CHAPTER 39

21.7K 788 74
                                    

CHAPTER 39

This is it pancit! Nandito na kami sa tapat ng restaurant na pagkikitaan namin ni luci.

"Nanay ano po bang gagawin natin dito?" Kuryosong tanong ni duke.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa sa restaurant? Edi kumakain!" Pangbabara sa kanya ni CYLAN.

Yes! Si cylan nga ang ipapakilala kong ama ni duke.

Kaagad naman siyang sinapak ng maliit na kamao ni duke na tinawanan lang ni cylan.

"Papa you're so bully." Gigil na sambit ni duke at tuloy pa din sa pagsapak sa binti ni cylan.

"Duke, tama na nasasaktan ang papa mo." Pagsaway ko kay duke na agad naman niyang sinunod.

Sinabi ko na kay cylan ang plano ko at akala ko hindi siya papayag pero nagulat ako na agad siyang pumayag oagkasabi ko palang noon.

Habang si duke naman ay sinabi ko na papa lang ang itawag kay cylan ngayong buong araw at sinabi ko na kapag may nagtanong sa kanya kung sino ang tatay niya ang sasabihin niya ay si cylan at agad namang pumayag si duke. Alam kong matalinong bata si duke at naiintindihan niya ang sinasabi ko.

Pagkapasok palang namin ay agad na nanlamig ang mga kamay ko, nangangatog ang mga paa at mabilis na tibok ng puso.

"Hey don't be so nervous. I'm here okay? I won't leave you." Pagpapakalma sa akin ni cylan.

Hinawakan naman ni duke ang kamay ko dahil siguro nararamdaman niya na kinakabahan ako.

Kumapit naman si cylan sa isang kamay ni duke kaya para kaming masayang pamilya na sabay-sabay na pumasok sa isang resto.

"Good morning ma'am, sir? Table for how many persons po?" Magalang na tanong ng isang waitress ng restaurant.

"We have a reservation under the name of luci Buenavista." Sagot naman ni cylan.

"Ah? Name please?" Magalang na tanong nito.

"Athena Astrid Ramirez, duke ra---

Hindi na natapos ang sasabihin ko dahil biglang tinakpan ni cylan ang bibig ko.

Kaya nagtatakang napatingin kami kay cylan.

" I'm cylan Rodriguez, and this is duke Rodriguez my son." Oww muntik na ako doon.

Buti napigil agad ako ni cylan.

"Yes, this way ma'am,sir." Sabi nito at iginaya kami sa isang vip room.

Habang palapit kami ng palapit ay pabilis din ng pabilis ang puso ko.

Naramdaman ko na humigpit ang kapit ni duke sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Nanay don't be nervous, we're here I'll protect you." Matapang na sambit ni duke.

Kumatok muna ang waitress bago ito buksan.

"Pasok na po kayo." Sabi nito kaya tumango kami at dahan-dahang pumasok.

Pagkapasok na pagkapasok palang namin ay tumambad sa amin si luci na nakaupo sa pinakagitna ng upuan.

Pagkalapit namin ay agad akong umubo at hinanda ang sarili ko sa pagsasalita. Parang hindi ko kayang mag-salita.

"Ehem t-this is cylan r-rodriguez, Duke's dad." Mahinang sambit ko na nauutal pa.

"Tss!" Bugnot na singhal ni luci kaya napakunot ako ng noo.

"May problema po ba SIR luci?" Tanong ko.

"Nothing, take a seat." Maikling paanyaya nito at nauna namang umupo si cylan.

Sa tabi pa talaga ni luci umupo itong bulilit na ito.

The Billionaire's Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now