CHAPTER 5

32.1K 874 27
                                    

Astrid's P.O.V

Nandito pa rin ako ngayon sa bahay ni Boss Sungit, ayaw kasi ako binitawan ni chanak simula ng nasa mall kami hanggang sa makauwi ay hindi na ito lumayo sa akin.

Siguro ay masyado itong natuwa sa binigay ko na panda, mukhang ngayon lang ito nakatanggap ng gano'n sa taong hindi niya inaasahan kaya ngayon ito, parang unggoy kung makalambitin sa akin.


"Hey chanak, baba muna kita ha? Ang utos kasi ng daddy mo sa akin ay ang maglinis ako ng bahay ninyo," paliwanag ko.

Kanina ko pa siya pinipilit na bumaba muna sa akin dahil sa utos ni boss. Kita n'yo na? Secretary ako pero ginawa akong taga-linis ng bahay nilang mag-ama.

Ang yaman-yaman nila bakit hindi sila kumuha ng taga-linis at ako pa ang napagtrip-an nilang alilain? Kulang ang sweldo ko!

Amg sarap lang ingudngud sa inidor ni Boss Sungit dahil sa pagiging bossy nito, pati trabaho na wala sa job description ko ay pinapagawa.

At kung tatanungin n'yo kung nasaan ang napakagaling kong boss? Wala! Iniwan ako dito dahil may emergency meeting siya. Ang galing lang dahil secretary ako pero hindi ako sinasama sa mga meeting. Ito kasing anak n'ya parang linta kung makadikit kaya wala ng nagawa si Boss Sungit kundi iwan nalang ako rito.

"NO!" Biglang sigaw sa akin ni Chanak at mas hinigpitan pa ang yakap sa aking leeg, dahilan para bigla akong mapaubo-nasasakal ako!

"P-prince luwagan mo a-ang pagkakakapit mo, na-nasasakal ako," hirap na sambit ko at pilit na niluluwagan ang kapit nito.

At mukhang nagets nito na hindi ako makahinga kaya naman niluwagan nito ang pagkakahawak sa akin. Matalinong bata itong Chanak na 'to kaya hindi na ako magugulat kung isang araw mas matalino na 'to sa 'kin.

Nang tuluyan ng lumuwag ang pagkakahawak niya ay mabilis kong kinuha ang chance na iyon para maibaba siya, wala kaming matatapos na gawaing bahay kung buhat-buhat ko ito.

*Sobs*

Nakarinig ako ng hikbi at kasabay noon ang maliliit na yabag ni Chanak na tumatakbo ngayon papasok sa kan'yang kwarto.

Pero bakit? Akala ko ba ay gusto ako nitong katabi? Napailing nalang ako at ipinagsawalang bahala ang nakita at nagwalis na lamang.

Nang matapos akong maglinis ay pumunta na ako sa kwarto ni Prince, alam ko kung saan iyon dahik itinuro ni boss sungit kanina kung sakaling magpapunta si Prince sa kanyang kwarto.

"Hey, what happen?" nag-aalala kong tanong ng makita ko itong umiiyak, napatingin ito sa akin at kaagad na umakyat sa kanyang kama at nagtalukbong ng kumot.

"G-go *sobs* away! Y-you WITCH!" Sigaw nito habang nasa ilalim pa din ng kumot, mas lumakas ang palahaw ng iyak nito at halos mapangiwi na ako.

Naaawa ako, I looked at Prince and gently sit beside him.

Hindi ko alam kung anong nangyari, but I know na dahil sa akin kaya umiiyak ito ngayon.

Kanina pa ba ito umiiyak? Ano ba ang nagawa ko? Kanina naman ay okay kami pero bakit ito umiiyak?

"Hey baby Prince, what's your problem? Can you tell it to ate?" Malambing kong tanong, nasasaktan ako na nakikita itong umiiyak at ayoko na nakikita itong umiiyak.

Kahit ngayon ko lang ito nakilala ay madaling gumaan ang loob ko sa chanak na ito. Kahit na ang sungit niya sa akin at parang pinaglihi sa sama ng loob ay magaan ang loob ko dito.

"GO AWAY!" Sigaw na naman nito at mas lalong nagtalukbong ng kumot.

Naoakamot na lang ako sa aking ulo dahil hindi ako marunong manuyo ng bata, hindi ako sanay at nahihiya ako.

"Baby? Tell me what's your problem so we can talk about it hmm? Hindi magagalit si ate" Sabi ko at dahan-dahang tinanggal ang kumot na nakataklob sa kanya. Kita ko ang pamumugto ng mga mata nito kaya mas lalo akong naawa.

Namumula na din ang mata nitong pisngi marahil ay dahil sa labis na pag-iyak. Dahan-dahan ko itong binuhat at pinunasan ang luha na nasa kanyang mukha.

Aww, baby Prince is so adorable!

"Why?" Iyon lang ang tanong ko pero alam kong naintindihan niya iyon, at dahil sa tanong ko nagsimula na naman itong umiyak.

But, why?

"Y-you don't want m-me anymore! *Sobs*" at umiyak na naman ito, ano daw? Napangiti nalang ako dahil sa sinabi nito.

"What? That's not true." Sagot ko habang patuloy na pinupunasan ang luha nito.

Napatingin ito sa akin at namula na tila nahihiya, "P-pero ayaw m-mo *sobs* a-ako karga!" Umiiyak pa din nitong paliwanag sabay sabunot sa akin kaya napangiwi ako.

Napakasadistang bata.

"Hindi yan totoo, ikaw lang ang baby boy ko." Paglalambing ko dito at pinanggigilan ang mataba nitong pisngi, nakakagigil sarap kurutin.

"Ayan! Buhat na ni witch si chanak!!" Pang-uuto ko diyo at patuloy pa din siyang hinahalikan sa pisngi.

Hindi nagtagal ay tumigil na sa pag-iyak si prince at tumingin ito sa akin at tila naninigurado.

"Really? I'm your baby boy?" Nakangusong tanong nito at tila hindi naniniwala.

"Ofcourse, my one and only baby boy. Kaya 'wag ka ng magtampo alright?" Sabi ko at nanggigigil na hinalikan siya sa noo, sobrang cute nito at ang sarap panggigilan.

"You'll always stay by my side right?" Tanong na naman nito sabay yakap sa akin, kiniss din ako nito sa pisngi at tila naglalambing.

"Yes naman baby chanak, as long na gusto mo akong nasa tabi mo." Sabi ko at hinele hele siya hanggang sa makatulog na ito.

Nangmakatulog na ito ay kaagad ko siyang binaba at kinumutan pagkatapos ay kaagad ko siyang hinagkan sa noo.

Ngayon, may nadiscover akong bagong ugali ni baby chanak.

Nalaman ko na matampuhin siyang bata, konting pagkakamali mo lang ay magtatampo na siya. Kaya siguro masungit siya, ayaw niyang mapalapit sa mga tao dahil baka masaktan lang s'ya.

I'm always here for you baby chanak.

The Billionaire's Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now