Chapter 12

14 2 0
                                    




" Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday Logan! "




Nakangiting dinala ni Kyler ang cake sa harap ni Logan. Habang si Farrah at Lyra naman ay may hawak na confetti. Si Calix at ako naman ang na-assign sa banner. Nakangiti hinipan ni Logan ang kandila, pagkatapos mamatay ng apoy ay masaya namin itong binati ulit.


Nandito kami sa bahay ni Kyler since hindi na rin kami masyado nakapagplano sa sobrang daming nangyari.



" Sayang hindi tayo kumpleto pero okay lang may dumagdag naman. " Natatawang wika ni Logan at tinapik si Jax.



" Welcome to the club pre. " Sambit naman ni Calix at nakipagfist bump dito.





" Laro tayo! One truth, two lies! Dali, upo na kayo! Ang mali ang sagot, bottoms up! Minsan lang naman 'to! " sigaw ni Kyler, wala akong nagawa kundi mapailing. Pumwesto na kami sa sala.



" Ako na mag-start. "


Tinanguan naman namin si Farrah at hinintay ang sasabihin nito.


" I have someone I like right now. Pula ang panty ko, pink ang bra ko. " Wika nito kaya nakatanggap siya ng kotong saakin.






" Wala ka talagang kahihiyan sa buhay. " Nagtawanan lang ang lahat sa sinabi ko habang nakatanggap naman ako ng taray kay Farrah.





" Walang kwenta! Obvious naman na one ang truth! Wala ka talagang fun sa katawan. " Wika ni Lyra dito .





" Wow nagsalita ang mukhang clown. " mataray na sagot naman ni Farrah kaya nabalot ng ingay ang paligid dahil sa mga tawanan namin.





Natigil ang tawanan namin nang biglang dumating si Marcus, nagkatinginan kaming lahat.



" Sorry, late ako. " paumanhin nito
" Happy Birthday pre. "






" Salamat Marcus, akala ko jowa na uunahin mo. Magtatampo na sana ako, pakiss nga. " Wika nito dahilan para matawa si Marcus. Tumabi saakin si Marcus at nagsimula ulit kami sa laro.




" Sino na gusto? "



" Ako na, since late ako. " Sambit ni Marcus, nanatili lang akong nakayuko habang nag-iisip ito.



" I never try orange juice. I hate garlics. I like someone else...here. "






Napaangat ako ng tingin dahil sa mga sinabi nito at hindi ko inaasahang magtatama ang mga tingin namin. Naramdaman ko ang pagsiko ni Farrah saakin at mga tingin ng kaibigan ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at ininom ko ang alak na nasa harap ko.




" Easy lang Issa! Baka maubusan tayo! " Rinig kong pagbibiro ni Calix pero hindi no'n napagaan ang paligid at nararamdaman ko.




Nagbibigay siya ng motibo pero hindi ako sigurado kung gusto niya ako. Nakakagago.


" Issa? "




Napalingon ako kay Farrah nang tawagin ako nito, hindi ko pala napansin na ako na lang ang hinihintay nilang sumagot.


" Number two is the truth. " I answered without looking at him.

" Bottoms up, Issa. "


Naramdaman ko ang paghawak ni Farrah sa kamay ko sa ilalim ng lamesa, malamang ay alam niyang hindi na ako makakapagtimpi.


" Putangina. " wika ko dahilan para matigilan ang lahat.




" Issa? " Pagtawag ni Kyler saakin pero hindi ko ito nilingon. I looked straight into Marcus' eyes hoping he would see that my mind is so confused about the meaning what he's doing to me.



" Putangina Marcus, hindi ako lasing pero gulong-gulo na ako. "




Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at hinarap si Logan. " Sorry Logan pero kailangan ko na umuwi. Happy birthday ulit, babawi ako sayo. "



Pagkatapos kong sabihin 'yon ay naglakad na ako palabas sa bahay ni Kyler. Hindi ko namalayan tumutulo na ang luha ko. Naiinis ako, naiinis ako kasi ang gulo. Nakaka-frustrate yung sinasabi niya sa pinapakita niya.





