19. Walang Makakapigil

4.7K 156 11
                                    

Eve POV

"HULI KA BALBONNN!"


Biglang may sumigaw sa aking likuran, taena!

Sa katarantahan ko ay agad kong sinugod ang kama ni Aster, na parang may inaayos. Shets, sana naman hindi kami nakita

" Anong ginagawa nyo mga anak" masiglang tanong ni maam, habang lumalapit sa amin nang may konting pagdududa sa tingin.


Bakit parang biglang bumanas?

Hindi naman sa pinagpapawisan na ako pero parang ganun na nga. Ngumiti ako kay maam,

" Nay, nagpatulong po si Aster maglinis ng kuwarto niya, paalis na rin po ako" magalang kong wika dito habang ipinapaalam ang akin nang pag-alis sa kuwartong ito.

" Sige, Eve anak pakasipag ka para sa future ha" pabirong wika ni maam, habang itinataas-baba ang kaniyang dalawang kilay.

" ah Opo, nay para po sa sampung anak namin ni Aster" sabay ko naman sa biro niya, at dahan dahan ko nang binabaybay ang pintuan upang takasan ang sitwasyon sa loob, baka kase mapansin nilang pinagpapawisan na ako dito, e wala naman akong ginagawang masama, diba? Diba?


" Sige nak, bitin ba?"



Huling rinig ko bago ko isara ang pintuan.


" Huh?"

Bitin ba?, Napatigil ako sa labas ng pintuan ni Aster, ayt! Nakita ni maam!! Wahhh! Binibiro ko lang naman si Aster! Hindi naman naglapat! Buti sana kung naglapat eh! Para worth it! Bakit ang landi ko paren?



Isinawalang bahala ko na muna ang lahat, kahit buong maghapon ay kinakabahan ako sa kadahilanang maling hinala ang meron si maam, mali yun eh! Kasi hindi ko naman talaga balak halikan yung anak nila!, Bibiruin ko lang!

Baka litisin kami neto mamaya, sa kalandian ko. Inakupo


Gabi na, kailangan ko na lamang linisin ang swimming pool nila, ang lawak kase dito. Hayst, antok na ako.

Laylay ang balikat kong binabaybay ang daan papunta sa swimming pool nang mapadaan ako sa living room nila, may tatlong tao akong narinig na masayang nagkukwentuhan.

" Ahahaha, hon nakakatuwa talaga" boses yun ni maam ah,

Naalala ko na naman yung eksena kanina, hayp! Nakakahiya grave

Wala na akong mukhang maihaharap sa mga ito

Ayaw ko dumaan kung nasaan sila, kaya napatigil ako dito sa may pintuan. Tae! Saan kaya ako madaan?

Sa likod? Tae! Wala medyo madilim na dun ngayon eh? Baka may enkanto na! Magka-crush pa sakin yun e kay Aster lang ako e

Sa bubong? Hindi pwede! Mapagkamalan pa akong tiktik! Baka ayawan ako Aster nyan!

Mag- ala ninja nalang kaya ako?, Mula rito tatalon ako papunta sa likod ng Aircon na malaki, tas sa likod naman ng kabinet, tas gagapang ako sa sahig . Taena! Hindi pwede mapagkamalan pa akong may tuliling.

Dahil no choice na ako, wala dito na talaga ako madaan, kukunwari lang ako na kunware di ko sila nakikita! Best actress nga pala ako nung grade 6 kame


Kumakabog ang aking dibdib habang nakatingin sa baba at hawak hawak ang susi ng bodega na pagkukunan ko ng gagamitin.


" Mom! dad! Stop it! " Narinig kong pagiinarte ng aking sinisinta, kaya kahit na todo tungo ako kusa nang lumingon ang aking ulo sa kanya, ang ganda niya talaga kahit anong anggulo, sana ol

The President Is MINE (Completed )जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें