CHAPTER 42

21K 725 73
                                    

CHAPTER 42

LUCI P.O.V

"Bakit ba hindi mo ba kasi ako kayang mahalin katulad ng dati?" Tinignan ko lang siya na parang wala akong pake sa mundo.

"Luci ano ba! Answer me!" Sabay kalampag sa lamesa ko.

I'm here at my office. At nasa harap ko ngayon si fiona.

"Do you really want me to answer your damn question?" Malalim at seryoso kong tanong.

Nakita ko naman itong napatigil at parang biglang nagdalawang isip.

"Y-yes ofcourse!" Taas noo nitong sagot.

"Sa tingin mo mamahalin pa ba kita pagkatapos ng mga ginawa mo? Iniwan mo kami ng anak natin! Para ano? Para pumunta sa ibang bansa kasama ang kabit mo!" Gigil kong sambit kasabay ng pagkuyom ng kamao ko.

"S-sa tingin mo iyon t-talaga ang dahilan? *sobs* h-hindi!" Kasabay nito ang pag-upo niya na parang nanlambot.

"Then what? Ano ba talaga ang dahilan?" Tanong ko habang nakatitig pa din sa kanya.

Hindi ko maiwasang hindi maawa dahil siya pa din naman ang babaeng minahal ko noon..

"Nagkasakit ang lola ko, i n-need to g-go there *sobs* gusto k-kong sabihin sayo p-pero natatakot a-ako *sobs* d-dahil baka h-hindi na ako *sobs* payagan n-na bumalik." Umiiyak na sambit niya.

Alam kong totoo ang sinabi nito. Pagkaalis niya ay pinasundan ko siya at nalaman ko ang totoo kaya nga hinintay kong bumalik siya para sa amin ni prince.

Pero hindi siya bumalik. Hindi niya kami binalikan at mas lalo akong nagalit dahil inuna pa niyang tuparin ang pangarap niya kesa sa amin ni prince.

"Kahit anong sabihin mo fiona, hinding hindi na kita kayang mahalin ulit." Diretso kong sagot.

"B-bakit? D-dahil na k-kay *sobs* astrid? A-ano ba ang meron siya n-na wala ako?" Tanong nito.

"Hindi niya kami pinabayaan." Iyon lang ang tangi kong sagot.

"PERO INIWAN DIN NIYA KAYO!" Sigaw nito.

Natigilan naman ako sa narinig pero naalala ko na ako pala ang may kasalanan.

"Dahil pinaalis ko siya." Seryoso kong sambit.

Dahil totoo naman na ako ang may kasalanan at alam kong kaya umalis si astrid ay dahil iyon ang sinabi kong gawin niya.

"Pleasee luci *sobs* g-gagawin ko a-ang lahat p-para *sobs* lang m-mapatawad mo na ako." Umiiyak pa din nitong pakiusap sabay luhod pero wala akong pakielam.

"Then don't ever bother me. Ever.again." madiin kong utos pero umiling lang ito ng umiling.

"Kung ganoon wala na tayong pag-uusapan fiona. You may go." Pilit kong kinakalma ang sarili ko dahil baka kapag hindi ko na napigilan ang sarili ko ay baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya.

"L-luci..."

"GET THE FUCKING OUT!!" Hindi ko na napigilang sumigaw.

Napapitlag naman ito dahil doon at dali-daling tumayo.

"A-aalis ako p-pero babalik at b-babalik ako." Iyon lang at lumabas na siya.

Kahit anong gawin niya ay hinding hindi ko na siya kayang mahalin katulad ng dati.

Dahil alam ko sa sarili ko.. Na si Astrid na ang mahal ko. At kahit kelan hindi na yon magbabago.

Hindi ito katulad ng pagmamahal ko kay fiona dahil mas malalim ito.

The Billionaire's Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now