Prologue

160 5 3
                                    

Prologue

" Hoy Issa, game ka ba? " Hindi ko pinansin ang tanong ni Farrah, sa halip ay inayos ko lang ang salamin ko at nagpatuloy sa pagta-type ng report ko na kailangan kong ipasa sa boss ko bukas.


" Hoy! "


" Anak ng-! " inis kong sigaw at sinamaan ng tingin si Farrah na ngayon ay tumatawa.


" Hayop ka Farrah! Hindi ko na-save 'yon! "


" Kinakausap ka kasi para kang tanga. Ano nga, game ka ba? " tanong nito saakin, napataray na lang ako habang sinasaksak ulit ang computer na pinatay ni Farrah.



" Ayoko. "


" Kj mo talaga! "



" May pasok ako sa thursday. Kailangan ko ng pera tsaka hindi ko kayo namimiss. " Sagot ko dito.



" Grabe ka talaga. Hoy, ilang get together na ng barkada ang hindi ka nakapunta. Tsaka espesyal daw ngayon kasi may magbabalik. " Natatawang wika nito, tinaasan ko naman siya ng kilay.



" Utot mo, sinong magbabalik si Jax yung ex mo? Move on din Farrah, kasal na yung tao. "


" Gago ka, nakamove on na ako.  " Inis niyang wika saakin, nginisian ko lang siya.

" Sakit ng sampal ng katotohanan no? " Natatawa kong wika dito.

" Ewan ko sa'yo basta sa ayaw at sa gusto mo susunduin kita sa trabaho! " Sigaw niya saakin bago lumabas ng apartment namin. Napailing na lang ako sa pagiging isip bata nito.




Farrah and I decide to live in a same apartment. Malapit rin kasi ito sa pinagtatrabahuhan namin.


Mabilis na lumipas ang araw, ni-hindi ko napansin na thursday na kung hindi lang ako kinaladkad ni Farrah papuntang salon para magpaayos daw kami.



" Yes sir, pasensya na po talaga. Opo sir, I'll send my report na lang po later. I'm sorry po talaga. "



" Hoy, sino ba 'yang kausap mo? Yung panot mong boss ba? " Tanong nito saakin, pinalakihan ko naman siya ng mata.


" Sige po, bye sir. " Paalam ko dito at pinatay ang tawag bago hinila ang buhok ni Farrah.

" Gaga ka talaga. "


" Hoy! Ang mahal ng paayos ng buhok ko, bwiset ka! " Reklamo niya.


" Tara na nga. Bwiset kasi bakit pa kailangan umattend parang walang gc. " Mahina kong bulong.


" Wag ka na nga magreklamo. "


Sinundo kami ni Kyler papunta sa bahay nila dahil doon gaganapin ang get together ng barkada.


" Buti nahila mo ang bruhildang 'to. " Sambit ni Kyler, tinarayan ko naman siya habang tinatanggal ko ang seatbelt ko at lumabas ng kotse ni Kyler, sumunod naman yung dalawa.



" Jusko, kung alam mo lang ilang santo ang dinasalan ko. " Natatawang sagot ni Farrah.



" Joker ka na pala ngayon, Farrah. " natigilan ako ng makarinig ako ng pamilyar na boses. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Ayokong lumingon, ayokong gumalaw.



Pamilyar ang boses na 'yon, sigurado ako kung kanino galing 'yon. Boses niya lang naman ang nakakapagpatigil saakin, boses niya lang naman yung nakakapagpatibok ng puso ko ng ganito kabilis.



Ex Series #1 : Shattered Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now