Chapter 20

19 1 0
                                    





" Ngayon ang alis ni Tiffany? " Tanong ko kay Marcus, tumango naman ito.





" Ihahatid mo ba siya? " Tanong ko ulit dito, tumawa naman siya.




" Why, are you jealous? " Mapang-asar nitong tanong. Tumawa naman ako ng naaasar.

" Luh asa ka. Akala mo naman gustong-gusto kita. " Wika ko dito.





" Bakit hindi ba? " Sagot nito saakin at kinindatan ako. Tinarayan ko lang naman siya at nauna ng maglakad.





" Hey baby! I'm just joking! " sigaw nito dahilan para maglingunan ang mga estudyante sa paligid. Tumigil ako at pinanlakihan ko siya ng mata. Habang siya naman ay tawa lang ng tawa.




" Baby? " Nanlalaki mata kong tanong dito.





" Ang cute mo talaga. " Nakangiting wika nito at lumapit sa tenga ko at bumulong. " Lalo na pag-nagbablush ka. "




Nagtakip ako ng mukha at inis na naglakad palayo. Rinig na rinig ang tawa niya pero nakakainis dahil mas rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko. Hindi ko talaga alam anong meron sa lalaking 'yon, bakit hindi kayang kumalma ng puso ko sa kaniya.






" Hoi ayos ka lang? Bakit pulang-pula ka? " Pagbungad na tanong ni Farrah pagkarating na pagkarating ko pa lang ng room.



" Wala, mainit kasi. "




Tinawanan niya naman ako at umiling kaya hindi ko maiwasang taasan ito ng kilay.




" Tinatawa mo dyan? " Tanong ko dito.




" Yung sagot mo kasi taliwas sa panahon. Umaabon nga sa labas tapos mainit ka dyan. Palusot mo bulok! Ano ba kasi nangyari? Chika mo naman. " Curious na tanong nito.




" Wala nga. "





Mabilis na lumipas ang oras pero hindi pa rin tumitila ang ulan. Pinagmamasdan ko lang ang pagtulo nito habang naghihintay ako sa waiting shed, naweweirduhan ako sa sarili ko dahil para akong tangang naghihintay kahit wala naman akong kikitain.






Bakit nga ba ako nandito? Para akong sira. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko at magpapasya na sana umalis pero natigilan ako ng matanaw ko mula sa hindi kalayuan ang pamilyar na tao saakin. Nasagot ang katanungan sa utak ko ng makita ko ang malungkot nitong mga mata.



" Winston. " Mahina kong pagtawag dito. Pinagmasdan ko lang itong malungkot na panoorin ang pagpatak ng mga luha ng langit katulad ng pagpatak ng luha niya na pilit niyang itinatago gamit ang ulan. Kahit may payong siyang hawak, hindi niya 'yon ginamit panangga. Hindi ko alam pero ako ang nasasaktan para sa kaniya.





" Winston. " Hindi ko alam kung napalakas ba ang pagtawag ko sa kaniya kaya siya lumingon o sadyang lumingon lang siya ng oras na 'yon.



Binigyan ako nito ng pilit na ngiti bago lumapit saakin.





" Tiffany is leaving. "






Nanatili lang akong tahimik sa sinabi nito. Pareho na kaming nakaupo sa waiting shed, walang ibang ginawa kundi panoorin ang malakas na pag-ulan.





" Alam mo Issa, I never thought he would let go of Marcus that easy for you. All this time I thought he loved Marcus more than he loved me before that's why I was so jealous.  " Wika nito.



" She didn't let go of Marcus for me, she let go of Marcus for herself. " Sagot ko rito at nilingon ito.





" Why don't you do the same for yourself? Bigyan mo muna ng oras ang sarili mo, malay mo magtagpo ulit kayo? Hindi naman natin masasabi ang tadhana. "





" Issa, do you think she will forgive me? "
Tanong nito saakin, nginitian ko naman siya.








" I didn't know Tiffany that long like how you and Marcus know her. " Nakangiti kong sagot. " Pero yung maikling panahon na nakausap ko siya, I feel like she's just too broken that's why she didn't realize that she was hurting the people around her. She's too broken to forgive people who hurt her. She's too broken to forgive herself but if she will have time for herself to realize things, I think she will be able to let go of those hartred. " I answered.





I didn't know what is the reason why he and Tiffany ended up like this but I hope the best for both of them.





Nakarating ako ng bahay na lumilipad ang utak kung saan. Matapos naming mag-usap ni Winston ay nagpaalam na siya, hindi ko alam kung magiging okay siya pero sana nga. Sana may oras para sa kanila. Napatingin ako sa cellphone ko at doon ko napansin na alas onse na ng gabi. Tulog na rin si tita, hindi ko napansin na masyado pala akong nagtagal sa waithing shed. Matapos kasing umalis ni Winston ay tumambay pa ako doon. Gusto ko lang kasing mag-isip kahit wala naman akong dapat isipin.




Kumuha ako ng baso sa kusina at nagtimpla ng kape bago bumalik ulit sa kwarto. Mula sa bukas kong bintana ay tinanaw ko ang kalmado ng langit. Siguradong hindi sisilip ang buwan at mga bituin ngayon. Hinigop ko ang kape ko bago binuksan ang notebook ko para magsimula na para sa assignment na dapat kong gawin. Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog 'yon, napangiti na lang ako ng mabasa ang pangalan ni Marcus.



" Hello? "


" Baby, baba ka. "





" Tumigil ka nga kakatawag saakin ng baby. Hindi pa naman tayo. Kaltukan kita dyan. " Reklamo ko rito.



" Baba ka na lang dali. " Masayang sambit nito.





" Ayoko nga, nakakatakot. Tsaka bakit ba? " Tinatamad kong sagot.





" Tsk. Sumilip ka na lang sa bintana niyo. " Sagot nito na agad ko namang ginawa. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang ugok na masayang kumakaway saakin sa baba.





" Siraulo ka talaga. "






Nakapamewang ako habang nakaharap sa kakamot-kamot ulong si Marcus. Wala akong nagawa kundi ang mapaupo na lang sa kahoy na upuan na nasa tapat ng bahay namin.


" Kamusta si Tiffany?"




" Na-delay ng saglit yung flight niya pero natuloy din. " Sagot nito at tumabi saakin.


" Hmm. "



" Baby, galit ka ba? "




" Sabing wag mo akong tawagin ng ganyan, mamaya may makarinig. " Sagot ko.




" Doon na rin naman papunta 'yon diba? " Sagot nito at kinindatan ako. Bumuntonghininga naman ako.



" Marcus... pwede bang bigyan muna natin ng time yung isa't isa? I mean wag natin madaliin ang mga bagay? Alam mo naman yung takot ko diba? " Wika ko rito, napansin ko ang gulat nito. Tumahimik ang paligid saamin at pakiramdam ko masasakal ako sa kaba, kaya napayuko na lang ako at napapikit.



Nagulat ako at ng guluhin nito ang buhok ko, kaya nag-angat ako ng tingin. " I'm not rushing you, I'm just going to start courting you but that doesn't mean I give you the obligation to answer me right away. I am always ready to wait for you. Just like how the sun waits for it's moon. " Sambit nito at inabot saakin kwintas na may pendant na moon. Napangiti na lang ako at niyakap ito.





" Thank you. "

Ex Series #1 : Shattered Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now