CHAPTER 25✔

22.6K 523 6
                                    

CHAPTER 25

Nandito kami ngayon sa loob ng sasakyan. At ang masasabi ko lang?

Sobraaaanggg awkward.

Nakatulog na si Prince habang kapit ko habang ang pwesto naman namin ay ganito.

Driver — Ako
Luci — Fiona

Ang awkward dahil sobrang tahimik dito sa loob at wala maski isa ang gustong bumasag ng katahimikan.

"Bakit ka ba nandito?" Nagulat ako ng bigla akong tinanong ni Fiona ng gano'n.

"Ahh, pinasama po ako ni boss Luci." Maikling sambit ko.

"Really? Hindi mo na kailangan sumama dahil nandito na naman ako. P'wede ka ng umalis pagkadating natin sa boutique ni Mae." Mataray pa din na utos nito sa akin.

Naku!! Kung wala lang dito si Luci baka kanina ko pa nasabunutan itong babaeng ito.

"Okay po ma'am." Plastic na ngiti ang ibinigay ko dito.

"No, ako ang nagsama sa kan'ya dito kaya ako lang ang may karapatang paalis siya." Biglang sabi ni Luci at tumingin ng masama kay Fiona.

'Agad naman akong nagbunyi sa kaloob -looban ko dahil dito.

At habang hindi nakatingin si Luci ay ginawa ko itong pagkakataon upang dilaan at asarin si Fiona.

Belaattt!

Kitang kita ko naman sa mukha niya ang pagkaasar kaya natawa ako lalo.

Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa rear view mirror at ganon nalang ang gulat ko ng makita kong nakatingin pala sa akin si Luci.

Nakita ba niya ang ginawa ko kay Fiona? Agad akong namula dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko.

'Agad kong iniwas ang aking tingin at nagpanggap na hindi ko siya nakita at hindi ako napahiya.

Hindi nagtagal ay bumaba na kami sa kotse at nakita ko ang isang simpleng boutique pero maganda.

"Heyy miss secretary, dito ka nalang maghintay tutal wala ka namang gagawin sa loob." Malditang sambit nito at inirapan ako.

Isang-isa nalang talaga naku! Sasabunutan ko na 'yang babaeng 'yan.

"Sinabi ko na kanina, ako lang ang may karapatan na utusan siya. At isa pa Fiona bakit ka ba nandito? Ikaw ang hindi kailangan dito." Cold na sabi ni Luci sabay hatak sa akin.

Buhat ko pa din si Prince hanggang ngayon.

"What? Seriously? Ako ang hindi kailangan dito? Ako ang nanay ni Prince." Naiiritang pagmamalaki nito at binigyan pa ako ng mayabang na ngiti.

"Pero nasaan ka ng mga panahon na kailangan ka nya?" Doon natigilan si Fiona.

Hindi ko alam kung bakit hindi kasama ni Prince ang nanay niya nung bata pa siya pero wala na akong pakelam doon.

"At isa pa kasama si Astrid dito dahil siya ang partner ko sa birthday ni Prince." Dagdag pa ni Luci na nakapagpanganga sa akin pati na din kay Fiona.

Ako? Ka-partner ni Luci? Seryoso? Pero diba dapat si Fiona ang ka-partner niya dahil ito ang nanay ng bata?

"Arrgghh!" Ayun nalang ang narinig ko kay Fiona at bigla nalang itong nag-walk out.

At kasabay naman noon ang paggising ni prince.

"Hmm, mama witch ko nasaan po si mommy?" Pupungas pungas pa na tanong nito sa akin.

"Ah, umalis na kasi ang mama mo Prince may importante daw na gagawin." Pagpapaliwanag ko sa bata na naging sanhi kung bakit ito nalungkot.

"Mas importate po ba sa akin 'yung gagawin niya?" Malungkot na tanong ni Prince kaya nalungkot din ako.

"No baby, kailangan lang talaga ni mommy mo na pumunta doon dahil para sa future mo iyon." Page-explain ko sa kanya.

"Bumaba ka na kay Astrid, Prince. mabigat ka." Biglang singit sa amin ni Luci kaya bumaba na si Prince.

Pagkatapos noon ay pumasok na kami sa boutique nung Mae daw sabi ni Fiona.

'Agad na sinukatan si Prince at ganoon din ako at si Luci.

Hindi ko nga alam dito kay Luci kasi lahat ng napipili kong design ay ayaw niya.

Tapos siya na ang pumili ng damit ko at alam n'yo yung napili niya? Balot na balot na isang turtle neck na long sleeves at below the knee.

Inis na tinignan ko si Luci pero inismiran lang ako ng kupal.

"Baby Prince." Tawag ko kay Prince.

"Bakit po?" Tanong nito habang kumakain ng lolipop.

"Bakit ganon ang daddy mo? Gusto siya lagi ang nasusunod." Naiinis na tanong ko sa kanya.

"Ganoon po talaga si daddy, lahat naman po ng ginagawa niya para sa ikabubuti ko." Simpleng sagot ng bata kaya natigilan ako.

Grabe bata pa ba ito? Bakit parang 30+ na kung magsalita?

"Mama witch ko." Tawag naman nito sa akin.

Si Luci ay nasa kabilang kwarto at sinusukatan.

"Bakit baby chanak ko?" Malambing na tanong ko sa kanya.

"Gusto ko pong magpunta sa park." Request niya sa akin kaya napangiti ako.

"Sure baby, tomorrow magpapaalam muna tayo sa daddy mo okay?" Tanong ko kaya dali dali naman itong tumango.

Hindi nagtagal ay lumabas na si Luci at kinausap ang pinsan nito.

"Yung mga pinili kong susuotin namin ayusin mo ha?" Parang boss na utos ni Luci kaya napasimangot si mae.

"Opo kamahalan." Sarkastikong sagot nito.

Tapos ay lumabas na ang mag-ama, nagpahuli talaga ako dahil may sasabihin ako kay mae.

"Heyy Mae, 'wag mong sundin yung damit na pinili sa akin ni Luci ha? Yung pinili ko ang gawin mo." Nakangiting sabi ko sa kanya kaya napangisi ng nakakaloko si Mae.

"Sure no problem, basta para sayo cousin-in-law." Hindi ko alam pero ayan na ang tawag niya sa akin mula pa kanina.

Hindi ko nalang pinansin kasi wala lang naman sa akin iyun.

Nagpaalam na ako at lalabas na sana ng bigla niya ulit akong tinawag kaya napalingon ako kay Mae.

"Bakit?" Naguguluhang tanong ko.

"Mas gusto kita para sa pinsan ko kesa kay Fiona." Nakangiting sabi nito sa akin kaya napangiti din ako.

"Alam ko yun, bruha kasi ang babaeng iyon habang ako ay d'yosa." Nakangisi din na sagot ko at tuluyan ng lumabas.

The Billionaire's Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now