CHAPTER 24✔

21.9K 494 13
                                    

CHAPTER 24

*The next day*

Nandito kami ngayon ni Luci sa bahay niya. Balak ko kasing bisitahin si Prince, namiss ko na kasi ang batang 'yun.

"Witchhhh! I miss you." Masayang salubong sa akin ni Prince kaya niyakap ko agad siya.

"I miss you too, baby Prince." Masaya din na sagot ko.

"Bakit ngayon ka lang dumalaw dito?" Nagtatampong tanong nito sa akin.

"Busy kasi ako sa work, sorry ha?" Paumanhin ko sa kanya.

"Hindi mo na ako mahal." Nagtatampo pa din na sagot nito.

"Sorry na baby, 'wag kang mag-alala babawi ako sayo next time." Pag-aalo ko dito.

"Okay fine, pinapatawad na kita in one condition." Sabi niya.

"Ano naman ang condition na iyon?" Natatawang tanong ko dahil nakalambitin nanaman itong chanak na ito sa akin.

"Umattend ka sa birthday party ko this coming Saturday, Feb. 5" sabi ni prince na ikinagulat ko.

"Birthday mo na pala sa sabado?" Gulat na gulat kong tanong.

"Opo, kaya 'wag kang mawawala ha? Kapag hindi ka pumunta magagalit ako." Banta niya sa akin kaya natawa ako.

Ang bata bata pa kasi niya pero kung maka-asta parang tatay niyang menopause.

@Kitchen

Nandito kami ngayon sa kitchen, balak kasi namin na maggawa ng cookies at itong mag-ama busy-ng busy sa ginagawang wala namang saysay.

Parang binagyo itong kitchen dahil sa kalat ng dalawang lalaking nasa tabi ko ngayon.

"Heyy daddy, mali naman ang ginagawa mo e." Naiinis na sabi ni prince sa kanyang tatay.

Halos isang buong bote kasi ng tubig ang nilagay ni luci sa ginagawa niya.

"Bakit ikaw ba marunong? Tapang mo ha ano papalag ka na?" Maangas na sagot ni luci at parang makikipagsuntukan sa anak.

"Oo, tapang mo din ah? Tara laban tayo." Sagot naman ng batang maliit na feeling mo sobrang laki ng katawan.

At ayun na nga nagbatuhan na ng kung ano ano ang mag-ama.

Parang nagkaroon ng g'era dito sa kusina, sobrang dami ng harina ang nakakalat sa sahig. Yung mga lagayan ng cookies kung saan saan na lumilipad.

"Ano ba, hindi ba kayo titigil na dalawa?!? Nayayamot na ako sa inyo ha!!" Sigaw ko dito kaya naman 'agad na natigilan si Prince at Luci.

Para silang mga bata na nahuli sa aktong kumakain ng candy.

"Nagsasayang kayo ng pagkain!" Pinapagalitan ko pa din sila.

At ang mga mukha nila? Ayun parang mga baby na nagpapaawa.

"Sorry na po witch." Pa-cute sa akin ni Prince pero hindi ako dapat maging malambot.

"Ayusin n'yo ang nga kinalat mo. Make sure na wala akong makikitang kahit katiting na kalat sa kusina na ito kung hindi ay hinding-hindi na ako babalik dito." Madiing paliwanag ko at sabay naman silang tumango.

Dali-dali silang kumuha ng walis at tambo at sabay nilang nilinis ang lamesa.

Dapat nga ay magpapatulong sila sa mga kasambahay pero hindi ako pumayag kaya wala silang nagawa kunti ang ayusin ang ginulo nila.

Si Prince nga ay hindi pa mabitbit ang tambo kaya natatawa ako.

Hindi nagtagal ay naayos na din nila ang kusina kaya ako nalang ang nag-bake, hindi ko na sila pinakapit ng kahit anong bagay dito sa kusina at sinabihan nalang sila na manood.

(After 1 hour)

"Witch, sobrang sarap nitong cookies na ginawa mo." Masayang sabi sa akin ni Prince na busy-ng busy sa pag-nguya.

Meron siyang cookies sa bunganga habang sa magkabilang kamay niya ay meton din siyang kapit.

Si Luci naman ay parang hindi na ngumunguya at lunok nalang ng lunok.

"Dahan-dahan baka mabulunan kayong dalawa." Natatawang paalala ko sa kanila pero inismiran lang ako ng mag-ama.

"Alam mo ba witch? Si mommy Fiona lagi akong pinagbe-bake ng cookies dati." Masayang kwento sa akin ni Prince. 'Agad naman akong nasaktan sa narinig ko.

"Talaga ba?" Pilit ang ngiting tanong ko at nakita ko naman na masaya itong tumango-tango.

"I miss my mom so much, i hope she's here with us." Malungkot na sabi sa akin ni Prince kaya mas lalo akong nalungkot.

"Don't worry Prince, someday magkakasama kayong tatlo." Pag-aalo ko sa kanya.

"Talaga po?" Masayang tanong nito kaya tumango ako.

"Yes, talaga." Pilit ang ngiting sagot ko.

"Is that a promise?" Tanong niya sa akin.

"Yes, that's a promise. Cross my heart." Pangako ko kay prince.

Siguro oras na talaga para hayaan kong sumaya sila.

Kung kami talaga ni luci para sa isa't isa kahit na si tadhana pa ang humadlang sa amin kami pa din.

Masayang kumain si prince, si luci naman ay umalis kanina dahil nakatanggap ng phone call.

Nang bumalik na si luci ay sinabihan niya si prince na magbihis dahil pupunta daw kami sa boutique shop ng pinsan ni luci at magpapagawa ng damit para sa party sa sabado.

Nagtaka nga ako kung bakit ako kasama pero sinabi ni Luci na gusto niyang siya ang pipili ng damit ko kaya wala na akong nagawa kundi ang sumama.

Saktong pagkalabas namin ay biglang may tumigil na puting sasakyan sa tapat namin.

At doon lumabas ang napakagandang babae.

Ang mama ni Prince..

"Heyy saan kayo pupunta?" Tanong ni Fiona kay Luci.

Agad namang bumitaw sa akin si prince at tumakbo sa nanay niya.

"Mommyyy!" Tuwang-tuwang sabi ni prince.

Pero ganoon nalang ang gulat ko ng hindi ito pinansin ni fiona. Inismiran lang nito ang anak at kumapit kay luci.

Kitang-kita sa mukha ni Prince na nasaktan siya sa aksyon ng sariling ina. Kaya wala na akong inaksayang oras at 'agad kong binuhat si Prince at niyakap.

"Hey baby, don't be sad. I'm here i can be your mommy for the mean time habang hindi pa dito nakatira ang mommy Fiona mo." Alo ko kay Prince dahil teary eyes na ang bata.

"Really?" Pagsisigurado nito habang pinupunasan ang mata na may luha.

"Yeah, call me mama witch." Nakangiting alok ko sa kan'ya kaya napangiti din ito.

"Thank you po mama witch ko." Malambing nitong sambit.

Napangiti din ako dahil doon.

"Always welcome baby chanak ko." Nakangiting sagot ko din sa kanya.

"Ano pa ang tinatayo ninyo d'yan? Diba pupunta tayo so boutique? Bakit ba ang babagal ninyo?" Naagaw ang atensyon ko dahil sa sinabi ni ma'am Fiona.

"Sorry po ma'am." Paumanhin ko at pumasok na sa loob ng kotse

Sumama pala sa amin si ma'am Fiona, kaya ngayon sobrang awkward sa loob ng kotse.

Si Prince ay hindi na ulit bumitaw sa akin, nakaupo ako sa tabi ng driver ni sir habang si luci at ma'am Fiona naman ay nasa tabi nito.

~To be continue...

The Billionaire's Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now