Chapter 6

16 2 0
                                    




" Bilisan niyo! "


Napataray ako sa inis dahil sa boses ni Tiffany na sige ang utos sa mga propsmen na magmadali dahil anong oras na lang ay magsisimula na ang play. Sa quadrangle naman ay nakalagay na ang mga booths. Mamayang alasdyis ay bubuksan ang gate para sa mga estudyante mula sa ibang school.



" Bwiset 'yang si Tiffany ang daming demand. Siya nga pala, hinahanap ka nga pala ni Marcus kanina. " sambit saakin ni Farrah.



" Pake ko. " Maikling sagot ko dito kaya naman nanlaki ang mga mata nila ni Kyler.




" Ikaw ba talaga 'yan, Issa? " Natatawang wika ni Kyler saakin, matalim na tingin lang ang iginawad ko dito.


Nagsimula ng magdatingan ang mga manonood. Habang kaming nasa backstage ay abala sa pag-aasikaso ng mga susunod na props na kailangan. Maya-maya lang ay nagsimula na ang play. Maayos ang lahat kaya lang nagkaproblema sa puno na props.



" Nawawala yung props na puno! "



" Hindi ba ikaw ang nag-ayos non? " Natatarantang wika nung leader namin. " Ano ng gagawin natin?! "



" I have an idea! May green and brown paint pa kayo? And mga creep papers? Why don't you use that? " Suhestiyon ni Tiffany, napataray na lang ako dahil alam kong siya ang nasa likod nito.




Palibhasa nung last three days ay ako at napagbotohan na maging puno sa play kasama nung isang section B.



" We have no choice but to use her idea. Gawin niyo na dahil sunod na sila! " sigaw nung leader namin, kung nakakamatay lang ang tingin ay malamang bumulagta na si Tiffany sa harap ko.




" Issa, ang malas mo. "




Tinapunan ko naman ng masamang tingin si Farrah na ngayon at nilalagyan ako ng paint. Siniko ko ito sa inis kaya yung kulay green na paint ay napunta sa damit niya. Napamura naman siya pero hindi ko ito pinansin.




" Ay gago! "




" Wag mo ko kasi ako binubwisit. " Pagbabanta ko dito.



Lumipas ang ilan pang minuto and we successfully finish the play. Naramdaman ko naman ang pagdating nila Calix, Logan at Lyra. Nang makita ako ni Calix ay nilabas niya agad ang cellphone niya at pinicturan ako.





" Gago ka, Calix! Tuwang-tuwa ka pa! " sigaw ko dito at hinablot yung cellphone nito pero agad niya 'yong naitago.




" Kahit wala naman 'yang paint na 'yan, mukha ka naman talagang puno. " natatawang aniya nito kaya nakatanggap naman siya ng sipa mula saakin.



" Wala kang kwenta! "





Binelatan lang ako nito kaya wala akong nagawa kundi murahin ito sa isip ko. Kung hindi lang talaga akong naiirita kumilos ngayon malamang ay hinabol ko na siya at sinapak.





" O sige na, magpalit ka na ng damit mo! Horror booth tayo! " Pagyaya ni Logan saamin, tumango naman ako at kinuha ang inabot nitong damit.





" Himala hindi mo tinanong asan si Marcus. "



Hindi ko maiwasang lingunin si Lyra dahil sa sinabi niyang 'yon. Tiningnan naman ako ng nakakaloko ng mga ito kaya sinuklian ko lang sila ng matalim na tingin.





" Nasasanay na ako na wala siya. " maikling sagot ko dahilan para magkatinginan sila pero hindi ko ma ito pinansin pa, agad kong niyaya sila Farrah na samahan ako sa cr.





" Anong nangyari? " rinig kong tanong ni Kyler saakin, hinugasan ko na ang sarili ko mula sa lababo.



" Saan? "




" I mean, ewan ko kung praning lang ako ah, pero iniiwasan mo ba si Marcus? " tanong nito saakin kaya naman hindi ko maiwasang matawa. Hinilamusan ko muna ang mukha ko bago ito sinagot.




" You're just thinking too much. "





" Hoi wala kang maloloko dito. Napansin ko rin 'yon. Nung nakaraan ka pa hinahanap ni Marcus! Nung nakaraan bigla kang nagkasakit at gustong umuwi nung nalaman mong makiki-share sila ng time saatin. Nung nakaraan araw pa tayo dumadaan sa kabilang hagdan ng building para lang wag natin madaanan yung room nila. Tapos hindi ka rin sumasabay sa pagkain sa canteen. Imposibleng walang nangyari. " mahabang pahayag ni Farrah, wala akong nagawa kundi mapabuntong-hininga.



Wala talaga akong matatago sa bruhilidang 'to.



Napabuntong-hininga ako. " Nalilito kasi ako sa kaniya. Lately he's been weird, hindi naman ako manhid e, pero sobrang gulo niya lang kasi ngayon. "


" So sumasang-ayon ka na nga saakin na nafi-feel mo na may feelings siya sayo? " Tanong ni Farrah.




" Ewan ko Farrah, ang gulo. Nung nakaraan kami na lang naiwan dito and he asked me kung gusto ko bang maging sila ni Tiffany. Why all of sudden he will ask that? "




Nagkatinginan naman yung tatlo at sabay-sabay na napakamot sa ulo.


" Anong sagot mo? " Tanong ni Lyra.






" Does my answer matters? " Pilit ngiting sagot ko dito at nagpatuloy sa paglilinis sa katawan.



" Pagkatapos non he insist na ihatid ako pero nakita namin si Tiffany sa labas, sabi ko ihatid niya na si Tiffany at uuwi na ako pero sabi niya kung makakapaghintay ba ako? "




" I ask myself, hanggang kailan ba ako maghihintay? Pero wala e, marupok ako. " natatawang dagdag ko.



" Bakit ka ba kasi marupok? " Naiiling na sambit ni Kyler, tinarayan ko lang ito.




" So ayon, hinintay ko siya pero ang gago hindi ako binalikan. Umuwi akong mag-isa. "




" Gago 'yon ah, gusto mo banatan ko!? " sigaw ni Farrah kaya umiling na lang ako.



" I understand him, he already have his priority in life at hindi ako 'yon. "




" Saklap naman ng lovelife mo. Ayaw mo ba talagang matutong lumandi? " tanong ni Farrah kaya nakatanggap siya ng kurot sa tagiliran saakin.




" Para saakin Issa, mas better kung kausapin mo si Marcus, linawin mo kung anong meron kayo bago pa maging komplikado lahat, kasi mahirap 'yan. " sambit ni Lyra.



" Yung akala mo mahal ka pero hindi pala. Yung naghihintay ka lang pala talaga sa wala. " Nanatili ang katahimikan saaming apat dahil sa sinabi nito.


Ex Series #1 : Shattered Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon