CHAPTER 36✓

21.5K 599 55
                                    

CHAPTER 36

*Manila*

Kababa lang namin ngayon mula sa sasakyan, pumayag na ako na maging representative ng aming restaurant at isa pa kailangan na talaga namin bumalik dito.

Oras na siguro talaga para bumalik sa lugar na pinagganapan ng lahat. Oras na para maging matapang at harapin ang lahat ng tinakbuhan ko.

"Wow nanay! Ang ganda pala talaga dito sa maynila. Ang lalaki ng mga buildings" namamanghanag sambit ni duke kaya natawa ako.

"Oo anak maganda talaga dito sa maynila, ang hindi ko lang gusto dito ay ang polusyon. Hindi katulad sa probinsya masyadong mausok dito." Paliwanag ko kaya napatango-tango nalang si duke

Nandito kami sa dati kong tinitirhan na apartment. Buti nalang at kakalipat lang ng tumira dito at nasaktuhan namin.

Si cylan naman ay sinabi na may aasikasuhin daw siya ngayon at bibisitahin nalang kami bukas.

"Baby okay lang ba itong titirhan natin?" Tanong ko sa kanya.

"Opo naman nanay, basta po kasama kita masaya na po ako." Hindi ko maiwasang hindi ma-touch sa sinabi ni duke.

Para na itong matanda dahil sa klase ng pagsasalita niya.

"Sus ang baby ko feeling matanda nanaman." Natatawang biro ko na nakapagpasimangot dito.

"Nanay dito ka na din ba magta-trabaho?" Maya-maya'y tanong ni duke.

"Oo anak, hindi ko alam kung makakabalik pa tayo sa dati nating bahay." Paliwanag ko.

"Okay lang nay, naiintindihan ko naman po na ginagawa mo lang ito para sa ikabubuti natin." At sa sinabi ng anak ko hindi ko maiwasang hindi mag-teary eye.

"Ayy naku anak tama na nga yan, punta ka na sa kwarto natin doon. Tapos ilagay mo na gamit mo sa aparador tapos ako magluluto na okay?" Tumango tango naman ito at dali-daling pumasok sa kwarto.

Buti na lang at bumili muna kami ng mga pagkain bago kami pumunta dito.

Agad akong magluto ng adobo at ng nasa kalagitnaan na ako ng pagluluto ay narinig kong tumunog ang aking cellphone.

Hininaan ko muna ang kalan pagkatapos ay pumunta na ako sa sala para kunin ang cellphone ko. Nang makita ko kung sino ang tumatawag ay dali-dali ko itong sinagot.

"Hello Ma'am Castro? May kailangan po ba kayo?" Agad na bungad ko kay ma'am castro ang may ari ng restaurant.

"Yes, astrid. Bigla kasing binago ang schedule ng meeting at na-adjust ito. Bukas na agad gaganapin ang meeting pwede ka ba? Pasensya ka na at ngayon ko lang din naman nalaman." Paumanhin ni ma'am castro.

"Naku okay lang po ma'am. Nakahanda na naman po ang mga gagamitin natin at ready-ng ready na po ako." Sambit ko kaya narinig ko ang relief sa boses nito.

"Hayy salamat, maasahan ka talaga kahit kailan astrid." Pagkasabi ni ma'am castro niyon ay agad na itong nagpaalam dahil nagkaroon daw ng problema.

"Nanay!" Naagad ang atensyon ko dahil sa sigaw ni duke.

"I'm here baby!" Sigaw ko pabalik para malaman niya kung nasaan ako.

"Nanay, pwede po bang maglibot libot tayo dito sa maynila?" Tanong niya.

"Oo naman anak, kaso ay baka sa isang araw na tayo makapamasyal dahil bukas na ang meeting ni nanay" paliwamag ko at nakita ko naman ang pagka-disappoint sa mukha ni duke.

"Ganoon po ba nay? Sige po *sight*" malungkot na sambit ni duke kaya nalungkot din ako.

Hindi ko masyadong naigagala si duke at naawa ako sa kanya. Sa sobrang busy ko sa trabaho dahil lagi kong inaalala ang pang-araw araw namin ay nakakalimutan ko na itong ipasyal.

The Billionaire's Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now