Naramdaman kong may pumigil sa kamay ko. Inis kong nilingon kung sino ito at hindi ako nagkamali. I saw Marcus in front of me looking like a fool that didn't know what to say. He tried several times to speak but in the end he did not succeed either.



Binawi ko na ang kamay ko sa kaniya at binigyan siya ng malamig na tingin.




" Issa...I don't know where to start. Ni-hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin kasi kahit ako naguguluhan din. " Wika nito saakin, dahilan para mapailing ako.





" In the first place hindi ka naman maguguluhan Marcus kung nilinaw mo lang kung ano ba talagang nararamdaman mo. "






" Kasi Marcus hindi naman tayo tanga para hindi malaman kung anong ibigsabihin nung nararamdaman natin. Sadyang hindi mo lang talaga kayang tanggapin kung ano man 'yang nararamdaman mo. Bakit Marcus? " Dadag ko dito.





" Ano bang dahilan para maguluhan ka? Si Tiffany ang gusto mo diba? Siya ang niligawan mo. May karapatan siyang magalit kasi tama naman siya. Nililigawan mo siya tapos ako ang madalas mong kasama? Bakit ka nandito at sinasabi ang mga bagay na 'yan sa harap ko imbis na kasama siya? "



Nanatili lang itong tahimik habang hinihintay ang susunod kong sasabihin.



" Yung totoo Marcus, may gusto ka ba saakin? " Hindi na akong nagdalawang isip na tanungin sa kaniya 'yon dahil sa totoo lang, ang gusto ko lang malinawan kasi gulong-gulo na ako. Ang kailangan ko lang marinig sa kaniya yung totoo.



Ang problema kasi sa mga tao, takot tayong linawin kung ano ba yung pinapahiwatig saatin ng iba kasi takot tayong mapahiya, pero mas pipiliin ko pang mapahiya kaysa habang buhay na umasa sa bagay na hindi ko naman nauunawaan. Sa pahiwatig na wala namang linaw.



" Bakit hindi ka makasagot? "




" Do you like me Klarissa? " Pagbabalik nito saakin ng tanong dahilan para matigilan ako. Napabuntong-hininga ako at hindi ko alam pero pakiramdam ko umatras ang tapang ko kanina.



" Bakit ikaw naman ang hindi makasagot? " tanong nito saakin at lumapit, hinawakan nito ang baba ko at inangat ang tingin ko.



" Bakit mo binabalik saakin ang tanong? " Inis kong wika dito, nginitian niya naman ako kaya mas lalo akong nainis.



" Bakit ka ngumingiti?! " Sigaw ko dito at tinulak ito palayo saakin.



" Ang cute mo kasi. " Wika nito kaya nakatanggap siya ng suntok saakin.





" Ewan ko sa'yo. " Sagot ko dito, sumeryoso naman ito at lumapit saakin ulit. Inilagay niya sa likod ng tenga ko ang buhok ko at nagulat ako sa sunod na ginawa nito.


He wrapped his arms around me and placed his chin on my shoulder. I was stuck in my position because of what he did. Para akong mauubusan ng hininga sa bilis ng tibok ng puso ko. Kung natigilan ako sa ginawa nito ay mas natigilan ako sa binulong nito saakin.



" Yes I like you. Did you hear me clearly, Klarissa? I like you so much, that I feel like my heart will always going to explode whenever you're around. "


" Pero paano si Tiffany? "



Namutawi ang katahimikan saamin na para bang may dumaan na anghel at yung kilig at saya na namutawi saakin ay napalitan muli ng mga tanong.




Kung sasagot ba ako ng oo, sigurado akong akin na siya? Bakit niya ba inaalam kung gusto ko talaga siya? Para ba makasigurado siyang pag sumugal siya saakin ay panalo siya? Paano kung hihindi ako? Magbabago ba ang mga sinabi niya saakin ngayon?


Ano ba talagang gusto niya?
Kasi gulong-gulo na ako.



Ex Series #1 : Shattered Heart (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz