Chapter 4

19 2 0
                                    








" Ayon, tinanong niya saakin 'yon. " pagtatapos ko ng kwento kila Kyler.


" Baka may sakit sa puso? " wika naman ni Lyra dahilan para makatanggap siya ng malakas na kotong kay Farrah.



" Gaga, ibigsabihin non gusto n'ya si Klarissa! Pusta ko pa lovelife ko! "





" Lakas pumusta, palibhasa wala ka non. " sagot naman ni Kyler kaya nakatanggap siya ng sabunot mula kay Farrah.




" Di mo sure. Balik na nga lang tayo sa'yo Issa, anong sinagot mo? "




Napakamot ako sa ulo ko dahil sa tinanong ni Farrah. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanila ang isinagot ko, ayoko naman makatanggap ng kotong sa mga ito.




" Hoy, ano nga. "




" Ano-kailangan n'yo pa ba talagang malaman? " tanong ko sa mga ito, sabay-sabay naman silang tumango.




" Ang  sabi ko magpacheck-up siya. " sagot ko sa mga ito, tumabi naman ang mga ito saakin at mahina akong tinapik sa balikat.




" Ngayon alam ko na kung bakit wala kang lovelife. " wika ni Kyler.




" Nung nagpaulan ng kalandian masyado kang naitago sa bahay. " sambit ni Farrah habang pinupunasan ang pekeng luha niya.



" Kaawa-awang nilalang. May puso na namang nawasak dahil kawalan ng experience sa landian. " dagdag ni Lyra.


Tinulak ko naman sila palayo saakin. " Puro kayo kalokohan. Tsaka imposible 'yang sinasabi mo Farrah, kita mo si Tiffany? Wala akong laban don. "

" Wag mong minamaliit ang sarili mo! Totoo 'tong hinaharap mo! " sigaw niya saakin at hinawakan ang dede ko.

" Ponyeta ka! "


" Uy una na ako. " paalam ni Lyra saamin at tumayo, nagkatinginan kaming tatlo.


" Saan pupunta 'yon? " tanong ko habang tinatanaw si Lyra na nagmamadalig tumakbo.



" Baka kay Krist. Balik na nga tayo sa'yo, so anong reaksyon niya? "



" Tinawanan ako tapos ginulo buhok ko. Pagkatapos non sinamahan n'ya akong daanan yung pinaihaw ni tita tapos hinatid niya ako sa bahay. " mahaba kong paliwanag.




" See? Hindi 'yan gawain ng kaibigan lang! Sa tagal-tagal ko ng lumandi! Hindi gawain ng kaibigan na samahan ka tapos ihatid ka pa, nako kung si Logan o Calix 'yan baka hindi ka na hinintay. " sagot ni Farrah.




" Tsaka si Marcus, sinamahan ka sa ihawan e ayaw nga non sa mausok. Nako, pusta ko bangs ni Kyler, gusto ka ni Marcus. "


Ex Series #1 : Shattered Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now