CHAPTER 34✓

21.4K 549 26
                                    

CHAPTER 34

"THEOOOOOOO!" Sigaw ko sa sobrang konsumisyon.

Hindi ko makita ang anak ko at malamang ay sinama nanaman ito ni cylan sa kalokohan niya.

Five years na ang nakakalipas mula ng mangyari ang masalimuot kong nakaraan.

Nuong una ay mahirap pero unti-unti akong nakabangon ng dumating si theo sa buhay ko.

"Nanayyyy!" Sigaw ng isang matinis na boses.

Hinanap ko kung saan nagmumula ang maliit na boses na iyon. At doon ko ito natagpuan sa ilalim ng lamesa.

"At anong ginagawa mo d'yan?" Masungit na tanong ko.

"Shh! Keep quiet nanay! Nagtatago ako kay papa tito." Saway niya sa akin at lumingon lingon pa sa paligid.

"Lumabas ka d'yan madumi jan." Pagalit kong sambit.

Pero ang bulilit hindi ako pinansin.

"Isa duke kapag hindi ka lumabas mula sa ilalim ng lamesa papaluin kita." Banta ko pero parang bingi ang bulilit na ito at mas lalo pang nagtago nung marinig ang mga yabag ng paa.

"Did you see duke? Kanina ko pa s'ya hinahanap." Natatarantang sambit sa akin ni cylan.

Hindi na ito nasanay kay cylan. Simula ng magkaisip ito at natutong maglakad ay lagi na siya nitong tinataguan pero parang bago lang ito at hindi masanay sanay.

"Hindi ka pa ba nasasanay d'yan sa inaanak mo? Lagi ka noon tinataguan kada nakikita ka." Naiinis kong paliwanag.

Napanguso naman agad ito sa narinig mula sa akin at hindi ako pinansin, nagsimula ulit itong maghanap sa kung saan saan habang si theo naman ay nandoon sa ilalim at nagpipigil ng tawa.

Hindi ko alam kung kanino ito nagmana, sa akin ba o kay Luci. Sobrang pilyo kasi nitong bata. Nung nakaraan ay sinulatan niya ang dingding. Meron pa na binasa niya yung mail man. At ito pa ang pinaka-matindi. NILAGYAN NIYA NG TAE NG ASO SA MUKHA SI CYLAN.

Halos mangiyak ngiyak na noon si cylan sa sobrang pandidiri. Busy kasi ito sa ginagawa kaya hindi niya napansin ang kapit ni theo. Napagalitan ko talaga noon si theo pero itong si cylan kinukunsinti pa ang bata at sinabi na 'wag ko na itong pagalitan.

"Isa theo hindi na ako natutuwa sa mga kalokohan na ginagawa mo lalo na kay ninong cylan mo." Naiinis na sabi ko kay theo.

Nakanguso naman itong lumabas sa ilalim ng lamesa. Meron pa ngang nauntog ito pagkalabas niya. Alam kasi nito na kapag tinawag ko na siyang theo ay seryoso na ako.

"A-aray ko nanay *sobs*" iyak niya sabay yakap sa akin.

"Puro ka kasi kalokohan." Panenermon ko sa kanya.

"I'm sorry." Nakalabing paumanhin ng bulilit.

"H'wag ka sa akin mag-sorry kay ninong cylan mo okay? Alam mo ba na bad ang ginagawa mo sa kanya? Gusto mo ba na magalit si ninong cylan mo at hindi na pumunta dito?" Pananakot ko sa kanya.

Kaagad naman itong umiling iling at parang takot na hindi na bumalik si cylan dito sa bahay.

Hindi kasi dito nakatira si cylan. Sabi niya ay panget daw tignan kung sa iisang bahay lang kami titira.

Hindi na ako umangal at sumangayon nalang dahil tama naman siya.

Nangungupahan kami ngayon ni theo dito sa angono pa din. May trabaho ako bilang manager ng isang kilalang restaurant.

Maya-maya ay bumalik na si cylan at kitang kita ko sa mga mata niya ang relief ng makita na kasama ko si theo.

"Heyy pare saan ka ba nagpunta? Hindi kita mahanap sa kahit saang sulok ng apartment n'yo." Tanong ni cylan kay Duke Ganoon ang tawag ni cylan kay duke 'pre' habang si theo naman ay 'papa tito' 'papa' or 'boss' ang tawag kay cylan.

Hindi ko alam kung saan nila nakuha ang tawagan nilang dalawa.

"I'm sorry papa tito, nagtago po ulit ako sayo *pout* p-please don't l-leave us." Naiiyak na sambit ni duke kaya hindi ko maiwasang hindi maawa sa kanya.

Alam ko kasing naghahanap siya ng father figure at kay cylan niya ito nakikita.

"Ofcourse I'll not leave the two of you." Malambing na sambit ni cylan sabay kuha sa akin si theo.

"Nanay said that if I didn't say sorry to you you'll never comeback here." Sumbong ni theo kaya natatawa nalang ako.

"H'wag kang maniwala kay nanay mo okay? She's just bullying you." Paliwanag ni cylan.

"Nanay you're a bully." Nakangusong sambit sa akin ni theo.

"So mas kakampihan mo pa iyang ninong mo kesa sa sarili mong nanay? Okay sige magsama kayo." Asar na sambit ko sabay walk out.

Alam kong alam ni cylan na nag-iinarte lang ako. Gusto ko kasing magpalambing kay babh theo dahil this fast few days hindi na ako nito masyadong nilalambing.

Dumiretso ako sa kusina at balak ko ng magluto ng tanghalian.

Narinig ko ang mahihinang yabag na alam kong galing kay baby theo iyon.

"Nanay ko are you angry?" Maliit ang boses na tanong nito pero hindi ko siya pinansin.

"Nanay ko sorry po. Please don't be mad at me. Promise I'll be a goodboy." Dahil sa sinabing iyon ni baby Duke hindi ko maiwasang hindi maalala si baby chanak.

Kamusta na kaya siya? Sila? Siguradong masaya na sila dahil nabuo na ulit ang pamilya nila.

Hindi ko ulit maiwasang hindi balikan ang nakaraan at masaktan nanaman. Hindi ko maiwasang hindi maawa kay Duke dahil lumaki ito na naghahanap ng aruga ng isang ama na hindi ko maibigay.

Siguro ay 9 years old na si baby prince ngayon.

Namimiss ko na ang kakulitan nito..

"Nanay why are y-you crying? *sobs* please d-dont cry. *sobs* don't be mad at me huhuhu! D-dont leave me." Naagaw ang atensyon ko ng marinig ko ang iyak ni duke.

"Im not mad at you baby okay? May naalala lang ako kaya umiiyak si nanay." Paliwanag ko sabay yakap kay duke.

"Naalala mo nanaman po ba si papa?" Tanong ni Duke na nakapagpagulat sa akin.

"Bakit mo naman na si papa mo ang iniisip ko?" Tanong ko sa kanya.

"Because i know, everytime you remember him. everynight i always see you crying. You're always crying while holding his picture. And i hate him for making my mama cry." Mahaba at seryosong paliwanag niya.

Hindi ko alam kung bata pa ba itong nagsasali. Kada ginagawa niya ang ganyang reaksyon ay mas lalo niyang nagiging kamukha ang kanyang ama. Para itong carbon copy ni luci sa sobrang kamukha.

"No baby, don't hate your papa." Sambit ko pero hindi ako nito pinansin at lumabas na ng kusina pero bago siya tuluyang makalabas ay narinig ko pa ang sinabi niya.

"I hate him for leaving us, i hate him for making you cry and i hate him because he's not around whenever we need him."

The Billionaire's Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now