CHAPTER 29✔

22K 584 70
                                    

CHAPTER 29

Tumigil ang sasakyang sinasakyan namin sa isang napakagarbong lugar.

Sobrang ganda sa paggaganapan ng birthday party ni prince,halatang mayayaman ang aattend ng party.

"Mama witch ko, stay by my side okay?" Sabi sa akin ni Prince habang naka-kapit sa akin.

Si Luci naman ay nasa kabila ko, bale pinaggigitnaan ako ng mag-ama.

"Let's go?" Tanong ni Luci sabay buhat kay Prince at kapit sa bewang ko.

Merong red carpet sa harapan namin.

Nanginginig ang tuhod at nanlalamig ang kamay na lumakad ako.

Grabe parang anytime mahihimatay ako sa sobrang kaba.

"Heyy don't be nervous okay? We're here." Pag-aalo sa akin ni Luci sabay hapit sa akin palapit pa sa kanya.

"I can't help it,they are all staring at us." Mahinang sambit ko.

Dahil halos lahat ay nakatingin sa amin, bigla akong hindi naging komportable dahil doon. Ang mga tingin nila na mapang-husga.

May pandidiri sa tingin at halatang hindi nila ako gusto.

Napatungo ako dahil doon..

"Don't hide your beautiful face, don't mind them they're just insecure with your beauty." Dahil sa sinabi ni Luci ay nagkaroon ako ng lakas ng loob.

"Yes mama, inggit lang sila dahil maganda ang mama ko." May pagmamalaki na sabi ni Prince kaya natawa ako.

"Hayyss, sobrang bola na ako sa inyo. Baka naman maniwala na ako niyan?" Natatawang biro ko sa kanila.

"Totoo naman po sinasabi namin." Sabi ni Prince.

At ayun lang ang ginawa namin hanggang sa makapasok kami sa loob ng hall.

Agad kaming umupo sa VIP table. Isa itong pabilog na lamesa at may limang upuan. Hindi ko alam kung sino ang uupo sa dalawang natira at umupo nalang.

"Uyy Luci." Kalabit ko sa kanya kaya napatingin ang dalawa sa akin.

"Why?" Maikling tanong niya pero halatang nakikinig.

"Ahmm, siguro sa ibang table nalang ako umupo?" Naiilang na sabi ko dahil hanggang ngayon ay may nakatingin pa din sa akin.

"At bakit?" Madiin na tanong ni luci halatang sa maikling salita na lumabas sa bibig ko ay nainis na siya.

"Kasi VIP ang mga nakaupo dito e hindi naman ako VIP, Secretary mo lang ako." Malungkot na sabi ko.

"You're not just my Secretary okay? You're my date, and i love you." Masuyong sabi ni luci kaya hindi ko maiwasang hindi kiligin.

"There you are." Naagaw ang atensyon ko sa isang mahinhing boses at nang lingunin ko ang pinanggalingan nito ay nakita ko si fiona na may kasamang babae na sa tingin ko ay nasa mids 50+ na pero parang bata pa din.

Hindi ko din maiwasang hindi mapuna ang malaking pagkakahawig nito kay luci.

Sino ang babaeng ito? Bagong kaibigan? O bagong problema?

"LOLAAAA!" Biglang sigaw ni prince sabay takbo sa babaeng nagsalita kani-kanina lang.

"Hello apo ko, bakit hindi mo ako pinuntahan sa taas kanina?" Mahinhing tanong nito kay prince.

Hindi ko akalain na lola ito ni prince dahil parang ang bata pa nito para maging lola.

"Sinamahan po kasi namin si mama ko." Paliwanag ni prince.

The Billionaire's Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now