CHAPTER 40

22.9K 1K 86
                                    

CHAPTER 40

And that day come. Magkikita kami ni luci dahil sa ipinangako nito na maga-amusement park daw. Tsk tsk!

Kaya wala akong magawa kundi ang pumayag dahil bukod sa gustong gusto ni duke na pumunta ay parang gusto ko din.

T__T

"Nanay can you walk a little bit faster? You walk like a turtle." Bignot na sambit ng anak ko sabay kamot sa kanyang ulo.

"Asus! Bakit ba atat na atat ang baby ko?" Sabay sundot sa tagiliran niya

"Kasi po nanay namiss ko na po ang tatay ko." Natigilan ako sa sagot ng anak ko.

"B-baby." Hindi ko alam ang sasabihin kaya't iyon nalang ang nasabi ko.

"Nanay i know na s'ta po ang tatay ko pero okay lang kahit hindi po natin siya nakasama kasi lagi ka niyang pinapaiyak. Kahit po close kami galit pa din po ako sa kanya." Mahabang paliwanag nito kaya napatigalgal ako.

"Galit ka pa rin sa kanya?" Tanong ko sabay buhat kay duke.

"Opo, masaya ako na kasama ko ang tatay ko pero hindi ko pa din po maiwasang hindi magalit kapag naalala ko na pinapaiyak ka niya." Sabay yakap sa akin.

"Diba sabi ko h'wag?" Pagalit na sabi ko sa kanya kaya napanguso nalang itong tumango tango.

Hanggang sa makarating kami sa meeting place ay buhat ko siya.

Kung nagtataka kayo kung nasaan si cylan wala siya. Nagkaroon daw ng emergency kaya hindi siya nakakasama kahit na gusto kong sumama siya para hindi ako masyadong kabahan ay hindi ko na pinigilan dahil importante iyon.

Natanaw ko sa malayo si luci pero ang ipinagtataka ko ay bakit may kasama ito?

Nang tuluyan na kaming makalapit ay nanlambot ang tuhod ko.

"Mama witch ko." At tumakbo palapit sa akin si prince...

Oo si prince ang kasama ni luci at tumangkad ito. 9 years old na ngayon si prince alam ko yun.

Kaagad kong ibinaba si duke at sinalubong ng mainit na yakap ang baby chanak ko na sobrang namiss ko talaga.

"M-mama witch k-ko *sobs* bakit a-ang t-taga *sobs* mo pong b-bumalik?" Umiiyak na tanong nito at hinihpitan pa ang yakap sa akin.

"Sorry baby chanak. I'm really sorry.... Sorry." Puro sorry lang ang kaya kong sabihin at hinalik halikan ito sa buong mukha.

"I missed you mama ko." Malambing na sambit ni prince kaya niyakap ko pa lalo ito.

"I miss you too baby chanak." Sabay buhat dito kahit na may kabigatan na siya hindi tulad ng dati.

"Nanay koooo!" Nagulat ako ng may biglang sumigaw at humatak sa laylayan ng blouse ko.

Ng tignan ko ito nakita ko si duke na masama ang tingin sa akin.

Anong ginawa ko dito?

"Po baby?" Malambing na tanong ko.

"Bakit mo siya nibubuhat? *pout* d-di mo na p-po ako lab? *sobs* HUHUHU! H-hindi na ako lab ni n-nanay ko huhu!" Sabi nito sabay palahaw ng iyak.

Naku! Nakalimutan ko na sobrang seloso pala nitong si duke at gusto siya lang ang nilalambing ko.

Kaagad na nagpababa sa akin si prince kaya kahit nagtataka ay ibinaba ko ito.

Pagkababa palang ni prince ay kaagad na itong humarap kay duke at ang ending? Nagpalitan ng masasamang titigan ang dalawa.

"Sa akin lang si mama witch ko!" Sigaw sa kanya ni prince kaya nanlaki ang mata ko.

"Nooo! Akin lang si nanay ko!" Hindi papatalong sabi ni duke at yumakap pa sa mga hita ko.

The Billionaire's Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now