    

Eve POV

Ngayon ay nakaupo lamang ako dito sa hardin. Maririnig ang mahihinang tawanan ng mga taong nakaputi sa aking paligid. Ang iba ay nakaupo sa wheelchair habang itinutulak ng nurse.

Malamig ang hangin, ang mga ibon ay maririnig. Kulay berde ang lahat at tuwing hapon naman ay pinagmamasdan kong maigi ang paglubog ng araw. Gusto ko ang lugar na ito napaka-payapa.

Masarap maglakad-lakad sa tahimik na pasilyo ng gusaling ito. Yabag ko lamang ang aking naririnig. Nakapikit ako habang dinadama kapayapaan. Ngunit nabasag ang katahimikan nang may marinig akong boses mula sa harapan. Nararamdaman ko ang unti-unting paglakas ng kabog ng aking dibdib, bumibigat ang aking pakiramdam at dahil sa malakas na pagkabog ng aking dibdib ay nararamdaman ko rin ang pagsakit nito. Nahihirapan na rin akong huminga.

Pinipilit ko itong labanan. Ipinipikit ko parin ang aking mga mata. Sinusubukang pakalmahin ang aking sarili. Nanginginig na rin ang aking mga kamay. Pinipilit kong ipirmi ang aking mga paa. Nagsisimula nanaman akong magpanic.

" Girl, ang ganda nong Babae " matinis ang boses niya.

Gustong-gustong sumigaw ng aking katawan. Gustong magpalakad-lakad ng aking mga paa.

" Oo nga, pero bakit ganyan ang suot niya? Pang pasyente?" Sabi naman ng isa. Kahit nakapikit ako ay masasabi kong bakla itong isa na ito.

Masakit na ang aking kamay sa sariling pagkakayukom.

" Bobo mo naman edi malamang baliw din siya!"

Umalis na kayo, please.

" Girl sayang, dyosa eh oh. Tas mukhang ambata pa niya " sabi ng babaeng matinis ang boses.

Sh*t

" Edi go! Jowain mo na " sabi naman ng Isa.

" Aarghh! " hindi ko na kaya, ang kaninang nakakuyom kong kamay ay nasa akin ng ulo.

" AYOOKOO NAAA! PUT*!! " hindi ko na maintindihan ang aking sarili. Nataranta ako. t*ngin*ng disorder

narinig ko ang mga papalayong yabag at nang buksan ko ang aking mga mata ay nakita ko silang tumatakbo papalayo. Kasabay nito ang mga papalapit na yabang.

May humawak sa magkabila kong braso. Napakahigpit.

" Aahhhhh! " Patuloy parin ako sa aking pagsigaw. Hindi ko na kaya.

Naramdaman ko ang pagtusok ng karayom sa aking braso. Hanggang ngayon ay hindi parin pala nasasanay ang aking katawan sa tutok na ito.

Katulad ng kanina ay patuloy parin sa pagwawala ang aking katawan ngunit ramdam ko ang panghihina. Nakita ko na lamang ang kisame at naramdaman ang pagusad nitong aking hinihigaan.



Unti-unti ay nanghihina na ang talukap ng aking mata, maingay ang paligid ngunit unti-unting nawawala sila sa aking pandinig.




Nagising ako sa ingay mula sa pintuan. Meron palang naglagay ng pagkain.

Nagtataka akong tumingin sa maliit na bintana. Gabi na pala. Sayang at hindi ko manlang nakita ang paglubog ng araw.


Umupo ako sa aking kama. Wala akong ganang kumain. Kinuha ko ang lumang kwaderno, kulay itim ang pabalat nito at maraming pahina ang nilalaman. Ilang kwento kaya ang aking maisusulat dito? tanong ko sa aking sarili.


Sa unang pahina ay makikita ang pamagat nitong " The President is Mine ". Napangiti ako ng ito ay mabasa.

Sa aklat na ito ay ako ang bida. Sa aklat na ito hindi, sa mundong ito ay wala ako sa mental hospital at may syota ako dyosa.



Nakakatawa, kinakailangan ko muna yatang bilangin ang lahat ng bituin para maka-alis ako rito.

Tangan ang ballpen na ninakaw ko sa nurse ay magsusulat na ako ng panibagong pahina.

Tumingin muna ako sa bintana, malamang ay hindi ko alam kung paano sisimulan ang panibagong kabanata ng aking kwento sa mundong ito. Ngunit habang sinusulat ko ang panunang mga salita ay unti-unti nang nauubos ang tinta nito.



" Argh! " naiinis kong sigaw sabay tapon ng ballpen sa pintuan.

Anong gagawin ko ngayong gabi? Nakakainis. Kung alam ko lamang ay nagnakaw na ako ng isang dosenang ballpen kanina.


Ng dahil sa aking paghiyaw at sa ingay na ginawa ng aking pagtatapon kanina ng ballpen ay naririnig ko ang mga yabag ng mga nurse. hahaha over acting


Nakaupo ako ngayon sa sulok at kitang-kita ko ang pagmamadali nilang buksan ang pintuan. Pirmi lamang ako sa aking pwesto.






" Ako na ang bahala sa kanya " wika ng isang boses. Malumanay ito ngunit mababatid ang pagiging katulad niya sa bida ko sa aking kwento. Si Aster.






" Opo Doc. Aster " agad ay tugon ng mga nurse at naguunahan pa silang lumabas sa makipot na pintuan.



Katulad ng sa kwento ay parehong-pareho sila ng pangalan. Ang pinagkaiba lamang ay sa mundong aking ginawa ay mayroong kami. Naalala ko ang aking kwaderno.



Pagtingin ko sa kaniya ay hawak na niya ito. Napangiti siya. Nakakahiya.


Ngayon ay kumakabog na naman ang aking dibdib ngunit hindi tulad ng kanina. Naghahatid ito ng mga munting ngiti sa aking labi. Ang aking mga kamay na dapat ay nakayukom ay nasa aking mukha na tinatakpan ang nagiinit kong mukha. Kakaibang panic attack disorder ang ibinibigay niya sa akin.


" The President is Mine huh? If I were you, The Hot Doctor is Mine dapat " ngayon ay tumingin na siya sa akin. Naramdaman ko naman ang mga nagrarambulan sa aking tiyan.




-end-












Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Jul 07, 2020 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

The President Is MINE (Completed )Onde histórias criam vida. Descubra agora