CHAPTER 38

22K 537 48
                                    

CHAPTER 38

"Okay we will just inform all of you kung sino ang napili ng aming kumpanya. Salamat sa konsiderasyon pwede na kayong umuwi." Sambit ng lalaki na kaninang tinawag ni luci para pagpalitin kami ng upuan.

Dali-dali akong tumayo dahil hindi ko na kayang magtagal sa lugar na ito lalo pa't kasama ko si luci.

Nahuhuli nanaman akong lumabas at ng nasa pinto na ako ay biglang may humila sa akin pabalik sa loob.

Narinig ko ang malakas na pagsara ng pinto at ang tunong ang lock.

Nang tignan ko kung sino ang gumawa noon ay hindi na ako nagulat ng makitang si luci ang gumawa niyon.

"What now?" Bored na tanong ko sa kanya.

"Ha! So tatakbo ka nanaman? You'll run away from me again? Bakit ba ang hilig mo akong pagtaguan?" Nang-uuyam na tanong nito pero tahimik lang ako at umiwas ng tingin.

"Answer me miss ramirez. Are you happy playing with me? Huh? Hindi pa ba ako sapat kaya umalis ka at naghanap ng ibang lalaki? Mas mayaman ba siya sa akin? O baka naman, mas magaling ba siya sa akin?"

*PAK*

Hindi na ako nakatiis at sinampal ko na siya

"Really? Ako pa ang pinagtataguan ka? Ako pa ang iniwan at Tinakbuhan ka? Ipapaalala ko lang po sa inyo SIR. Kayo po ang nagpalayas at tumaboy sa akin. PA.LA.YO sa buhay mo." Nanginginig na sambit ko at kita ko naman na natigilan siya sa kanyang narinig.

"Umalis ako kasi i-iyon ang gusto mo! Diba? At anong tingin mo sa akin? MUKHANG PERA? Ganyan ba talaga ang tingin mo sakin luci? Na pera lang ang habol ko sayo? P-pero luci pwede b-ba akong magtanong?" Nahihirapang sambit ko.

Anytime ay iiyak na ako dahil bumabalik na naman ang sakit na nararamdaman ko pero pinigilan ko.

"K-kahit kelan ba n-nagtiwala ka sa a-akin? M-minahal mo ba talaga ako? K-kasi sa na-nakikita ko ay hindi mo talaga ako minahal. Na umasa lang ako dahil una palang alam ko naman na HINDI KA NAGTIWALA DAHIL HINDI SAPAT ANG PAGMAMAHAL MO!" Sigaw ko at tuluyan ng umiyak.

"A-astrid b-baby." Nahihirapang sambit niya sabay lapit sa akin pero kaagad akong umiwas.

"Hindi ka pa b-ba masaya? Lumayo na ako sa inyo. H-hindi ko na kayo ginulo, n-nagparaya ako kahit na ayoko! Ibinigay kita sa kanya kasi alam ko magiging masaya ka. *sobs* a-alam ko na m-mas deserve ka *sobs* n-niya kesa sa akin." Umiiyak na paliwanag ko.

"Excuse m-me sir." Nanginginig na sabi ko at agad na umiwas at lumabas pero hindi nanaman natuloy ang paglabas ko ng marinig ko ang tanong niya.

"Si duke.. Anak ba natin siya?" Mahinang tanong nito na nakapagpasinghap sa akin.

"W-what?" Gulat na gulat kong tanong.

"Si duke anak ba natin siya?" Ulit nito kaya maslalo akong nanghina.

"A-ano ba iyang sinasabi m-mo? H-hindi mo siya a-anak." Nauutal na sambit ko.

"Really? Bakit kamukha ko siya? Bakit pareho kami ng mga hilig? Bakit sinabi niya na wala siyamg tatay? Ha?" Galit na tanong ni luci.

"Kamukha m-mo siya kasi ahmm a-ano." Hindi ko alam kung anong isasagot ko T__T

"Hmm? What?" Nang-aasar na tanong ni luci.

dT__Tb

Asar!!

"Ka-kasi a-ano. K-kasi KAMUKHA MO TALAGA ANG AMA NIYA." Biglang sigaw ko.

Hindi ko na alam kung saan iyon galing pero iyon nalang bigla lumabas sa bibig ko.

"Talaga? Then let's eat dinner later. Isama mo ang TATAY ng anak mo, tignan natin kung KAMUKHA ko talaga." Sabi ni luci at diniin talaga ang 'tatay' at 'kamukha'

"A-at bakit n-naman ako papayag?" Nauutal na tanong ko.

