CHAPTER 49

23.9K 518 61
                                    

CHAPTER 49

"Mama g-gagaling na p-po ako." Masayang sabi ni prince.

Nandito kami ngayon sa kanyang kwarto, kasama ko sa loob si duke,luci at cylan.

Ngayong araw gaganapin ang operasyon, desidido na ako sa desisyon ko.

"By the way doc, sino po ang donor ng anak ko? Pwede ko ba siyang makausap bago ang operasyon? O want to thank her. Malaki ang utang na loob namin sa kanya." Sambit ni luci, kausap nito ngayon ang doktor.

Kita ko naman ang pasimple niyong pagsulyap sa akin pero inilingan ko ito.

"S-sorry Mr. Buenavista, pero ang hiling ng donor ay h'wag ipakita ang mukha niya." Paliwanag nito.

"Is that so? Well whoever she is, I'm super thankful." Nakangiting sagot niya.

Kita ko ang maaliwalas nitong mukha, hindi katulad ng mga nakaraang araw na para siyang kulang sa tulog.

"Nanay! Babalik ka na po ba sa amin?" Malungkot na tanong ni duke kaya nalungkot din ako.

I hope so duke, kung pwede lang..

"Oo baby." Ayun na lamang ang naisagot ko.

Kita kong sumaya ang mukha nito at yumakap sa akin.

"I miss you nanay ko, sorry po sa lahat. Sorry for being a bad kid *pout*" at para itong pusa na naglalambing sa kanyang amo.

"H-hey! Ako ang m-may sakit kaya d-dapat a-ako ang nihuhug n-ni mama!" Sigaw ni prince kahit nanghihina.

"Bleeh!" Dila lang sa kanya ni duke at parang nang-iingit na hinigpitan nito ang yakap sa akin.

"M-mama!" Suway sa akin ni prince kaya natawa ako.

"Ako nalang ang yayakap sayo baby princeee!" Parang batang singit ni cylan.

Kita ko naman ang pandidiri sa mukha ni prince. Simula kanina ay parang tuko si cylan kung makalapit kay prince.

Siguro ay gustong gusto niyang mapalapit sa pamangkin niya.

"I d-don't want! G-go away, monkey!" Nandidiring sagot ni prince.

Ngumuso naman agad si cylan at nagpanggap na umiiyak ng bigla siyang itulak ni luci na kauupo lang.

"Ouch! Makatulak!" Parang batang aping-api na sabi ni cylan sabay punta sa tabi ko.

"Babee! Niaaway ako ni kuya luci!" Sumbong nito sa akin pero hindi ko pinansin.

Tinatawag na ni cylan si luci na kuya pero hindi pa nito alam na magkapatid sila.

"Don't you ever call me kuya! Wala akong kapatid na isip bata! At isa pa, bakit ka nandito? This is for family only!" Naiiritang sagot ni luci.

Kita kong biglang lumungkot ang mga mata ni cylan at alam kong nasaktan siya sa sinabi ng kuya niya.

"I-is that so? Hehehe s-sige aalis n-na ako." Malungkot na sagot nito pipigilan ko na sana siya pero malungkot lang ako nitong inilingan.

Kaya wala na akong nagawa kundi ang pabayaan siya, alam kong masakit iyon lalo na sa kapatid o sa pamilya ko nanggaling. Katulad ng sinabi sa akin ni duke noon, nasaktan ako.

Malapit ng makalabas si cylan pero hindi ito natuloy.

" hey idiot! Where are you going?" Pasigaw na tanong ni luci kay cylan.

Malungkot naman itong tumingin sa kanyang kuya at pilit na ngumiti.

"A-aalis na ako, a-ah hahaha! Nakikisiksik l-lang naman ako." Alam kong pinilit lang nitong pasiglahin ang boses at anytime tutulo na ang mga luha nito.

The Billionaire's Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now