SPECIAL CHAPTER 2

21.4K 481 32
                                    

Astrid P.O.V

"DUKEEEE! PRINCEEEEE!" Halos mapatid na ang aking litid dahil sa sobrang lakas ng aking sigaw.

Kanina ko pa hinahanap ang dalawa kong anak na lalaki dahil hindi ko makita ang mga ito, habang tumatagal ay mas lalo akong tumatanda dahil sa dalawa.

Sa bawat araw na dumadaan pakulit ang mga ito ng pakulit at kahit na sa ama lang sila magkapatid ay kitang kita ang pagiging malapit ng mga ito sa isa't isa.

"Hihihi." Napatingin ako sa gawing kanan ko ng marinig ko ang hgikhik na iyon at hindi nga ako nagkamali, kitang kita ko mula sa aking pwesto ang maliit na paa ni duke.

Nasa ilalim sila ng lamesa at tinataguan na naman ako.

5 months na akong buntis ngayon at nalaman namin na babae ang aking magiging anak.

Sobrang tuwa nilang tatlo dahil may prinsesa na daw sila at ako naman ay nangangamba. Paniguradong walang makakapasok na manliligaw iyon dito sa bahay dahil tatlong lalaki ang magbabantay.

"Hmm nasan na kaya ang dalawang bulinggit na iyon? Kapag nahuli ko ang mga yon itatapon ko sila kasama ang panget nilang tatay." Halos matawa ako sa aking sinambit. Si luci kasi ang pinaglilihian ko at sobrang napapangitan ako sa kanya na tipong isang kita ko pa lang ay gusto ko na itong batuhin.

"Shh wag ka maingay kuya baka mahuli tayo ni mama." Rinig kong sambit ni duke kahit na alm kong binulong niya lang iyon sa knyang kuya ay malakas pa din.

Habang busy ang magkapatid sa pagku-kwentuhan ay dahan dahan akong pumunta sa likod nila ng hindi napapansin.

"Where's mommy?" Takhang bulong ni prince ng hindi ako makita at iyon na ang hudyat upang gulatin sila.

"BULAGA!"

"waahhh!"

"MOMMYYY!

Natawa ako sa reaksiyon ng dalawa. Si duke ay nakayakap kay prince habang si prince ay nakaposisyon ng panglaban na tila pinoprotektahan ang kapatid.

Napangiti ako dahil doon...

"At bakit n'yo ako ponatataguan ha?" Kunwaring galit kong tanong habang binibigyan sila ng mataray na tingin.

Napaantras naman ang mga ito sa akin, simula ng malaman ko na buntis ako ay lagi ng mainit ang ulo ko kaya madalas ko na mapagalitan ang mag-aama.

Kaya siguro pinagtataguan ako ng mga ito, natatakot na sila na mapagalitan na naman.

"M-mommy." Nakatungong wika ni prince pero napatawa nalang ako kaya agad silang napatunghay.

"Hindi ka na po galit mama?" Tanong naman ni duke pero umiling ako at itinaas ang aking kilay.

"At sinong magsabing hindi? Tinaguan n'yo ako kaya ngayon dadalhin ko kayo sa isang lugar." Pananakot ko, kapit na kapit naman ang magkaptid sa isa't isa at nagbubulungan pero ngayon ay hindi ko na naririnig.

Gusto ko silang dalhin sa lugar na sa tingin ko ay naging sanhi ng pangalawang buhay ko.

"Magbihis na kayo, tawagin n'yo na din ang papa n'yo na laging tulog at sabihin na may pupuntahan tayo " utos ko at wala naman pag-aalinlangang tumalima ang dalawa.

Nag-ayos na din ako at hindi na nag-abalang bihisan ang dalawa dahil alam ko na kaya na nila ang mga sarili nila.

Pagkababa ko ay nakita ko na ang tatlong importanteng lalaki sa buhay ko, mga bihis na ito at paramg excited sa aming pupuntahan.

"Wazzup guys? Saan punta n'yo?" Tanong ng isa pang asungot na si cylan. Nanggigigil na ako sa lalaking ito, laging nakasunod sa amin at laging inaasar ang mga bata na paglabas ng baby ay aampunin n'ya uto.

The Billionaire's Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now