"Para mapatunayan mo na hindi talaga ako ang tatay ni duke. I want to meet his father, kung hindi mo siya kasama o kung wala siya mamaya kukunin ko si duke kahit walang DNA test." Dahil sa sinabi niya ay nakaramdam ako ng takot.

Sino ang ipapakilala ko? Ayokong mawala ang anak ko sa akin hindi ko kakayanin.

"So what now Ms.Ramirez? Sasabihin mona ba ang totoo o gusto mong daanin ko pa sa dahas?" Tanong nito na may nakakalokong ngisi sa labi.

"I-ipapakilala ko sa i-yo mamaya ang t-tatay ng a-anak ko." Utal-utal na sambit ko.

Pilit kong pinatatag ang sarili ko kahit na sobrang nanginginig na ako.

"Okay then be ready. Once na malaman ko na nagsisinungaling ka alam mo na ang gagawin ko, kilala mo ako Ms.Ramirez." may pagbabanta nitong sambit.

"Y-yeah. A-aalis na ako." Dali-dali kong sambit at umalis na. This tine kunaripas na ako ng takbo dahil baka hindi na ako makalabas sa lugar na iyon.

Saan naman ako hahanap ng taong magpapanggap na tatay ni duke?!

Hanggang sa makauwi na ako ay iniisip ko pa din iyon.

Ayokong mawala si duke mahal na mahal ko siya at kapag nawala pa siya sa akin baka tuluyan na akong magpakamatay.

"Nanay may problema ka po ba?" Agaw pansin sa akin ni duke.

"Wala anak." Sambit ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit.

"H-hindi po ako m-makahinga n-nay! Masyado pong masikit ang yakap n'yo" reklamo nito kaya natawa ako at binitawan na siya.

"Pasensya ka na anak, namiss ka lang ni nanay." Paumanhin ko at nakita ko naman itong ngumuso.

"Nanay naman e! Nagkita naman tayo kanina!" Bugnot na sambit nito kaya mas lalo akong natawa.

"Naku ang baby ko naman. Nagtatampo na ako sayo hindi mo na ako masyadong nilalambing." Sambit ko sabay talikod sa kanya.

Gusto ko lang na lambingin ako ni duke kasi hindi ko alam baka ito na ang huling pagkakataon na lalambingin niya ako.

Nakita ko naman mula sa peripheral vision ko na lumapit ito sa gilid ko sabay kalabit sa akin.

"Nanay ko, sorry po lablab ka ni duke. H'wag ka na po magtampo sad si duke sige ka." Pananakot nito pero tahimik pa din ako.

"Nanay lablab ka ni duke. I loveeeeee you nanay ko!" Malambing na sambit ulit nito sabay yakap sa akin at halik sa pisngi ko kaya hindi ko na napigilan ang ngiti na kumawala sa akin.

Niyakap ko ulit siya at this time hindi na siya nagreklamo.

"Ayy nanay nasan po si papa tito? Hindi na po niya tayo dinadalaw *pout* kinalimutan na po ba tayo ni papa?" Nakangusong smtanong ni duke kaya natatawa akong umiling.

"Hindi baby, busy lang talaga si papa mo." Paliwanag ko pero mukhang nagtatampo talaga si duke kay cylan.

"Hmmp! Kapag pumunta dito si papa hindi ko siya papansinin. Nitatampo ako sa kanya." Sabi sa akin ni duke.

"Talaga? Kahit may dala siyang favorite chocolate mo?" Pang-aasar ko at nakita ko itong nagdalawang isip dahil doon.

"Ih nanay naman syempre kukunin ko po yung chocolate tapos po nitatampo na ulit ako sa kanya." Paliwanag niya kaya natawa ako

"Okay po." Natatawang sagot ko nalang.

Mukhang kilala ko na kung sino ang ipapakilala ko na ama ni duke.

Siya yung kamukha talaga ni duke at laging napagkakamalang tatay niya. Magkamukha talaga sila at minsan nagtataka ako na baka magkapatid sila ni luci.

Sana ay pumayag siya na magpanggap na tatay ni duke.

Bakit nga ba hindi ko agad naisip na malaki talaga ang pagkakahawig niya at ni luci?

***
A/N: guess who's that guy na tinutukoy ni astrid na SIYA? Kung kilala n'yo kung sino comment down below.

The Billionaire's Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now