20. Asungot

4.8K 150 22
                                    

Eve POV




Lunes nanaman, ang isa sa pinaka-ayaw ko na araw sa loob ng isang linggo.

Naiirita ako ngayong umaga dahil sa hindi ko malamang dahilan.(joke)



Kung pwede lang na mag-asawa nalang agad-agad gagawin ko na!

Pero hindi pwede, kase kapag nag-asawa ako wala kaming pera, paano nalang ang magiging anak namin ni Aster nyan.

Habang nakatingin ako mula sa oval nakita ko nanaman ang ikinaiirita ko kanina pang umaga. May asungot na dumating. Tsk!,

At ngayon ay kasama pa niya si Aster!, Bakit nakahawak yun sa braso ng bebe ko?!

Kung pwede lang tumalon ako mula dito sa fourth floor ng engineering building para sipain sila ay ginawa ko na.

Kanina pa silang umaga ha, ni hindi manlang ako hinipo?, hinagod?, Ay tae! Bakit ampanget naman ng words.

Hindi manlang niya ako binati ng goodmorning, ni magtanong kung okay ba ang tulog ko, kung kumain na ba ako? Kung tumae na rin. Hayst!

Tapos nung lalapitan ko sila kaninang umaga nung babae ay umalis sila. Naknang!? Ano meron? Amoy tae ba ako?

Bahala siya mamaya sa mansyon di ko siya papansinin, sino ba kasi yung babae na yun. Kalbuhin ko blonde niyang buhok e

" Girl mukha kang kakain ng tae" singit ni Asley

buhay pa pala ito,

" ikaw, Panay tae na laman ng bibig mo nahawaan mo na ako e" sabi ko sabay alis ng tingin sa oval at baka maibato ko ang sapatos ko.

" Girl, nakakatakot ka kasi sino ba yung tinitingnan mo?" Takang tanong niya.


Medyo hinarang ko ang aking sarili upang hindi niya makita ang mga impakta sa ibaba.

" Alisin mo nga yang mukha mo, wala akong makita" pilit niya habang akma na siyang tatayo.

Tae, hindi niya pwedeng makita yun at maghapon akong aani ng pang-uulit.

Hindi naman kase lingid sa kaalaman nito na may relasyon kami ni Aster. Lalo na nung gumawa siya ng eksena nung kay, sino nga yun? Antonio? Antonet? Antonie? Basta!

" Uyyy, may nagseselos" ayan na nga sinasabi ko

" Ahahwhah, wag ka magselos hindi bagay sayo prend" sabi niya habang pinagtatawanan ang pagmumukha ko ngayon.

Tsk, gusto ko nang umuwi ng mansyon.

Bakit kase may asungot e!

" Prend, kilala ko yung kasama ni Aster" saad niya,

Kapagkunway naagaw niya ang atensyon ko. Tumingin ako sa kaniya

" Sino?" Kunwaring wala kong pakeng saad

Ilang minuto pa ay hindi siya nagsalita, kung wala lang klase nabatukan ko na ito e


" Sino nga?" Nang-aapura ko nang tanong sa kaniya, pabitin e kasura.

" Ampurada?"

" Bayad muna, hehehe" hanep! Kayaman na niya, buraot parin? ako nga dapat ang mambu-buraot sa aming dalawa.

" Wala akong pake dun" tsk, napaismid kong sabi. Habang lalong sumasama ang mood, edi siya na maganda. Mukha kasing may lahing kastila yung babae, eh ako, alang lahi lahi. Purong pinay ako day! Anong laban ko dun.

Edi wow kapag sila ang nagkatuluyan! Sarap magwala gg!

" Yun si Veronica Smith" labas sa ilong na sabi naman netong katabi ko, anong meron pano niya nakilala yun?

" Paano mo naman nakilala yun?" Takang tanong ko sa kanya.

" Kaklase ko siya nung junior high " tipid na sagot naman nitong kausap ko.

" Ah, " yun nalamang ang nasabi ko baka kase, makita ng teacher, ma-special mention pa

Mabilis dumating ang break time at wala manlang akong naintindihan, nag take down notes nalang ako. Self study, kailangan ko ng mataas na grade para hindi naman ako masabihan na ladi landi lang ang alam.

" Salamat sa libre, Asleyyyyy!" Sinadya kong pahabain ang pangalan habang nagpapacute makabawi manlang sa panlilibre niya. Swerte ko naman dito sa preny kong ito, feeling ko tuloy ma pa-feeding parin katulad nung high school ahahaha

" Hey there, can we sit here?" Agarang tanong ng babaeng may accent, sa akin? Sa ba ito nakatingin.

" Me" takang tanong ko sa kanya, ay! Eto pala si blonde ! At kasama niya si Aster, tsk. Tampo ako buset na babae to may dumating lang na blonde kinalimutan na ako.

" Yes, dear " hindi na niya inantay ang kahit pagtango, pag-oo, o kahit anong pagsang-ayon ay umupo na agad siya sa tabi ko.

Nakangiti ngayon si blonde sa akin hindi ko tuloy alam kung paano ba ako ngingiti ngayon, hoy! Ang hirap kaya ngumiti ng masama ang loob. Lalo pa at napakasuwerte ko at nandito silang dalawa.

Tumingin naman ako kay Aster na parang matatae na ewan hihihi, ang kyut niya. Pero, NOPE! TAMPO KA SELF ! DIBA? e bakit parang ikaw pa yung gustong sumuyo?

Tahimik ko nalang na kinain ang libre ni Aster, kahit parang ampait naman neto.

Akala ko ba lahat ng libre masarap?


Lalong sumama ang loob ko nang hawakan nung blonde yung kamay ni Aster!

Wahhhh! Kung pwede mag-wala gagawin koooo!

" I really love you--" ay putspa! Hindi ko na carry! Agad agad akong napatayo bago pa niya masabi ang sasabihin niya ket, narinig ko na naman ng malinaw sa mga mata ko.

Sa sobrang pagmamadali ko ay nailapag ko ng bigla ang kutsara at hinila- no kinaladkad ko na si Asley paalis.







________________

Hellows! Matagal-tagal na din akong hindi nakapagiwan ng awtors note😅

I'm so very thankful to those readers na laging naghihit ng vote button down there😆 i really lab you guys, at dun sa 20+ followers ko sana manganak pa kayows ahaha😆 (kidding)

Sana naman naatig ang mahaharot ninyong cells sa katawan nitong story ko. Usong mag-comment! Natanggap din ako ng bad comments if ever may hindi kayo nagustuhan na part ng story, because i believe that ..... Ewann ahaha 😆


The President Is MINE (Completed )Where stories live. Discover now