Chapter 13

16 2 0
                                    





" So nililigawan ka na niya? "

Napataray na lang ako sa tanong ni Farrah at hindi ito pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paghahanap ng libro na kailangan ko para magawa ang project na kailangan ko. Nandito kami ngayon sa national bookstore at naghahanap ng libro. Syempre hindi para bumili, hinihintay pa namin si Lyra at Kyler dahil sila ang magbabayad.


" Ano nga, hoi? " Kalabit nito saakin, wala akong nagawa kundi ihampas sa ulo nito ang libro.




" Aray gago! " Sigaw nito kaya tinakpan ko agad ang bibig nito.




" Sabi na nandito kayo e, si Farrah lang naman ang walanghiyang magmumura sa public. " Napalingon kami kay Lyra ng sumulpot ito bigla kung saan.





" Wow, hindi naman ako na-inform na may nagsasalita pa lang christmas tree dito." Sarkatikong wika ni Farrah dahilan para makatanggap siya ng matalim na tingin mula dito. Napatawa na lang ako, paano ba naman mukha kasi talaga siyang christmas tree, nakakulay green siya top at white na palda. Ang shoulder bag naman niya kulay red.

Perfect combination.





" Bwiset kayong magkaibigan. " Wika nito saamin, kibit-balikat lang ang sinagot ko dito at nagpatuloy na sa paghahanap.



" Asan si Kyler? " tanong ko kay Lyra.





" Malay ko. Ang gaga ayaw sumagot sa tawag. " Sagot nito saakin.





" I'm here bitches! " Muntik ko ng maihampas kay Kyler ang librong hawak ko ng sumulpot ito sa harap ko.




" Oh bakit naman napaaga ang pasko sayo Lyra? " Natatawang wika ni Kyler ng mapansin si Lyra.


" Nakakatawa 'yon? " Nakataas kilay nitong tanong.




" Bakit ba naman kasi pula ang shoulder bag mo. " Wika ko dito, tinarayan niya naman ako.




" Hep. So ano nga kwento? " Pinanliitan ako ng mata ni Kyler, nginitian ko lang naman siya bago tinalikuran pero na-blackmail agad ako nito.



" Sige, hindi ko babayaran 'yang libro mo. " p
Pagbabanta niya saakin, wala naman akong nagawa kundi mapabuntong-hininga. Patuloy akong naghanap habang kinukwento ang nangyari sa kanila.



" Anong meaning no'n? Like status? " Tanong ni Lyra saakin, kibit-balikat lang ang sinagot ko.


" Ano 'yon, he likes you tapos walang pasabi kung liligawan ko or what. Speaking of liligawan, ano naman explanation niya about kay Tiffany? " Nakakrus ang brasong tanong ni Farrah saakin kaya hinarap ko ito.



" Ewan ko. After kasi nung tanong ko kung paano si Tiffany, wala siyang sinagot, iniba niya yung topic at hinatid niya na lang ako sa bahay. Simula kaninang umaga hindi naman ako naka-receive ng text sa kaniya. Kaya ewan! Baka lasing lang ako. "





Nakatanggap naman ako ng batok kay Kyler kaya sinamaan ko ito ng tingin. Tinaasan niya lang ako ng kilay.




" Gaga, paano ka malalasing isang baso lang ininom mo ata. " Pagpapaalala nito saakin.




Ngumisi naman ako bago ito sinagot.
" I got drunk by his words. "




Nandidiri naman nila akong tiningnan. " Eww, I can't believe I'm hearing that kind of stupid words coming from you. " wika ni Farrah at umarteng nasusuka.



" Teka si Marcus 'yon diba? "




Napalingon ako sa gawing tinuro ni Lyra saakin at doon ko nakita si Marcus. Nasa hindi kalayuan saamin, hindi ko naman maiwasang mapangiti ng maalala ko ang mga sinabi niya saakin kagabi.







" Anong ginagawa niya dito? " nagtatakang tanong ni Farrah. " Wala ba kayong assignment or project Lyra na need pumunta dito? " Dagdag na tanong ni Farrah, umiling lang naman si Lyra bilang sagot dito.




