CHAPTER 2

40.7K 974 71
                                    

Astrid's Point of View

It's been what? 2 weeks? Yeah, it's been two weeks since I started working at Buenavista Company.

At kung tatanungin n'yo kung kumusta ang trabaho ko? Wala na akong ibang masabi kundi HELL!

Oo, literal na impiyerno dahil sa sobrang daming utos ng boss ko. Ang dami na nga nitong pinapagawa ang sungit pa n'ya, siguro nasa menopausal stage na 'to?


Kung noong first day ay "Boss POGI" ang tawag ko sa kaniya, ngayon ay "Boss SUNGIT" na.

Tama nga ang kasabihan na "don't judge the book by its cover".

Example ng kasabihan na 'to ang boss ko. Sobrang amo ng mukha tila isang anghel na hindi makabasag pinggan pero kapag nakilala mo na, ha! Aakalain mong anak ng demonyo!

Utos dito at utos doon, nakaka-stress na s'ya!

Sa two weeks ko na nagta-trabaho rito ay parang tumanda ako ng two years. Pero wala akong magagawa, secretary lang ako at s'ya ang boss.

Ito pa, may isang line na talagang tumatak sa isipan ko at hinding-hindi ko makalilimutan.

"DON'T BE SO STUPID OR ELSE I'LL FIRE YOU"

Iyan ang paulit-ulit niyang sinasabi tuwing may nagagawa akong 'something stupid' or should I say, nagkamali ako sa mga inutos niya.

Kung ang company naman ang usapan, well for the past 2 weeks na nagtrabaho ako rito wala naman akong angal. Mababait ang empleyado ay mga ka-vibes ko. Marami na 'agad akong kaibigan at s'yempre hindi mawawala ang mga plastic.

Napatingin ako sa orasan, it's 12:01 PM at ito ako, nakaupo at walang masyadong ginagawa dahil ang boss ko ay hindi ko alam kung nasaan.

Hindi ito pumasok kaninang umaga kaya naman hayahay ang buhay ko ngayon, walang gawain at nakakapag-relax ako. Sarap, sana ganito nalang lagi.

"MISS RAMIREZ!!"

"AY PWET NI BOSS MAPUTI"

Nanlaki ang mata ko sabay takip ng aking bibig dahil sa hindi inaasahang mga salita na lumabas sa aking bibig.

Huhu! Hindi ko sinasadya na masabi ang mga 'yon, nabigla lang ako!

"WHAT?!" nakakatakot ang boses na tanong nito. At ang mga tingin nito ay nakamamatay sa sobrang sama.

"Ha? Wala po boss, kayo po kasi nanggugulat nalang po kayo bigla," palusot ko sabay iwas ng tingin.

"What about my butt?" He asked.

"Po? Nako! Boss wala po, hehe wala po talaga," Kinakabahang tanggi ko. The hell? Bakit ko ba nasabi iyon? Wala akong pagnanasa sa pwet ni boss! Slight lang. Lintik kasi na bunganga ito pahamak sa buhay.

"Ms. Ramirez don't do anything stupid or else i---

"Or else you will fire me boss hehe," Ako na ang nagtuloy dahil kabisadong kabisado ko na ang linyahan ni boss. Ni walang araw na hindi niya iyon sinasabi kaya sanay na ako.

"What? Are you mocking me, now Ms. Ramirez?" tila hindi nakikipagbiruan tanong niya na nakapagpakaba sa'kin.

"Hindi po, boss." Umiiling-iling na tanggi ko.

"Tsk," ayan na ang famous "tsk", ni boss. Hindi kumpleto araw n'yan hanggat hindi niya sinasabi 'yon.

Mabilis itong pumasok sa loob ng kan'yang opisina kaya naman payapa akong naupo rito sa gilid. Iidlip nalang ako habang naghihintay ng iuutos ni boss.

The Billionaire's Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now