Chapter 5

20 3 0
                                    







" Let's go somewhere else, Zenaisa. Come with me. "


Tahimik ko lang ginugupit ang nga kartolinang hawak ko habang yung director nung play ay sigaw ng sigaw dahil nga hindi makuha nung umaarte yung emosyon na gusto niya. Naramdaman ko ang paglapit saakin ni Kyler at Farrah.






" Ang panget naman kasi umarte. " reklamo ni Farrah, kaya sinamaan ko siya ng tingin.



" Kayong tatlo d'yan! Bilisan niyo ang paggupit! " sigaw saamin nung leader nung props.





" Kanina pa nga tayo nagugupit! Pantayin ko 'yang bangs niya. " inis na bulong ni Farrah.





" Ginusto mo 'to diba? Ngayon,  lumayo kayo saakin dahil wala tayong matatapos! " mahinang sigaw ko sa mga ito.





" Usog ka na lang Issa dito, parang alangin paglagay nila nung ilaw sa taas. " bulong ni Kyler saakin kaya nilingon ko naman 'yon.






" Hindi naman siguro, nakita ko namang okay pagkalagay nila d'yan. Sige na tsupi! " sambit ko sa mga ito, kibit-balikat lang ang sinagot nila bago lumayo saakin. Nagpatuloy ako sa paggupit habang hinahum ang paborito kong kanta.






" Miss! Yung ilaw! " sigaw nito, kaya naman nagulat ako. Diretso nakatingin ang mga mata saakin nila Kyler, kaya napalingon ako sa taas. Bigla na lang bumigay yung ilaw, sa sobrang takot ay hindi ako nakagalaw. Napapikit na lang ako.






" Jax! " rinig kong sigaw ni Farrah, kaya naman napamulat ako. Bumungad saakin si Jax habang yakap ako. Napalingon ako sa ilaw na bumagsak. Mabuti ay sa ibang direksyon 'yon bumagsak at walang natamaan.




" Jax, nagdudugo yung braso mo! " nag-aalang wika ni Farrah, doon ko lang napansin na tumama sa kaniya ang mga basag na salamin nung ilaw.




" Hala, okay ka lang? " tanong ko rito.





" Okay lang ako, ikaw okay ka lang ba?  "





Napalingon ako kay Farrah na nag-aalala pa rin sa kondisyon ni Jax. Bumitaw na ako kay Jax at hinarap ko si Farrah.





" Farrah, dalhin mo siya sa clinic. " sambit ko dito.






" Bakit ako? Ikaw ang niligtas niya ah, gago ka ba? "






" Osige ako na magdadala. " sarkastiko kong sagot dito. Tinutulugan na nga sa lovelife niya, ang arte pa.






" Joke lang, Jax halika samahan kita sa clinic. Maya na lang, Kyler at Issa. " paalam nito, tumango naman kami.





Napalingon ako sa mga kararating lang. Si Logan, Calix at Marcus na hingal na hingal.





" Hon, are you okay? " tanong ni Logan kay Kyler, nilingon ko Marcus, nag-aalala ang mga tingin nito saakin pero biglang sumulpot si Tiffany.





" Omg Marcus, I'm glad you're here. I was so scared. " sambit nit Tiffany at niyakap si Marcus, napataray na lang ako.





" Bakit ba ako nagmamadaling tumakbo dito? Wala nga pala akong jowa. " reklamo ni Calix, kaya naman natawa ako.





" Ako tanungin mo, dahil ako naman talaga muntik na mapahamak. Kaartehan lang ng mga 'yan. " sagot ko dito.





" Ikaw naman kasing bruhilida ka, binantaan na kita, hindi ka pa nakinig. " naiiling na sambit ni Kyler saakin.






" Sorry ha, malay ko ba na may kapangyarihan kang makita ang future. " sagot ko dito.





Nagsi-uwian na ang lahat, kokonti na lang naiwan sa paggawa ng props. Umuwi na rin si Farrah dahil tinawagan siya ng tita niya. Si Kyler naman ay nagpaalam na rin dahil may dinner ang family niya. Tahimik ko lang pinupulot ang mga kalat na nagawa ko nang maramdaman kong may lumapit saakin.






" Klarissa. " pagtawag nito saakin.




" Marcus, may kailangan ka? " tanong ko dito.



Kinuha nito ang mga hawak kong papel. " Tulungan na kita. "


" Ah Salamat. "




" Issa, can I ask you a question. "





" Hilig mo naman magtanong. " natatawa kong biro. " Pero sige, ano ba 'yon? "





" Hindi ka ba galit saakin kasi hindi na ako nakakasama sa tropa? " tanong nito kaya naman napalingon ako sa kaniya. Umupo ako sa gitna ng stage at tumabi naman ito saakin.






" Syempre nagtatampo, kahit naman siguro sila Farrah. " sagot ko dito at tinitigan ang mga paa ko.





" Pero I understand na you have already priorities in life. Kaya kahit nakakatampo, okay lang kasi I understand you. " nakangiti kong dagdag dito at nilingon ito.







Nanatili ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nakatitig lang siya saakin, hindi ko alam pero hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya. Para akong hinihigop ng mga mata niya.






" Klarissa, wala ka bang nagugustuhan? " tanong nito saakin habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Napaiwas naman ako ng tingin dahil don.




" Tapusin na natin 'to, paggabi na rin, baka nagugutom na si tita at wala pang pagkain sa bahay. " pag-iiba ko ng usapan.




" Hatid na kita. " pagyaya nito saakin.



" It's okay, Marcus. Si Tiffany na lang ang ihatid mo. " sagot dito at tumayo pero pinigilan naman nito ang kamay ko.


" Please? "



Napabuntong-hininga na lang ako at walang nagawa kundi tumango. Mabilis naming tinapos ang paglilinis at sinara ang theater room. Tahimik kaming naglakad palabas ng school. Napalingon ako sa waiting shed ng mapansin ko ang pamilyar na tao mula roon.





" Si Tiffany 'yon diba? " sambit ko at tinuro ang waiting shed. Tahimik kaming lumapit doon.

" Tiffany anong ginagawa mo dito? Akala ko umuwi ka na? " Tanong nito, masamang tingin naman ang ginawad nito saakin bago nilingon si Marcus.







" I just don't feel like going home. " Maikling sagot nito.




" Ihatid mo na siya, umuwi na kayo. " Sambit ko kay Marcus.





" Paano ka? "







" Kaya ko ang sarili ko Marcus, sige na bukas na lang. " sagot ko at maglalakad na sana pero pinigilan ako nito.





" Can you wait? " tanong nito saakin.

Hanggang kailan ba ako maghihintay?





Nadala na naman ako ng mga tingin niya. Kailan ba ako mananalo sa kaniya?




" Sige. " Maikli kong sagot at umupo sa waiting shed.




" Mabilis lang ako. " Sambit nito at hinawakan na si Tiffany at naglakad sila palayo saakin.




" Miss, bakit hindi ka pa nauwi? "






Nagising ako mula sa mahinang yugyog ni manong guard. Napatingin ako sa orasan, halos manlaki ang mata ko ng makita ko mula roon na alas onse na ng gabi. Nilingon ko ang paligid, umaasang makikita ko si Marcus pero hindi. Napariin ang hawak ko sa bag at hindi ko maiwasang matawa ng may tumulong luha sa mata ko.




Bakit ba ako naghintay?


Ex Series #1 : Shattered Heart (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя