Chapter 17

11 1 0
                                    






" Hoi! Ang saya mo ata? " Nginitian ko si Farrah at niyakap ito ng mahigpit. Sige naman ang reklamo nito na hindi siya makahinga kaya naman binitawan ko na dahil baka mapatay ko pa.


Sayang hindi pa natuluyan.






" Aray putek! Sabihin mo lang kung may sikretong galit ka saakin! " Sigaw nito saakin at habang oa na naghahabol ng hininga.





" Ayoko nga, kaya nga sikret e. Tanga ka rin no? " Nakangiti kong pambabara sa sinabi nito.



" Ang creepy mo na, kahit binara mo yung sinabi ko, nakangiti ka pa rin! Wait asan ba yung cellphone ko? " pinanood ko lang itong mataranta sa paghahanap ng cellphone.





" Bakit mo ba hinahanap? " Tanong ko rito.




" Magsesearch ako! " Sigaw nito saakin, napatango na lang ako. Sa wakas nahanap niya rin ang cellphone niya. Tahimik lang ito habang seryosong-seryoso nagsesearch.





" Ano bang sinesearch mo? " Curious kong tanong dito, agad niya namang hinarap saakin ang cellphone niya.



Reason why people always smile?
Bakit hindi mawala ngiti sa labi ng tao?
Kapag ba laging nakangiti, sinasapian?
What should I do if someone I know keep smiling like a fool?




Napailing na lang ako sa nabasa ko search history niya. Kahit kailan talaga 'tong si Farrah puro kalokohan ang nasa utak.


" Si Winston ba 'yon tsaka si Tiffany? " Tanong ni Farrah habang nakatingin sa isang lugar kaya naman napalingon ako sa lugar na tinitignan nito.



" Mukhang nag-aaway? Patay ka, kasalanan mo 'yan. " Pananakot ni Farrah pero hindi ko ito pinansin. Pilit na hinahabol ni Winston si Tiffany habang pilit naman inaalis ni Tiffany ang kamay ni Winston. Natigilan ako ng lumingon ito sa gawi namin, seryoso ang mga tingin ang ibinigay saakin ni Tiffany. Napahawak si Farrah saakin sa balikat. Napalunok na lang ako pero hindi katulad ng inaasahan kong ang nangyari.





I thought she will come to me and shout at me like she always did but she just walk out. Napansin ko ang mahinang pagbuntong-hininga ni Winston. Pinigilan ako ni Farrah na lapitan ito pero hindi ako nagpapigil.




" Anong nangyari? " Tanong ko dito.
Winston and I, even though we just met, I feel like he is already a good friend to me.



" Wala. Wala pa rin. " Mahinang sagot nito.

I wonder what did Winston do to make Tiffany have a stone heart for him.







Umupo ito sa hagdan kaya tinabihan ko naman ito. Nanatili itong nakayuko, marahan ko namang tinapik-tapik ang balikat nito. " Issa... " Nanatili ang tingin ko sa nakayuko si Winston at sinagot ang pagtawag nito saakin.





" Hmmm? "





" Pwede bang... " Hinintay ko ang susunod nitong sasabihin. Napalayo ako ng konti ng nag-angat ito ng tingin. " ...layuan mo na lang si Marcus? "





Para akong naestatwa sa sinabi niya. I tried to utter a word but I failed. Hindi ko maiwasang ilayo ang tingin ko sa mga diretsong titig nito saakin. Nanatili ang katahimikan saamin.




" Hindi rin naman magwo-work kung anong meron kayo ni Marcus. He can't even fight for you. Klarissa, mali na umasa ka sa kaniya habang umaasa rin si Tiffany sa kan'ya. I just don't want both of you to be hurt. " Wika nito dahilan para magpakawala ako ng pekeng tawa.




" Asan na yung sinabi mong pareho nating ilalaban sila, kahit mahirap? Kahit wala ng pag-asa? Bakit bigla ka atang umatras? " Tanong ko rito.





