Chapter 3

31 4 0
                                    


" Hoy, kanina ka pa lutang. " sambit ni Lyra saakin, nandito kami ngayon sa canteen since break time namin.






" Oo nga, ni-hindi mo nagalaw pagkain mo. " sabat ni Calix.


" Kunwari ka pa Cal, gusto mo lang hingin. " Sagot ko dito at inabot ang pagkain ko sa kaniya.




Nilingon ko ang table ni Marcus at Tiffany na hindi kalayuan saamin. Napabuntong-hininga na lang ako bago sinamaan ng tingin si Calix.





" Oh bakit ka galit? Akala ko binigay mo na? " Tanong ni Calix saakin, tinarayan ko lang ito.







" Bakit ang sungit n'yan ni Issa ngayon? " Rinig kong bulong ni Calix kay Logan, kinontrol naman ni Logan ang ulo nito at hinarap sa isang lugar.







" Gets? "







" Ah, nagseselos. " Natatawang sambit ni Calix kaya sinipa ko siya. Hindi ko naman alam na matatapon ang vitamilk na inumin ko saakin. Agad ako napatayo sa gulat.






" Ayan, ang bilis ng karma! " Natatawang sambit ni Farrah, minura ko naman siya sa isip ko.








May tatlong subject pa bago mag-uwian, hindi ko naman dala ang p.e ko. Hindi ko alam kung ilang beses akong napamura sa isip ko habang pinupunasan ko ng map ang natapon na vitamilk ko.





" Wala ba talaga kayong extra dyan? " Tanong ko kina Calix habang naglalakad kami pabalik ng building namin.








" Wala nga. "






" Wala kayong kwenta. " Sagot ko sa mga ito.








" Kasalanan mo 'yan, nagseselos ka wala naman kayong label. " Tugon naman ni Lyra.






" Mamatay may label. " Pang-aasar ko dito, tinarayan lang naman ako nito.






" Gago, wala pa rin kayong label ni Krist? Ilang buwan mo na 'yong nililigawan ah! " Natatawang wika ni Kyler.





" Manahimik ka. " Pagbabanta naman ni Lyra, napailing na lang ako sa mga ito.








" Dito na ako. " paalam ni Lyra saamin, tinanguan naman namin siya. Tinitigan ko ang marumi kong tshirt at hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga.







" Hoi Issa! Hindi mawawala mantsa n'yan kahit ilang oras mong titigan! Pumasok ka na, baka dumating na si sir! " Sigaw ni Farrah saakin, tinarayan ko naman siya.








Papasok na sana ako ng may kamay na pumigil saakin kaya nilingon ko naman ito. " Marcus? May kailangan ka? "







He handed me a white t-shirt so I looked at it in surprise. " Anong gagawin ko dito? "






" Titigan mo hanggang sa maging black. " Sarkastiko nitong sagot, natawa naman ako.




" Thank you. " Sambit ko dito.






" Magpalit ka na, baka mag-time na. " Wika niya saakin, tumango naman ako at ngumiti. Nagpaalam na ito at tumakbo palayo.








" Hmm, I smell something fishy. " napatalon ako sa gulat ng magsalita si Farrah mula sa likod ko.







" Sarili mo lang 'yon. " Sagot ko.



Ex Series #1 : Shattered Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now