Chapter 11

20 1 0
                                    



" Klarissa Cravia Agilez! "


Napatalon ako sa gulat ng sumigaw s Farrah mula sa tabi ko. Hindi ko alam na nililipad na naman pala ang utak ko. Napapakamot akong napabuntong-hininga bago ito hinarap.


" Ano ulit 'yon? " Tanong ko dito at kunwaring nilinis ang tenga ko dahil siguradong papaulanin na naman ako ng mga tanong nito dahil sa kinikilos ko and I'm not in the mood to answer questions that even me, myself didn't know the answer.




" Sino ka 'ko ang magrereport? " Tanong niya saakin, tinuro ko naman siya at nagpatuloy na sa paglalakad.




" Luh ako na naman?! Ako na kaya nung nakaraan. " Reklamo nito saakin, I rolled my eyes because of what she said. Tumigil ako sa paglalakad at nakapamewang na hinarap ito.





" Hindi ka naman kasi umattend nung ginawa namin 'to. Lumandi ka remember? " Nakataas kilay kong sagot dito, nginitian naman ako nito at bago napapakamot na tumango. Napailing na lang ako bago nagpatuloy ulit sa paglalakad.





" Bakit lutang ka na naman? " Tanong naman ni Kyler saakin. Napapataray ko itong nilingon at pabalang na sinagot.







" Wala, naisip ko lang hindi pala kayo bagay ni Logan. "



Nakatanggap ako ng matalim na tingin mula kay Kyler kaya hindi ko maiwasang matawa. Palaging asar talo 'tong mga 'to saakin. Kay Farrah lang ata ako hindi nananalo. Sabagay mahirap talaga kalaban ang kapwa mo demonyo.




" Aray! " Napadaing ako sa sakit ng makatanggap ako ng malakas na tumama sa ulo ko.




" Pucha! " sigaw ni Farrah.





Nanatili akong nakapikit dahil pakiramdam ko nahilo ako dahil do'n. Mas mariin kong naipikit ang mga mata ko ng mangibabaw ang mahinang tawa ni Tiffany kasama ang mga kaibigan niya. Huminga ako ng malalim at hindi ko maiwasang maitago ang inis na bumalot saakin. I try to calm myself before facing them. I tried to calm myself down before facing them. I gave them a glare but I only got a raised eyebrows in return.


" Opx, sorry, sadya e. " wika nito nang makalapit siya saamin.




" Ano bang problema mo saamin ha!? Bakit ba ang init ng ulo mo sa mga tropa ko! "



Hinawakan ko si Kyler para pigilan itong sugurin si Tiffany. Naiinis niya naman akong nilingon, umiling lang ako dito. 4th year na kami, panget kung magkakarecord pa kami sa guidance.



" Gusto mong malaman? I hate everything. Lalo na 'tong cheap niyong nerd na kaibigan. " Mariing wika nito at binigyan ako ng masamang tingin.




Umayos ako ng pagkakatayo at hinarap ito. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko bago ito nginisian.


" Do you know that when you hate someone it means you are envy of them. I wonder, ano bang kinaiingitan mo saakin? " Wika ko dito dahilan para tumawa ito ng malakas na parang hindi makapaniwala sa narinig niya saakin.




" Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Ako? Maiinggit sa cheap na katulad mo? No fucking way. "




Nginitian ko naman ito dahil sa sinagot niya. " Ikaw na rin ang nagsabi na cheap ako, kaya walang mapapala ang galit mo saakin. Sinasayang mo lang ang oras mo. "



Lumapit ito saakin at tinulak-tulak ako braso ko gamit ang daliri niya. Hinawakan naman ako nila Kyler at tinapik ang kamay nito palayo saakin.




Ex Series #1 : Shattered Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now