" Bakit may ilalaban pa ba? " Tanong nito saakin dahilan para lingunin ko ito. Muling nagtama ang mga tingin namin, this time he was smiling at me but I can feel the pain inside him.




" I like Marcus... "



" Pero si Tiffany ang nililigawan niya. Hindi man sila pero sa mata ng tao, ikaw ang sumisira ng relasyon nila. Sa mata ng iba kahit hindi pa sila, kabit ka."





Para akong nasampal ng katotohanan sa sinabi nito. Diretso ang mga tingin niya saakin habang seryoso ang mata niya. Lahat ng saya na naramdaman ko nung nakaraang gabi ay nawala ng mga sinabi nito.





Kailan pa ako naging ganito? Kailan pa ako naghangad ng higit sa kaya lang ibigay saakin ng tao?




" Issa okay ka lang? Kanina ka pa kasi tahimik? Masama ba pakiramdam mo? " Tanong saakin ni Kyler. Wala kaming teacher ngayon pero may pinagawa si sir. Nginitian ko lang naman si Kyler at umiling ako sa tanong nito.






" Umamin ka nga, ano bang pinag-usapan niyo nung si Winston at para kang wala sa sarili ngayon? " Sambit ni Farrah.




" Farrah tama ba 'tong ginagawa ko? " Tanong ko rito.







Tumayo ito mula sa pagkakaupo niya sa likod ko at sinilip ang papel ko.






" Ang alin? Tama naman formula mo. " Sagot nito habang nakatingin sa papel ko, tahimik itong bumalik sa pagkakaupo niya. Hindi ako umimik sa sinagot nito, sa halip ay tahimik kong binitawan ang ballpen ko at tumingin sa labas ng bintana.








" Tell me the truth, it's about Tiffany right? Iniisip mo ba na inaagaw mo si Marcus sa kaniya? " Tanong nito saakin, napabuntong-hininga naman ako.








" Well, kung ako ang tatanungin, inaagaw mo talaga siya. " Sagot nito, narinig ko naman ang pagtatalo ni Kyler at Logan kung sino ang pipigil sa seryosong si Farrah. Nilingon ko si Farrah at nagtama ang mga mata namin.







" Kahit hindi sila ni Tiffany, nililigawan pa rin siya ni Marcus at bilang isang babae, hindi magandang tignan ang ginagawa mo. Oo inaamin ko may mali kami dito, pinaasa ka namin e. Pinush ka namin. Kasalanan namin na nag-assume ka. "







Para akong hindi makagalaw sa sinabi nito. She's my bestfriend, that's why it hurts more when those words came from her.





" Farrah. " Pagpigil ni Kyler dito.






" Hindi, hayaan mo ako. Wag mo akong pigilan Ky. I know what I'm saying. She needs to face the truth. Hindi pwedeng mabuhay siya sa pantasya niya palagi. Bakit ano ba sila Marcus? Marcus is just giving her a bullsh*t fake chances na kung i-take naman nitong si Issa, akala mo siya ang ibinabalandra sa mundo, e hanggang secret lang naman sila. Para siyang kabit. "








" I'm not even sure if what she was telling us about them really happened to them, kasi wala naman talaga akong nakikitang progress.  " Mahabang lintanya nito.Hindi ko namalayan napariin na pala ang paghawak ko sa dulo ng ballpen ko.






" Ouch. " Mahinang sambit ko. Natataranta namang pumunta sa harap ko si Kyler at Logan. Kinuha ni Logan ang ballpen palayo saakin. Si Farrah naman ay lumambot ang mga tingin saakin.





Tahimik na kinuha ni Logan ang kamay ko at itinali ang panyo niya saakin.Akala ko lalapitan ako ni Farrah pero hindi niya 'yon ginawa. Umalis siya na parang walang nangyari. Napapikit na lang ako ng mariin sa sobrang gulo ng utak ko.



Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Magkaaway kami ni Farrah tapos hindi ko pa maintindihan kung ano kami ni Marcus.






I need sign. Please give me sign.

Ex Series #1 : Shattered Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now