SPECIAL CHAPTER

24.8K 435 46
                                    

A/N: At dahil madami ang nagrequest. Itooo naaaa.

SPECIAL CHAPTER

*3 YEARS LATER*

3 years na simula ng maayos ang lahat, 5 years to be exact.

Ang bunso naming babae ay pinangalanan naming Princess althea Buenavista. 3 years old na siya ngayon, si prince naman ay 14 na at magbibinata na rin. Habang si duke ay 8 years old na.

Masaya ang naging buhay namin sa mga nakalipas na taon, hindi maiiwasan ang tampuhan pero naayos naman agad.

Pero this past few days parang may nagbabago na kay luci, hindi katulad dati na 6:00 PM palang ay nandito na siya sa bahay pero ngayon ay halos madaling araw na ito kung umuwi.

"Prince wala pa ba ang daddy mo?" Halos pang-limang beses ko na ito naitanong kay prince. Nag-aaral ito ngayon para sa exam nila bukas. At 8:00 PM na pero hindi pa ito umuuwi.

"I don't know mama, hindi ko pa po siya nakikitang umuwi." Sagot nito.

"Sige, matulog ka na prince maaga ka pa bukas." Sabi ko sa kanya at agad naman itong tumango at umakyat sa kwarto niya.

Nag-aalala na ako kay luci, mukhang pinapagod nito lagi ang kanyang katawan sa trabaho, nag-aalala na ako na baka magkasakit ito.

Hindi nag-tagal ay narinig ko na ang makita ng sasakyan nito.

Kaagad akong pumunta sa tapat ng pinto upang salubunhin siya.

Pagkabukas pa lang nito ay agad ko siyang sinalubong ng yakap.

"Luci! Na-miss kita! Bakit lagi kang late umuwi? *pout* hindi na tayo nagkakasabay kumain." Malambing kong tanong sa kanya.

Gusto ko itong lambingin kahit na nag-tatampo na ako dito dahil nawawalan na siya ng oras para sa amin.

Hinalikan ko siya pero ganoon nalang ang gulat ko ng itulak niya ako. Dati kada hinahalikan ko siya ay hindi ito tumatanggi. Pero ngayon... Iba na...

Luci ano ba ang nangyayari sayo?

"Astrid I'm tired." Maikling sagot nito at dali-daling umakyat.

Astrid... He called me astrid.. Not baby or honey..

Sinundan ko siya sa aming kwarto at saktong pagpasok ko ay naghahanda na siya sa pagligo.

"Luci, may problema ba? May problema ba tayo?" Tanong ko dahil kahit na wala siyang sabihin alam kong meron.

"Nothing, I'm just tired okay? Bakit ba ang kulit mo?" Inis nitong tanong at hindi na ako tinignan.

Napatulala ako sa hindi inaasahang mga pangyayari.

Parang hindi na ito ang luci na nakilala ko, hindi na ito malambing at parang unti-unti na itong nagiging cold sa akin.

Hindi ko alam pero biglang nangilid ang aking mga luha.

Lumabas nalang ako at sa tingin ko ay sa kwarto muna ako nila thea at theo.

Magkasama ang mga ito sa kwarto at sa tingin ko doon nalang muna ako matutulog tapos bukas ay aalamin ko kung anong problema sa amin ni luci.

Nang makapasok ako sa kwarto ng anak namin ay hinalikan ko muna sila sa kanilang noo bago tuluyang humiga at matulog.

Bago ako tuluyang makatulog ay unti-unting pumatak ang mga luha sa aking mata.

***
"Mommy wake uppp!" Nagising ako dahil sa  matinis na boses ng aming prinsesa.

"Baby althea goodmorning!" Masayang bati ko sabay pinupog ito ng halik sa mukha.

The Billionaire's Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now