" Malay niyo may gustong bilhin na book, tara lapitan natin. " Nakangiti kong pagyaya sa mga ito at nilingon sila. Hahakbang na sana ako ng pigilan ako ng kamay ni Kyler. Kunot-noo kong pinagmasdan si Kyler na sinesenyasan akong wag na. Kaya muli kong nilingon ang lugar kung nasaan si Marcus at hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kirot ng makita ko kung sino ang kasama nito.



" Lasing ka nga ata kagabi. Delusional ka na." Wika ni Farrah saakin.



Hindi, alam ko. Sigurado akong malinaw ang mga salitang sinabi niya saakin pero anong ibig-sabihin ng lahat ng 'to? Naguguluhan ako.




" Issa! " sigaw nila Kyler sa pangalan ko pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ko alam pero gusto kong umiyak. Palabas na sana ako ng pinto ng bookstore ng pinigilan ako ng guard.



" Ano ba kuya, gusto kong lumabas! " Inis kong wika dito.




" Ma'am, pakibalik muna po yung libro hawak niyo. " Sagot nito saakin, doon ko lang napagtanto na may hawak pa pala akong libro. Napapahiya kong inabot dito ang librong hawak ko.

" Pasensya na po. "





Tinanguan lang ako nito, hindi ko maiwasang mapamura sa isip ko. Narinig ko naman ang pagtawa nila Kyler sa likod, kaya hindi ko maiwasang mapataray.




" Wala kayong kwenta, bakit hindi niyo sinabi saakin? " Inis kong tanong sa mga ito.



" Tanga, tinawag ka namin kaya lang busy ka pa sa pa-walk out mo. " Sagot ni Farrah saakin. Matalim na tingin lang ang isinukli ko dito pero nagpatuloy lang sila sa pagtawa. Naglakad na ako para iwan sila dahil naiirita na talaga ako.




" Hoy, Issa wait! Batrip ka naman masyado! " Sigaw ni Kyler saakin, wala akong nagawa kundi tumigil at hintayin ang mga ito na makalapit saakin.





" Ang bagal-bagal niyo. " Inis kong wika at nilingon sila pero natigilan ako kung sino ang bumungad sa harap ko. Tinitigan ko lang siya at hindi ako nagpakita ng kahit anong interes sa kaniya. Nilingon ko sa paligid ko sila Farrah at nakita ko sila mula sa malayo na binibigyan ako thumbs up, wala akong nagawa kundi mapamura sa isip ko.




" Anong kailangan mo? " Simpleng tanong ko dito.



" You. "




" 'Yan ka naman. " Inis kong sambit dito, tumawa naman siya.



" Ang cute mo. "


" Alam ko. " Maikli kong sagot dito.





" Can we talk? " Pinagkrus ko ang braso ko sa tapat ng dibdib ko at tinarayan siya.





" Nag-uusap na tayo, Marcus. " Sagot ko dito kaya napakamot na lang siya sa ulo niya.




" Yung tayo lang sana. "





" Tayo lang naman nag-uusap ah? Naririnig mo bang may sumasali? " Pilosopong sagot ko dito, nagulat ako ng hawakan nito ang kamay ko at hilahin ako.



" Teka! Saan mo ako dadalhin?! " Sigaw ko dito habang pilit na kumakawala sa pagkakakapit nito saakin. Hinihingal kaming tumigil sa isang kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto, wala akong nagawa kundi pumasok doon. Sa likod kaming dalawa pumwesto, may binulong siya sa driver nila pero hindi ko 'yon pinansin, sa halip ay hinila ko ang jacket nito para umayos siya ng upo.




" Saan mo ako dadalhin? " Nakataas kilay kong tanong.




" Secret. "




" Dyan ka magaling sa sikreto. " Bulong ko dito.





" Napansin mo rin? Kaya nga hindi mo agad nalaman na ikaw ang dahilan ng pagtibok ng puso ko. " Sambit nito at kinindatan ako.

Ex Series #1 : Shattered Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now