14. Sino nga to?

5.5K 183 16
                                    

Eve POV

" Hindi ba siya yung babaeng nakatapon nang cake kay president?" rinig kong bulong ng usang babaeng nadaraanan namin ngayon ni Aster

Kasalukuyan kase naming binabaybay ang hallway ng school papunta sa office nila,

Bakit naman kase ang layo ng office na yun, masyado na akong naiilang sa mga tingin nang mga taong nadaraanan namin ngayon.

"Hala bakit sila magkasama?" parang nahihintakutan pang sabi nung isang babae, naku burahin ko kilay mo dyan e

" Huy, Aster bilisan mo nga lakad mo, dinaig mo pa yung naglalakad sa buwan e?" Mahinang sabi ko sa kanya, pero mukhang hindi niya ako narinig

" Good morning Miss President" sipsip na bati nang mga impokritang babae, kakainis ah bakit kailangan pa nilang tingan ako mula ulo hanggang paa?


" hey, Eve good morning !" Masiglang bati ni.. sino nga ito?

" If you want pwede namang sabay na tayo pumunta sa klase natin" masigla parin ang bati niya, at kasabay na pala namin siya ni Aster.

Teka sino ba siya?

" A ha ha" tae yun lang masabi ko, di ko alam e.

Ano ba dapat sabihin ?

Merry Christmas ?
Happy New year?

Sa kakaisip ko di ko namalayan na napatigil na pala ako


" Hey mister, do you like eve?" Nabigla ako sa tanong ni Aster, at saan niya naman nahugot yun?

" It's too early to confess, but yes i definitely like her" diretsahang sagot naman ni... Sino nga to?

Ay girl, grave haba naman ng hairdo ko, ke aga-aga may confession. Take note sa harap pa ng girlfriend ko

" You better back your ass off, this girl is mine" matapang na sabi ni Aster, ay putcha pete! Hindi ko napaghandaan ang linya niya, parang dudugo na ang ilong ko sa kilig

Wahhhhhhhh!
ANOTHER GAY PANIC!

Kaso di ako pwede magwala, nagawa na kase nang show itong dalawa, nadami na ang mga chismoso at chismosa

Ngunit pirmi paring nakatayo si... Sino nga ba to?

Basta, nakatayo lamang siya na parang hindi makapaniwala sa nangyayari.
"It's a prank isn't?" Pabirong saad naman ni.. basta

" Want a proof?" Hamon naman ni Aster. Ay aba! Palaban! May sampong kamay ka ba love?

Akmang hahapitin na ako ni aster palapit sa kanya, ngunit maagap kong hinila ang kamay niya paalis.

Oh my , laman na kami ng headlines ngayon.


"Sige na tara na, male-late na tayo loves. Bye Angelo!" pasigaw kong sabi dahil sa malayo na ang agwat namin sa kanya. Pansin ko naman ang pamumula ng taong hawak ko. Ngayon pa sya nahiya eh no?

" Hindi ako si Angelo ako si Anthony" sigaw niya, na waring naiinis niyang sigaw. Ay pucha ahahah

Narinig ko naman ang mabining tawa ng taong katabi ko ngayon, ghad nakakainlove.

"Anong nakakatawa love?" Tanong ko sa kanya, hanggang ngayon hindi parin ako sanay gumamit ng endearment

" Nothing, ahahah " lalo naman siyang natawa ngayon.

"You're so funny love, lalo lang akong nahuhulog" namumula niyang saad habang pilit na pinipigilan ang tawa niya habang nakatitig sa akin

" Ayan, yang titig na yan dadali ka nanaman nang landi ha" banta ko sa kanya

"No love, pipigilan ko, mamayang gabi nalang kita papagurin" saad niya sabay wink pa ay aba.

Hindi ko naman napigilang mamula sa sinabi niya, babaeng to, kung hindi lang siya maganda nasapok ko na siya sa kaharutan niya

Ay buti nalang andito na kami sa office niya.

BEEP! BEEP!

ay may nag-text !

From Asley: wala tayong klase ngayong umaga, may sakit daw si Sir. Patola!

Yey! Buti naman, di na ako mag-abalang magreply kase wala naman akong load

"Who is that love?" Kasalukuyan na kaming nasa loob ng office ni Aster. Pagtingin ko dun sa may desk niya naalala ko nanaman yung kalandiang ginawa ko. Ghaad! May pahapit-hapit pa ako nang neck tie niya !

Agad niyang inagaw ang cellphone ko at binasa ang nakasulat doon.

Maka-agaw akala mo naman magtataksil ako

" Hindi kita pagtataksilan swear!" Bigla ko nalang sinabi out of no where

Nabigla siya, at agarang tumabi sa aking kinauupuan

" I trust you okay?" Sabay hawak niya sa aking mukha. Bakit parang maiiyak na to?

Nabigla nalang ako nang bigla siyang kumandong sa akin at ipinulupot ang kanyang braso sa aking batok

Wahhhh! Bakit ang sweet niya! Bakittt? Baka hindi ko mapigilan ang sarili kong halikan siya e! Sensya na harot din

" Nasasakal ka na ba ?"

" O-oo" nahihirapan kong saad

Agad naman niya akong binitawan at pagtingin ko sa kanya ay parang maiiyak na siya! Hala anong meron bakit masyado yata siyang emotional ?

" You want to break up with me?" Hala matulo na luha niya ! Ang cuteee niyaaa

" No! Hinde! Hindi sa ganun, masyado ka kaseng makayakap " Agaran kong sagot, magtampo baka magtampo

"Then can i kiss you?" Pagpapacute niya, wala naman akong karapatang tumanggi kaya go go!

Tumango lang ako habang nakangiti at agaran ko nanag naramdaman ang malambot niyang labi sa akin


Naghiwalay ang aming mga labi hanggang sa kapusin na kami nang hininga

" I think i should announce that you are my girlfriend" diretsang sabi ni love, habang nakatitig sa aking mata naku, mukhang issue nanaman

" ay teka diba nasabi--"

" I love you"






The President Is MINE (Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon