Chapter 1

72 5 0
                                    


" Klarissa, puro ka aral! Mag-ayos ka naman kaya hindi ka napapansin ni Marcus e. "




Wika ni Farrah habang sinusubukang hilahin ang notebook ko palayo saakin, hindi ko naman ito binitawan kaya wala s'yang nagawa kundi sumuko sa paghila nito. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko habang si Farrah naman ay nakikita kong nakabusangot mula sa peripheral vision ko.




" Tigilan mo ako Farrah, gusto mo lang mangopya. "






" Dali na kasi, may date na naman si Marcus dun sa malanding si Tiffany. Bakit ba baliw na baliw siya don? Hindi hamak na mas malaki hinaharap mo don ah. "







Napailing na lang ako sa kabastusan ng bunganga nito. " Nasaan pala sila Lyra at Kyler? " tanong ko dito.






" Si Lyra? Ka-date yung varsity player na si Krist. Si Kyler baka nakikipagmake-out kay Logan. " Kibit-balikat na sagot nito saakin. Napabuntong-hininga na lang ako at napataray sa narinig kong sagot nito.




" Ang landi n'yo, bakit ko ba kayo naging kaibigan? " Wika ko dito at hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga habang nakatingin ng diretso dito.






" Turuan kitang lumandi? " natatawa nitong suhestiyon. Tinarayan ko lang naman siya.







" Speaking of malandi. " Napapataray na wika ni Farrah at nakatingin mula sa malayo. Nilingon ko naman sino ang tinitingnan nito. Nakita si Marcus at Tiffany na naglalakad papalapit saamin.







" Naiirita talaga ako sa babaeng 'yan. " Bulong nito saakin, siniko ko lang siya.






" Duh, mas maganda ka kaya sa kaniya. "





" Manahimik ka na lang. " Suway ko rito at pinanlakihan siya ng mata.





" Hi mga cheap na friend ni bebe Marcus ko. " pagbati saamin ni Tiffany. Nginitian ko naman ito pero sa loob-loob ko ay napapataray na lang ako.






" Aba't sinong cheap? Mas mukha kang cheap. Peke naman 'yang boobs mo! " Sagot ni Farrah.






" Omg, did you just insult me? You heard it right, Marcus? This cheap girl, insult my boobs. " Maarteng wika nito, napataray na lang ako.





" Iba ang nang-iinsulto sa nagsasabi ng totoo, girl. " sagot naman ni Farrah.





" Farrah, tumigil ka na nga, tara na. Marcus mamaya na lang " Wika ko, tumango naman ito at humingi ng pasensya.




" Aray, bakit mo naman ako hinila! Nakakairita talaga 'yon, akala mo kung sino, palibhasa mayaman. "




" Tumigil ka nga kakaaway don kay Tiffany, hindi mo 'yon ka-level. " Suway ko dito habang naglalakad kami.





" So anong ibig mong sabihin? Tinatanggap mo talaga na cheap tayo? " mataray nitong tanong saakin, tinarayan ko rin naman siya.






" So anong mali sa pagiging cheap? Ano naman kung hindi kagandahan ang bag natin? Kung sa tyangge lang ang sapatos natin at mura lang natin nabili? Hindi naman doon mababase yung katauhan ng tao. "




" Sometimes it's okay to be cheap than to be expensive. Kasi anong silbi ng mga mamahalin mong gamit kung ang baho naman ng ugali mo. " dagdag ko dito dahilan para pabiro akong hampasin nito sa balikat.






Ex Series #1 : Shattered Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now