16. Proud

4.7K 170 19
                                    

Eve POV

        Pirmi lang kaming nakaupo dito sa stadium kung saan tinipon-tipon ang lahat ng estudyande ng A.N.U may announcement chu-chu daw kase ang school.

        "Hoy Eve, crush ka daw nung Anthony" parang nauuyam na saad ni Asley.

         "Ah, talaga" walang ganang sabi ko, kanina pa siya paulit-ulit .

         Ang daming mga bagong mukha ang aking nakikita, grave ganda talaga kapag malaki ang school na pinapasukan mo. Daming madlang people, pero sa dami ng madlang pipol, hindi ko makita ang aking hinahanap, ay hanep baka nangangaliwa na yun.

         " Wag ka lingon ng lingon kung saan saan nagmumukha kang gagawa ng masama" bulong ng demonyo kong kaibigan

         " Magtigil ka dyan, Asley baka kapag  tawagin ko crush mo tameme ka" kasalukuyan kaseng nasa haraapn namin ang crush ng babaitang to.

         Buti nanahimik

         " Hi Eve, water?" Abot sa akin ng lalaking medyo pamilyar ang itsura,

         " Ha? Wag na di ako gutom" palusot ko,  choosy ako masdayo diba?

         " Tange, hindi nangunguya ang tubig" sabi naman  sa akin ng demonyanitang babae

         " Nginunuya ko yun e !" Palusot ko, taena baka isipin neto maarte ako. May dagok mamaya itong si Asley

         " Pwede ba akong tumabi?"    Pagpapaalam ng lalaki,

          " Ah, ok"

         Kapagkunway may nag salita na magsisimula na ang announcement chu-chu nila. Announcement lang pwede naman mag post nalang sa page o kaya ipasabi sa mga professor e.

         Umakyat sa stage ang mga estudyande na hindi ko kilala, at habang unti-unti napupuno ang upuan sa itaas ay, parang bigla nalang tumigil ang mundo at umulan ng rosas sa paligid, parang may mga anghel na humehele sa akin. De joke lang, Nakita ko lang talaga si Aster.

       Nalimutan ko president nga pala siya ng Student Government ng school. Grave, nakakaproud si loves.

      " Good morning Anonians! " Masiglang bati nang isang estudyande sa unahan. Ano ba tawag sa posisyon niya? Speaker ata.

      Masigla namang bumati ang mga estudyande pabalik, may kasama pang hiyawan ganda kase niya e. Ano to pageant?

      "  This morning we will .... " Dami niya sinabi, inaantok ako

      Ngunit agad ding nabuhay ang  katawang lupa ko nang tawagin ang pangalan ni Aster

      Malakas ang hiyaw ng mga estudyande na nandirito sa stadium, ano to concert?! Hindi ako masyadong aware na ganito pala kasikat si loves, kaya pala maraming tumitingin sa akin ng masama nung natapunan ko siya ng cake

     " Wag ka ngumiti mag-isa prend nakakatakot"malakas na bulong sa akin ni Asley, dahil hanggang ngayon ay naghihiyawan parin sila

     " Tae mo ka prend" ganti ko sa kaniya habang hindi siya nililingon dahil sa ganda ng view sa unahan. Hihihi

      Biglang tumigil ang hiyawan nila nang itaas si Aster ang kaniyang kanang kamay,

    Ay parang may super powersss

    " There are too many activities in our school that we---" wala na akong halos naintintihan sa sinasabi ni loves, sheytss, ang ganda niya panoorin sa unahan habang nagsasalita

       Napaka-powerful naman niyang magsalita. Hindi kakakitaan ng mali ang bawat salita sa nilalabas niya. Bawat kumpas ng kamay sumasabay din ang kaniyang buhok sa hangin. Ang ganda

      Inabot ng halos kalahating oras ang kaniyang pagsasalita at eto ako walang kurap na nakatingin sa kaniya. Wag lang siyang titingin e

       "Do you have any questions?" Pormal na saad ni Aster habang tumitingin sa mga estudyande nasa harapan niya. Sayang medyo malayo ang tayo namin sa kaniya.

        Kapagkunway mayroong nagtaas ng kamay " T-totoo po ba yung rumors na meron kayong girlfriend? " At grave deretsahan!

        Biglang kumabog ang aking dibdib, naku Aster wag kang lilingon sa gawi ko baka himatayin ako (OA)

       "Yes" agarang sagot naman ni Aster, ay susko! Kinikilig ako na ewan. Hindi naman sa ayaw ko na ipangalandakan niya na kami na, kase namann ayaw ko lang na mapansin ng crowd, gusto ko wala lang parang transparent lang ganun

        Lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib nung dumako ang kaniyang mata sa gawi ko at sumilay ang nakakahulog niyang ngiti. Shems. Pede kana bang iuwi?
       

        Hindi ko na din napigilang mapangiti, ay susmiyo marimar! Hindi ko maitatangging  kinikilig ako 

        Hindi ko namalayan na may mga nakalingon na mga tsismoso at tsismosang estudyande sa gawi ko at .aririnig ang mga parang bubuyog na bulungan ng mga estudyante sa buong stadium.

       " Hi loves " pilyang bati sa akin ni Aster habang proud na proud sa mga ginagawa niya.

        May mga parang kinilig sa biglaang pagbati ni Aster sa akin.

        At kung kanina'y kakasabi ko lamang na ayaw kong mapansin ng mga tao sa paligid ko, ngayon ay gustong-gusto ko na lalo na at proud sa akin ang aking kasintahan ghad! Baliktad e! Dapat ako pa ang  sobrang proud sa kanya.

        Mabilis natapos ang maghapon, pagkatapos ng announcement at konting landi ni Aster ay naging busy na uli siya. 

       Marahan kong binabaybay ang daan papuntang parking lot ng aking matanaw ang pigurang kay ganda. Hihi 

       "Let's go home na loves" malambing na bati sa akin ni Aster sabay peck sa labi. Pwede maglupasay sa kilig? Kanina pa siyang umaga

       Mabilis kaming nakauwi sa mansyon at nabigla kami nang madatnan namin ang magulang ni Aster na seryosong nakatayo sa may living room.

       Seryoso ang tingin sa amin ng dalawa habang dahan-dahang bumababa ang tingin nila sa aming magkasaklob na kamay. Paktay

       " Aster" malalim na tinig ni sir

       " May relasyon ba kayo?"

     
     

      

      
       

       

        

    

        
       

The President Is MINE (Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon