CHAPTER 44

22K 747 189
                                    

CHAPTER 44

Nang natapos na kaming kumain ay kaagad na nag-paalam ang dalawa na maglalaro muna.

Kaya naiwan kaming dalawa ni luci dito at hindi ako mapakali dahil sobrang awkward.

"A-ahh! M-mag-uurong n-na ako." Sambit ko sabay tayo.

"Are you idiot or what? Hindi ka ba nakikinig? Ayokong may ginagalaw ka dito sa pamamahay ko dahil nakikitira ka lang at baka kung ano pa ang mabasag mo.

Nasaktan nanaman ako sa aking narinig.

Hindi ko alam pero kahit na ilang beses ako nitong saktan ay mahal ko pa din siya. Na kahit ilang beses niya akong paggtabuyan at sabihan ng masasakit na salita ay mahal na mahal ko pa din siya.

Ganoon soguro talaga ang love, kahit masakit kung mahal mo hindi mo kayang bitawan.

Umaasa pa din ako na magbabalik kami katulad ng dati pero mukhang malabo na iyon.

"Ano pang tinatanga tanga mo jan? Umakyat ka na!" Kunot noong utos nito sa akin.

Nakaupo ito at nagkakape.

"L-luci h-hindi mo ba talaga a-ako mapapatawad? A-ayaw mo ba n-na magsimula u-ulit tayo?" Nahihirapang tanong ko.

"Sa tingin mo, mapapatawad pa kita ng malaman ko na tinago mo sa akin ang anak natin?" Pagalit na tanong nito.

Bakit luci? Nung pinagtabuyan mo ba ako at hindi pinakinggan nagalit ba ako sayo? Tinanggap ko yun kahit masakit dahil mahal kita.

Gusto ko iyong isumbat sa kanya pero wala akong lakas ng loob.

"A-ako nalang ang m-maghuhugas k-kami naman ang k-kumain." Pilit ko pa din dahil ayokong umakyat.

Gusto ko nandito lang ako para makita ko pa din ang gwapo niyang mukha.

"Tanga ka ba o nagtatanga tangahan? Tangina papansin ka? Ang kulit mo alam mo yun?!" Gigil na sabi niya sa akin pero nagpakamanhin na lamang ako.

Sige lang luci sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin sa akin kahit na masakit tatanggapin ko.

Kung iyan ang magiging dahilan upang mabawasan kahit na konti ang galit mo sa akin ay tatanggapin ko.

"L-luci," iyon na lamang ang nasabi ko habang nakatitig sa mukha niya.

"Umalis ka na! Bumalik ka doon sa cylan mo! Pinagpanggap mo pa talaga siya na ama ni duke huh?! At talagang tinuruan mo pang magsinungaling yung bata para lang pagtakpan ang kalandian mo! Umalis ka na at huwag kang babalik! Mag-sama kayo ni cylan at gumawa kayo ng sarili niyong anak! Pathetic Bitch!" Sa mga sinabi niya ay tuluyan na akong bumigay.

Hindi ko na kaya, tao din ako at nasasaktan. Siguro tama na ang umasa, ayoko ng ipagsiksikan ang sarili ko sa taong ayaw na sa akin.

Mukha namang kaya na niyang mabuhay na wala ako at alam ko na hindi niya papabayaan ang anak namin kaya siguro nga okay na.

"H-h'wag *sobs* k-kang mag-alala. K-konti nalang l-luci *sobs* k-konting-konti nalang m-magiging masaya ka na." Mahinang sambit ko habang patuloy pa din sa pag-iyak.

Kita ko ang pagkunot ng noo nito. Alam ko na nagtataka siya sa sinabi ko pero wala na akong paki.

Konti nalang luci magiging masaya ka na. Konti nalang magiging malaya ka na...

"S-sige aakyat na a-ako." At dali-dali na akong umakyat.

Napasubsob ako sa kama at doon tuluyan ko ng binuhos ang sakit na aking nadarama.

The Billionaire's Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now