CHAPTER 46

23.2K 704 140
                                    

CHAPTER 46

Hulaan n'yo kung nasaan ako? Nandito ako ngayon sa restaurant na pagkakainan nila. Kanino ko nalaman? Walang iba kundi kay CYLAN!

Yes sa kanya, nagtataka siguro kayo kung bakit ngayon lang ulit lumabas si cylan?  Nalaman ko kasi na nagpunta ito sa ibang bansa sa hindi malamang dahilan at ng itanong ko kung anong ginawa niya doon ang sinabi na lamang niya ay..

"Bakit namiss mo agad ang ka-pogian ko?"

Muntik ko na siyang masapak noon pero pinigilan ko.

Kinwento ko dito ang nangyari nung mga panahon na wala siya at halos sumabog ito sa galit kay luci.

Sinabi ko na din sa kanya ang plano ko sa mag-aama at ang loko tuwang-tuwa.

Basta talaga usapang kalokohan napaka-active nito.

So ayun nga, kasama ko si cylan ng magpunta ako dito sa restaurant.

Makikita mo King luci Buenavista,  papatayin kita sa selos

BWUAHAHAHA---

"Hoyy! Para kang baliw na pangisi ngisi sa isang tabi." Batok sa akin ni cylan kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Hayopp ka! Ang kapal ng mukha mong batukan ako!" Sabi ko at binatukan din siya at ang ending? Nagbatukan kaming dalawa.

Hindi namin napansin na pumasok na pala ang tatlong lalaking hinihintay namin.

Nakatingin sila sa amin na halata sa mukha ang gulat.

Nagtataka nga ako kung bakit hindi nila kasama si fiona pero pinagsawalang bahala ko na lang ito.

"A-astrid!" Rinig kong sambit ni luci sa pangalan kp habang tulalang nakatingin sa akin.

"NANAY!/MOMMY!" Sigaw ng dalawang bata at tumakbo sa akin at nung akmang yayakapin na nila ako ay umiwas ako.

Hmmpp! Magsisi kayo sa pagpapalayas sa akin *roll eyes*

"M-mommy?" Bakas ang pagkagulat at pagkakito sa mukha ni prince pati na din kay duke at luci.

"Hello boys, what a coincidence nandito din pala kayo." Pinilit kong pinaseryoso at pinalamig ang aking boses.

"N-nanay *sobs* sorry p-po huhuhu!" Umiiyak na paghingi ng tawad ni duke na naging sanhi kung bakit muntik na akong bumigay.

Ano ka ba astrid! H'wag kang marupok!

Suway ko sa sarili ko.

"You want to join us?" Tanong ko pero kahit na ang totoo ay kasama ito sa plano.

Hindi na tumutol ang tatlo at dali-dali ng umupo.

"A-astrid i-im sorry, p-please come ba---" luci..

Hindi ko na ito hinayaang pang makatapos sa kanyang sasabihin dahil pinutol ko na ito.

"H'wag na nating pag-usapan, okay na ako. Past is past right? Let's just pretend that nothing happen between us, let's just pretend that we're friends." Sambit ko.

Hihihihi! Feeling ko sobrang cool ko sa ginagawa ko ngayon.

"N-nanay *sobs*" tawag sa akin ni duke kaya hirap na hirap akong humarap sa kanya habang pilit na pinapatatag ang aking sarili.

Mahirap din ang ginagawa ko lalo na't alam ko na hindi ko sila kayang tiisin pero kakayanin ko.

"Hmm? Bakit Mr. Duke?" Pilit kong pinapormal ang salita ko dahil kita ko ang pagka-shock sa mukha nito.

The Billionaire's Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now