Chapter 22

14 0 0
                                    




" Kamusta? Okay ka lang ba? "




Wika ko kay Marcus na diretso lang nakatingin saakin. Pagod ang mga mata niya pero nakukuha niya pa ring ngumiti saakin. Nag-aalala ako sa kaniya dahil kitang-kita ko ang pagod sa mga mata niya. Hindi naman siya nagkukwento saakin kung anong nangyayari sa kaniya. Sa tuwing magkikita kami, wala kaming ibang pinag-uusapan kundi ako, kung ano nangyari saakin. I respect his privacy, ayokong pilitin siyang mag-open up saakin kaya ang ginagawa ko na lang ay iparamdam sa kaniyang nandito lang ako at hindi na siya nag-iisa.





Ilang buwan na rin nung magsimula kaming pumasok sa nga universities na napili namin. Bihira na rin kaming magkita-kitang magkakaibigan pero nakakapag-usap pa din naman.






Si Marcus at ako halos isang araw na lang ata sa isang linggo kaming nagkikita at madalas ay hindi pa, pero we both matured enough to accept that we need to know our priorities in life.






" Wala naman baby, gusto lang talaga kitang titigan. "





Nginitian ko na lang ito sa sinagot niya saakin, alam kong hindi siya nagsasabi ng totoo. Nag-aalala ako at natatakot.








" Marcus, you know you can tell me everything right? I'm still your friend. " Sagot ko rito at hinawakan ang kamay nitong nakapatong sa lamesa.




" And soon to be my girlfriend. "





Napataray na lang ako sa sinagot nito, tumabi ako sa kaniya at sinandal ko ang ulo sa balikat niya, pumikit ako at pakiramdam ko tumahimik ang paligid.






" Namiss kita."







" Alam ko. " Pabiro nitong tugon kaya sinamaan ko siya ng tingin at pabirong hinampas sa braso. Tumayo na ako para bumalik na sana sa upuan ko pero hinila ako nito at pinaupo sa hita niya. Tahimik niyang niyakap ako mula sa likod at pinahinga ang baba niya sa balikat ko.






" Ayos ka lang ba talaga? You look tired. " Nag-aalala kong wika dito.




" Sabi ko naman sayo kung kailangan mo ng pahinga, okay lang kung hindi tayo magkita diba? Mas better kung magpahinga ka. Alagaan mo ang sarili mo, Marcus. " Dagdag ko at hinawakan ang kamay niyang nakayakap saakin.








" That's why I'm here. " Sagot niya saakin dahilan para maramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam anong mangyayari saakin kapag nawala saakin si Marcus. Mahal na mahal ko siya.




" Ikaw ang pahinga ko. " Dagdag nito.



" Hindi ka ba napapagod maghintay saakin? " Tanong ko dito.




" I can always wait for you, hanggang sa handa ka na at hindi ka na takot lumaban para saatin. " Sagot nito sa pagitan ng ng yakap namin.







" Let's go home? " Pagyaya ko dito at naglakad na kami palabas ng coffee shop. Hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami sa ilalim ng liwanag ng buwan at tahimik na paligid. Walang gustong umimik saamin, we just want to have this moment. At first I thought love is always about " banats " that will make you feel kilig but when I felt it, I realized that love is not all about that. Love is enjoying silence with your favorite person. It is not having so much words and conversation but it is having the feeling of being comfortable even in the middle of silence. Love is feeling happy even in simple things.




Hindi ko napansin na nakarating na kami sa tapat ng bahay. Humarap ako sa kaniya at sinubukang bitawan ang kamay nito pero hinigpitan niya lang ang paghawak niya sa kamay ko kaya nagtataka ko siyang nilingon.





" Marcus, you have to go home. " Wika ko dito. Nagulat ako ng hilahin ako nito at yakapin ng mahigpit.





" I love you. " Sambit nito kaya naman napangiti ako. Niyakap ko rin siya pabalik. He smiled at me as he waved his hand. I just watch him until my eyes can no longer reach even his shadow.




" Farrah? Sure ka ba? Baka naman busy lang yung tao. " Wika ko kay Farrah, pagkapasok ko pa lang ay naabutan ko na itong prenteng nakahiga sa kama ko.







" Yes, ilang araw niya na akong hindi kinakausap. It doesn't feel right. " Sagot nito saakin, tahimik akong umupo sa kama at iiling-iling ko siyang tiningnan.






" Masyado ka kasing clingy kay Jax kaya napapraning ka kapag hindi mo siya nakakausap. Mahal ka nung tao, magtiwala ka naman. " Sagot ko dito.







" May tiwala ako kay Jax pero sa mga tao sa paligid niya wala. Atsaka ikaw, kapag ba biglang hindi nagparamdam sayo si Marcus hindi ka mapapraning? Try to bring yourself into my situation, baka mapraning ka rin. " Wika nito saakin.








" I trust Marcus, hindi niya magagawa saakin 'yon. " Komento ko dito at kasunod non ay tumunog ang cellphone ko kaya proud ko 'yon pinakita kay Farrah. Text 'yon mula kay Marcus.






" Hindi mo rin masasabi. Hindi naman natin hawak ang utak ng tao. " Kibit-balikat nitong wika saakin.







" Mahal ako ni Marcus. " Wala sa wisyo kong sagot dito, natawa naman ito sa sinabi ko.






" I know, I never doubt Marcus feelings for you because I feel it too. The way he take cares of you, the way he look at you, aba hindi ko alam anong gayuma ang binigay mo don bakit mahal na mahal ka. " Natatawa nitong sambit.








" Ang akin lang, ikaw. Oo, pinapakita mo sa kaniya na mahal mo siya pero you never tell him directly that you love him. Baka lang kasi isang araw, mawalan ka na karapatang sabihin ang mga bagay na 'yon sa kaniya. Hindi sa minamadali kita, ang gusto ko lang sabihin Issa, hindi sa lahat ng oras saatin aayon ang tadhana. " Dagdag nito bago lumapit saakin at mahina akong tinapik sa balikat.







" Mauna na ako, pag-isipan mo yung sinabi ko. " Nakangiti niyang wika at niyakap, tumango naman ako.





Tinitigan ko ang litrato namin ni Marcus na nasa wallpaper ko. Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatingin ako doon, mahal na mahal ko talaga si Marcus. Nakikita ko na siya sa future ko, baka nga oras na para saamin. Baka nga panahon na para marinig niya saakin kung gaano ko siya kamahal.

Ex Series #1 : Shattered Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now