CHAPTER 13✔

26.9K 643 22
                                    

CHAPTER 13

O M G!!

Yung crush koooo!!

Nakatulala lang ako ngayon sa taong tumawag kay boss, hindi ko akalaing kaibigan siya ni boss sungit.

Ang liit nga naman ng mundo, kita nyo? Magkakilala pala si boss at yung crush ko.

"Heyy Kyle." Tipid na bati ni boss habang nakakunot noong nakatingin sa akin.

Hindi ko alam pero nababasa ko sa kaniyang mga mata ang labis na pagtataka. Siguro dahil halos tumulo na ang laway ko sa harapan ni crush.

"Long time no see bro." Nakangiting sabi nito at nag-manly hug sila.

Agad namang nagawi sa akin ang tingin ni Kyle mah crush.

"You look familiar." Biglang sabi nito ng nakatingin sa akin.

"You know her?" Kunot noong tanong ni boss.

"Ayy oo, ikaw yung babaeng muntik ng malunod!" Sabi nito sa akin.

"Hehehe epe eke pe yen." Halos mamilipit ang dilang sabi ko.

"What?" Nakangiti paring tanong nito.

"Wele pe." Pabebeng sabi ko sabay sipit ng aking buhok sa likod ng tenga.

"HAHAHAHA you're so funny!" Tatawa tawang sabi niya.

"Sir naman ginawa mo naman po akong clown." Feeling close na kung feeling close basta gusto kong mapalapit kay crush.

"By the way i'm Kyle chua, Luci's besfriend." Ngiting ngiting pakilala niya sabay lahad ng kamay.

"Ako naman po si Athena Astrid Ramirez, secretary po ni boss sun--- hehehe boss Luci po. Hello sir Kyle." Nakangiti ko ding sabi sabay abot ng kamay nito.

Yiiieeehh! Ang lambot ng kamay ni mylavs.

Ninanamnam ko pa ang lambot ng kamay ni crush ng biglang may humablot ng kamay ko.

Agad akong napasimangot ng malaman ko na si boss sungit pala iyon.

"Ipapaalala ko lang sayo Ms. Ramirez, trabaho ang pinunta natin dito hindi pakikipagLANDIAN." at talagang idiniin pa nito ang landian ha.

"Pasalamat ka boss kita kung hindi." bulong ko sa sarili ko.

"Kung hindi ano?!?" Halos mapaupo ako sa gulat dahil narinig pala niya ang sinabi ko.

"Hehehe, boss? Wala naman po akong sinasabi e." Kinakabahang tanggi ko.

"Tell me Ms. Ramirez, ano ang gagawin mo sa akin kung hindi mo ako boss?" Galit na galit na tanong nito.

Hindi parin ako makasagot dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

"I'm waiting Ms. Ramirez." Naiinip na sabi ni boss sungit.

Nakayuko lang ako at nilalaro ang mga buhangin sa paanan ko.

Nga pala si crush ko umalis na dahil baka daw may pag-uusapan pa kami ni boss.

"Ms. Ramirez i'm fucking te---

" KUNG HINDI KITA BOSS JOJOWAIN KITAA!!" Biglang sigaw ko dahil sa naiirita na din ako sa kanya.

"W-what?" Nauutal na tanong nito.

Ako lang ba o talagang namumula ngayon si boss?

"Boss, okay ka lang po ba? Bakit po namumula ka?" Tanong ko at lumapit pagkatapos ay hinawakan ang kanyang noo at leeg.

Mas lalo naman itong namula sa ginawa ko, ngayon tenga hanggang leeg na niya ang namumula.

Kaagad siyang nag-iwas ng tingin at biglang umalis.

Sinundan ko naman siya dahil hindi ko alam kung saan ako matutulog.

Pero bakit kaya namumula si boss?

"BOSS WAIT LANG POOO!" habol ko dito at halos malagutan na ng hininga ng tumigil kami sa front desk.

"Good morning sir, do you have any reservation?" Tanong ng front girl habang titig na titig kay boss sungit.

Napaismid naman ako dahil doon, grabe naman itong babaeng ito.

Parang wala sa trabaho kung makatitig kay boss sungit a? Ireport ko kaya ito sa manager nila?

"If only look can kill, i swear that girl is dead right now." Biglang sabi ni boss sabay nguso sa front girl.

Inismiran ko nalang siya.

Sus! 'Kala mo naman ayaw niya e, gustong gusto naman niyang tinititigan siya ng babaeng yun.

Kitang kita ko na nage-enjoy siya dahil ngiting-ngiti na ito, hindi tulad kanina na prang papatay na siya ng tao anytime.

"I have a reservation under the name King Luci Buenavista." Tipid na sabi nito at mas lalo pang lunawak ang ngiti ng magawi ang tingin nito sa akin.

Agad ko siyang sinamaan ng tingin.

Arrgghh! Ano ba'ng nangyayari sa akin? Ano naman kung gustong-gusto ni boss na tinititigan siya ng babaeng yun? Ano naman kung nakangiti si boss? Ano naman? Ha?

Hindi ko alam ang nararamdaman ko basta ang alam ko lang gusto ko ng patayin si boss sungit at yung impaktang malanding babae.

"Heyy lets go." Aya nito sa akin at kinapitan ang kamay ko pero agad ko din itong binawi.

"What wrong?" Kunot noong tanong nito.

Hindi nalang ako umimik hanggang sa sumakay kami ng elevator.

"Tell me what's wrong?" Biglang tanong nito ng makapasok kami sa elevator.

Walang tao dito at solong solo namin ang lugar.

"Nothing." Tipid kong sagot.

"No, i know you have a problem so tell me." Pamimilit nito na nakadagdag pa ng inis ko.

"I said nothing." Alam ko ngayon rinig na niya ang inis sa boses ko.

"Ano bang ikinagagalit mo?" Tanong nanaman niya.

"Wala kaya 'wag ka ng magtanong." Sabi ko sa kanya sabay sama ng tingin.

"Isa Ms. Ramirez sasabihin mo o sisisantehin kita?" Nagbabantang tanong nito kaya napabuntong hininga nalang ako.

Alam ko kasi na kapag sinabi ni boss sungit na sisisantehin niya ako tototohanin niya iyon.

"Naiinis ako." Tipid kong sagot.

"Saan? Kanino?bakit?"

"Sa inyo nung babaing yun kanina, ewan ko basta bigla nalang ako nainis." Pag-amin ko.

Nakita ko ang biglang pagngiti nito.

Asar!

Bakit ba siya ngiti ng ngiti ngayon?

"Ngiting ngiti ka pa diyan ang landi mo." Sabi ko sabay kurot sa tagiliran niya.

Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob na kurutin siya pero hindi ko na iyon inintindi.

"Ouch! I'm a good boy." Sabi ni boss sabay kamot sa tagiliran niya na kinurot ko.

"Sus sabihin mo malandi ka lang." Sabi ko sa kanya.

"Sus sabihin mo nagseselos ka lang." Sabi ni boss sungit pero wait, what?

Me? Jealous? The hell?

The Billionaire's Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now