Chapter 23

22 0 0
                                    






Hinawi ko ang buhok kong humaharang mula sa mata ko dahil sa hangin. Nagmamadali akong naglakad sa gate ng university namin dahil tumawag saakin si Logan na baka daw nasa gate ng university ko si Marcus dahil tumawag daw ito kanina na ipasabi saakin. Nagtataka lang ako bakit hindi sariling cellphone nito ang ginamit niya. Kahit walang kasiguraduhan na nasa gate nga siya ay pumunta pa rin ako.






Natanaw ko na ito mula sa malayo pa lang. Nakapamulsa sa jogging pants niyang suot, mukhang maagang natapos ang klase niya saakin, kaya malamang ay kanina pa siya nandito. Base na rin sa paulit-ulit niyang pagpunas ng kaniyang noo. Agad akong yumakap dito, natawa naman siya.






" Bakit naman si Logan pa ang pinatawag mo saakin? Nasaan ang cellphone mo? " Tanong ko rito.




" Lowbat baby. " Nakangiting sagot nito, I felt something is off in his smile but I don't have enough courage to ask him.






" Uhm, maagang natapos klase mo? " Pag-iiba ko ng usapan, tumango naman ito at kinuha ang bag ko saakin.




" Oo, half-day lang. " Sagot nito.






" Napapadalas half-day niyo ha. " Wika ko at nagsimula na kaming maglakad.





" Saan mo gustong pumunta? Mahaba pa oras natin. " Pag-iiba nito ng usapan, kaya nginitian ko na lang ito.






Alam kong ayaw niyang pag-usapan kung ano man ang problema niya kaya mas pinili ko na lang sagutin ang tanong niya.





" Theme Park? " Nakangiti kong suggestion dito, tumango naman ito at ginulo ang buhok. Magkahawak kamay kaming pumunta sa lugar na tinukoy ko.



Gusto ko siyang makalimot kahit papaano. Gusto ko siyang makalaya sa mga nasa isip niya, sa paraan na ito ko lang siya matutulungan.







" Saan mo gusto sumakay? " Tanong ko rito.








" Diba dapat ako nagtatanong n'yan? " Natatawa niyang tugon, tinarayan ko naman siya.




" Bakit naman? "






" Ah kasi lalaki ako? " Nag-aalinlangan nitong sagot, humarap naman ako sa kaniya, tinitigan ko siyang maigi pagkatapos ay marahan ko inangat ang aking kamay papalapit sa mukha niya hanggang makaabot ito sa noo niya, nanatili lang siyang nakatitig saakin, doon ko na kinuha ang tyansa na hampasin ang noo nito.








" Aray bakit ka nanakit?! " Sigaw nito, kaya pinanlakihan ko siya ng mata at sinenyasan na hinaan ang boses.








" Ang arte mo, mahina lang 'yon. Look Marcus, ayoko ng ganyan ha, like ila-label mo kung ano lang yung dapat kong gawin kasi babae ako at lalaki ka. " Sambit ko dito, tumango naman siya. " Gusto kapag naging tayo, hati-hati. Kasi relasyon yung papasukin natin, hindi pwedeng ikaw lang nang ikaw, dapat pareho tayo. Kasi ang relasyon, binubuo yan ng dalawang tao, ngayon kung gusto mong ikaw lang nang ikaw ang magbibigay at magdedesisyon, mas mabuti siguro sarili mo ang gawin mong girlfriend. " Dagdag ko rito.











" Opo, opo! Ang seryoso naman ng future girfriend ko. " Sambit nito at hinila ako palapit sa kaniya bago niya ako ikinulong sa mga bisig niya at binigyan ng mahigpit na mga yakap.






" Tara na kasi, ang arte-arte mo. " Reklamo ko dito.






" Sure ka bang ako pipili? " Nakangisi nitong tanong, tinaasan ko naman siya ng kilay.






Ex Series #1 : Shattered Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now